NGAYONG araw na ang paghuhusga. Uulitin po natin, pakaisiping mabuti ang ibobotong presidente at bise presidente dahil anim na taon po tayong pamumunuan nila. Isang shade lang po ang gagawin natin, pero kapag nagkamali tayo, anim na taon tayong magdurusa at magdaragdag ng implikasyon sa kasalukuyang sitwasyon. Sa pagse-shade nga po pala ng inyong mga iboboto, ‘yung bilog po sa …
Read More »TimeLine Layout
May, 2016
-
9 May
Lim kumasa sa ‘guerilla style’ na caucus sa Baseco
LIBO-LIBONG residente ng Baseco ang humarang sa motorcade nang nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Alfredo S. Lim nang magtungo siya roon para kumampanya, dahilan upang mapilitang magsagawa ng caucus, ‘guerrilla style.’ Sa gitna ng hiyawan at patuloy na pagtawag sa pangalan ni Lim, nagtipon ang mga residente sa mismong gitna ng kalsada, kung kaya’t hindi kinayang umandar ng …
Read More » -
9 May
Bumoto batay sa karakter ‘di sa personalidad (Robredo: Pamilya isipin)
NANAWAGAN si Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Robredo sa mga botante na isipin ang kinabukasan ng pamilya sa pagpili ngayong araw (Lunes) ng mga susunod na lider na magsisilbing gabay ng bansa sa anim na taon. “Narinig na nating lahat ang magagandang pangako at plano na puwedeng bitiwan ng mga kandidato. Pero sa huli, dapat tingnan ng mga …
Read More » -
9 May
Lim: I Shall Return
WALA nang makapipigil sa pagbabalik ni Alfredo Lim bilang alkalde ng Maynila. Ito ang tiniyak ng mga Manileño sa bawat sulok ng lungsod sa mga isinagawang miting de avance ni Lim sa anim na distrito ng siyudad. Laging mainit ang pagsalubong ng mga tao tuwing makadadaupang-palad si Lim, maging sa motorcade, o house to house campaign. Bukod kasi sa tinamasang …
Read More » -
9 May
Tolentino inendoso ni Duterte, INC
NAKAKUHA ng malaking bentaha ang kandidatura ni independent senatorial candidate Francis Tolentino nang iendoso ng nangungunang presidential bet na si Rodrigo Duterte at ng Iglesia Ni Cristo (INC). Nagpahayag ng suporta si Duterte, sa pagsasabing hanga siya sa malawak na kakayahan ni Tolentino na akma sa Senado. Kabilang si Tolentino sa 12 senador na nakalagay sa sample ballot na ipinamahagi …
Read More » -
9 May
Iboto natin…
NGAYONG araw ng eleksiyon sana ay maging pihikan tayo sa ating mga iboboto. Huwag tayong manghula o magpaimpluwensya sa kung sino-sino lamang. Ano man ang mangyayari, isipin natin na ang ilalagda natin sa mga balota ngayon ang magpapanday ng ating kinabukasan. Kung ako ang masusunod… Ang aking iboboto ay ‘yung hindi mapagmalinis kasi sa aking karanasan ‘yung mga nagmamalinis ang …
Read More » -
9 May
Leni suportado ng gambling lord? (Biggest spender)
TALIWAS sa kanyang pagiging simple, natukoy na si vice presidential candidate Leni Robredo ang may pinakamalaking ginastos sa kanyang kampanya kung ikokompara sa lahat ng kandidato sa pagkapresidente. Kamakailan, lumabas sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na sinasabing ayon sa Nielsen Media’s monitoring data, nanguna sa paggastos sa advertisement si Robredo mula nang magsimula ang kampanya noong …
Read More » -
9 May
NAIA Immigration Officer inireklamo! (ATTN: SoJ Emmanuel Caparas)
SI Melony Moises, isang dating overseas Filipino workers (OFW) sa Middle East ay nagtayo na lamang ng negosyo sa bansa, upang hindi na niya maiwan ang kanyang pamilya. Ang kanyang itinayong negosyo ay isang installation services sa kanyang probinsiya sa Baluarte, Santiago City at meron siyang business partner na Arabo. Siya’y naimbitahan na pumunta sa Bahrain, pinadalhan ng requirements sa …
Read More » -
9 May
13 arestado sa vote buying sa Cagayan
UMABOT na sa 13 indibidwal ang naaresto ng mga awtoridad sa isang barangay sa lalawigan ng Cagayan dahil sa pamimili ng boto. Sa report na nakarating sa National Election Monitoring Center (NEMC) ng AFP, naaktohang namimigay ng sobreng may pera ang mga indibidwal sa Brgy. Curva, Pamplona, Cagayan. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Pamplona Municipal Police station ang naarestong mga suspek. …
Read More » -
9 May
Vote Buying talamak sa Eastern Visayas (Pekeng pera ipinamimigay)
TACLOBAN CITY – Talamak pa rin ang vote buying sa maraming lugar sa Eastern Visayas at hindi ito ikinakaila ng maraming mga botante. Sa nakuhang impormasyon, mismong barangay officials pa ang nangunguna sa pamimigay nito. May ilang reklamong natatanggap ang himpilan tungkol sa mga pekeng pera na ipinamimigay sa bahagi ng Marabut Samar. Ayon sa hindi nagpakikilalang botante, aabot mula …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com