Monday , December 15 2025

TimeLine Layout

October, 2016

  • 1 October

    Inambus na judge kasama sa narco-list

    PINANGALANAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang hukom na kasama sa kanyang narco list. Sa kanyang talumpati sa 9th National Biennial Summit on Women and Community Policing sa Apo View Hotel sa Davao City, binanggit ng Pangulo ang pangalan ni Judge Hector Salise. Si Judge Salise, presiding judge ng Bayugan City Regional Trial Court, ay sugatan sa pananambang noong Biyernes, …

    Read More »
  • 1 October

    ‘Igme’ papasok sa PH ngayon

    KINOMPIRMA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang pagpasok ng panibagong bagyo sa bansa ngayong araw, Oktubre 1, may international name na Chiba. Ayon sa weather advisory na inilabas ng Pagasa, ang nasabing bagyo na tatawaging Igme ay namataan sa 1,500 kilometro Timog ng Southern Luzon. Ito ay may lakas ng hangin na 85 kilometro kada oras …

    Read More »
  • 1 October

    1 patay, 3 arestado sa drug operation

    PATAY ang isang hinihinalang drug pusher habang arestado ang tatlo katao at nasagip ang dalawang menor de edad sa isinagawang drug operation ng mga operatiba ng Manila Police District-Police Station 6 sa Sta. Ana, Maynila. Kinilala ang napatay na si Willie Ternora, nasa hustong edad, residente ng 1858 Oro-B, Sta.Ana, Maynila. Habang arestado ng mga awtoridad ang mga suspek na …

    Read More »
  • 1 October

    3 drug suspect utas sa pulis, 3 arestado

    TATLO katao na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang namatay makaraan makipagbarilan sa mga pulis habang tatlo pa ang naaresto sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. Ayon kay Caloocan City Police Deputy for Administration Supt. Ferdinand Del Rosario, hindi pa nakikilala ang tatlong napatay na tinatayang may gulang na 30 hanggang 40-anyos. Sa ulat nina SPO2 Eduardo Tribiana, …

    Read More »
  • 1 October

    5 tulak utas sa drug bust sa Navotas

    LIMA katao ang napatay  ng mga awtoridad habang 85 katao ang inaresto sa isinagawang ”One-Time-Big-Time” (OTBT) anti-criminality operation sa loob ng Navotas Fish Port Complex kahapon ng umaga sa Navotas City. Kinilala ni Senior Supt. Dante Novicio, hepe ng Navotas City Police, ang mga napatay na sina Gerald Butillo, 35; Vicente Batiancilla, 31, habang ang tatlo pa ay kinilala lamang …

    Read More »
  • 1 October

    67 pulis pa ipatatapon sa Mindanao

    UMAABOT sa 67 pulis sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang namimiligrong maipatapon sa Mindanao dahil sa katiwalian at pagkakasangkot sa ilegal na droga. Ayon kay PNP-NCRPO acting director, Chief Supt. Oscar Albayalde, mayroon silang panibagong 67 pulis na napatunayang sangkot sa pangingikil o extortion. Kabilang aniya rito ang grupo ni PO2 Franklin Menor, miyembro ng NCRPO Anti-illegal drug …

    Read More »
  • 1 October

    US military exercises sa PH seryosong tapusin ni Pres. Digong

    THIS time, seryoso si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na tapusin ang pisikal na pakikialam ng Estados Unidos sa ating bansa sa pamamagitan nang tuluyang pagpapatalsik sa US military exercises sa Mindanao o ‘yung Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Para kay Digong, ito ang pisikal na dominasyon ng mga Kano sa ating bansa. Aniya, “I would serve notice to you now …

    Read More »
  • 1 October

    Bebot pinatay, isinilid sa drum ipinaanod sa ilog

    CAMP OLIVAS, Pampanga – Tinatawagan kung sino man ang mga kaanak ng isang hindi nakilalang babaeng hinihinalang biktima ng salvage na makaraan patayin ay isinilid sa drum at ipinaanod sa Pampanga River. Napag-alaman, natagpuan ng isang mangangalakal ang bangkay sa drum sa pampang sa Brgy. Sucad, bayan ng Apalit kamakalawa. Ayon sa ulat ni Supt,. Wilson M. Alicuman, hepe ng …

    Read More »
  • 1 October

    ASG members ‘sabog’ sa shabu

    ZAMBOANGA CITY – Sentro rin sa kalakaran ng teroristang Abu Sayyaf group (ASG) ang ilegal na droga na kanilang ginagamit sa kanilang operasyon sa mga lalawigan ng Sulu, Basilan at iba pang mga karatig na lugar. Ayon sa Joint Task Force Sulu, ito ay base sa nakukuha nilang mga impormasyon at nabatid na isa ang droga sa mga pinagkukunan nila …

    Read More »
  • 1 October

    Cigarette vendor panalo ng P61.3-M sa 6/55 Grand Lotto

    ISANG cigarette vendor mula sa Parañaque City ang nanalo sa Sept. 14 Grand Lotto 6/55 jackpot na nagkakahalaga ng P61.3 milyon. Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Alexander Balutan, ang 52-anyos ama ng tatlo, ay numero ng kanyang cellphone ang ginamit para P40 na kanyang itinaya. Ang winning numbers ay 08-09-16-19-31-41. Sinabi ni Balutan, dalawang taon nang tumataya …

    Read More »