MARIING pinabulaanan ni Nadine Lustre ang kumakalat na balita na buntis siya sa kanyang boyfriend at ka-loveteam na si James Reid. “Hindi ko po alam. Baka pagkain lang po ‘yung nasa loob ng tiyan ko,” anito habang tumatawa. Kung kailan naman ito nagbawas ng timbang ay at saka pa siya na-issue na buntis. At ang isa nga sa dahilan ng kanyang pagpayat ay ang …
Read More »TimeLine Layout
November, 2017
-
27 November
LA Santos, excited nang magtanghal kasama ang Halo
VERY excited ang mahusay na singer na si LA Santos dahil makakasama siya sa concert ng sikat na Korean boy group na Halona kinabibilangan nina Dino, Inhaeng, Ooon, Jaeyong, Heechun, at Yundong na gaganapin next year sa Araneta Center. At sa meet and greet ng Halo na ginanap sa KPub (sa Glorietta Makati City, ay kasama si LA na kitang-kita namin kung gaano ito ka-close sa grupo dahil …
Read More » -
27 November
Politics isn’t in my brain right now — Kris (sa mga fakenews)
HINDI pa rin talaga tinatantanan ng mga may ayaw kay Kris Aquino dahil kung ano-anong lumalabas na balita tungkol sa kanya na pinaniniwalaan naman yata ng mga nakakabasa. May fake news kasing kumalakat na nagpa-interview si Kris sa Tonight With Boy Abunda at inamin nitong tatakbo siyang Senador sa susunod na eleksiyon bagay na imposible dahil simula noong nawala ang Queen of All Media …
Read More » -
27 November
Tunay na relasyon ng Joshlia, ibinuking ni Sharon
HINDI na kailangang ianunsiyo o aminin nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang kanilang relasyon dahil si Sharon Cuneta na mismo ang umamin sa ginanap na presscon ng Unexpectedly Yours na ginanap sa Dolphy Theater noong Sabado na ikinagulat ng mga imbitadong entertainment press at supporters ng bawat artistang kasama sa pelikula. Bagamat duda na rin naman ng lahat na may ‘relasyon’ na ang JoshLia, iba pa rin …
Read More » -
27 November
Yves, itinuring ding tunay na anak
Kaya natanong din ang aktres kung ano ang masasabi niya kay Yves Flores na gaganap namang anak niya sa Hanggang Saankasama ang tunay niyang anak na si Arjo Atayde. “Si Yves ngayon ko lang siya makakatrabaho at promise ko sa sarili ko kung ano ‘yung pagmamahal na ibinigay ko kay Joshua sa ‘TGL’ ay gagawin ko rin kay Yves like first day, sinabihan ko …
Read More » -
27 November
Sylvia, ayaw ng may bida at supporting
NATANIM sa isipan ni Sylvia Sanchez ang mga naranasan niya noong bagong artista siya hanggang sa sumusuporta siya sa mga bida. Sa nakaraang launching ng bagong teleseryeng Hanggang Saan na mapapanood na ngayong hapon pagkatapos ng Pusong Ligaw ay naglabas ng saloobin ang aktres. Aniya, ”gusto ko kasi sa bawat show ko, walang bida, walang supporting isang pamilya tayo, kailangan unsummed tayo. Kailangan kapag umangat ang isa, …
Read More » -
27 November
Carla hinanap ang sarili, showbiz inakalang ‘di para sa kanya
MUNTIK na palang iwan ni Carla Humphries ang showbiz dahil akala niya’y hindi ito para sa kanya. Aniya nang makausap namin bago ang presscon ng Smaller and Smaller Circles handog ng TBA Studios na mapapanood na sa December 6, kinailangan niyang mag-soul searching kaya naman umalis siya ng ‘Pinas at nagtungo ng Nice, France. Pinuntahan niya roon ang kanyang lola sa tatay (isang French American ang …
Read More » -
27 November
Coco, lilibutin ang ‘Pinas para sa Ang Panday
MARAMING fans sa probinsiya ang pinasaya ni Coco Martin para sa kanyang Ang Panday Provincial Tour. Ang Ang Panday ang entry ng CCM Films, Viva Films, at StarCinema para sa 2017 Metro Manila Film Festival 2017 na magaganap sa December 25. Noong Sabado, inuna nang dalawin ni Coco ang mga taga-Legazpi na talaga namang hindi magkamayaw sa pagsalubong sa kanya. Pagdating pa lang niya ng Legaszpi airport, sinalubong na siya ng …
Read More » -
27 November
Fil-Am hollywood actor na si Abe Pagtama, happy sa success ng 2nd LAPIFF
NAGING matagumpay ang Los Angeles Philippine International Film Festival (LAPIFF) na ginanap several weeks ago. Ilan sa nanalo rito ang Kapuso comedienne na si Ai Ai delas Alas, Best Actress para sa pelikulang Area ng BG Productions ni Ms. Baby Go. Tabla sa Best Actor sina Arnold Reyes (Birdshot) at Tommy Abuel (Dagsin). Best Picture ay tie din ang Birdshot at Imbisibol. …
Read More » -
27 November
Hanggang Saan ni Sylvia Sanchez, simula na ngayong hapon!
MAGSISIMULA na ngayong araw (November 27) ang Hanggang Saan, ang bagong TV series na tinatampukan ng premyadong aktres na si Ms. Sylvia Sanchez. Sasagutin sa seryeng ito kung hanggang saan ang kayang gawin ng isang ina para sa pagmamahal sa kanyang anak. Matapos mahalin ng madla si Ms. Sylvia bilang si Gloria sa The Greatest Love, muli siyang mapapanood ng televiewers bilang …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com