Tuesday , November 30 2021

‘Jaywalker’ ginahasa ng sekyu sa ospital (Nagtangkang magbigti)

NAGTANGKANG magbigti ang isang dalagitang lumabag sa pedestrian rule, makaraan gahasain ng isang guwardiya sa isang ospital sa Laguna.

Kinilala ang suspek na si Gerald Yulas, inaresto ng mga operatiba ng Calamba Police nitong Sabado.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakita sa CCTV camera footage ang pagpasok ni Yulas at ng biktima sa ospital pasado 1:00 am nitong 23 Enero 2018.

Salaysay ng biktima, tinakot siya ni Yulas na pagbabayarin ng P2,000 multa dahil dumaan siya sa overpass na lagpas sa oras na puwede itong daanan.

Ngunit maaabsuwelto siya kung sasama umano sa guwardiya sa kanilang opisina sa ospital.

Ipinasok umano ng guwardiya ang dalagita sa breastfeeding room ng ospital at doon pinaghubad at ginahasa.

Makikita sa CCTV camera footage na makalipas ang 30 minuto, lumabas ang dalawa sa ospital.

Umuwi sa Tiaong, Quezon ang biktima at tinangkang magbigti dahil sa insidente. Ngunit nasagip ang dalagita makaraan isugod sa ospital. Sa puntong iyon, ipinagtapat ng biktima ang nangyari sa kaniya.

“She was revived and eventually na-convince nila to identify the suspect. We went to the crime scene. Fortunately the suspect is on-duty so we effected the arrest,” ayon kay Senior Supt. Sonny Celedio, hepe ng Calamba City Police Station.

Positibong itinuro ng biktima ang guwardiya ngunit depensa ng suspek, ang biktima umano ang nag-alok sa kaniya para makipagtalik dahil kailangan niya ng pera.

Nahaharap ang suspek sa kasong rape at paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

About hataw tabloid

Check Also

Sa kampanya kontra krimen
TULAK, PUGANTE, 14 PA, TIMBOG SA BULACAN

INARESTO ang isang drug suspect, isang pugante, 9 sugarol at limang suspek sa iba’t ibang …

2 kabataan timbog sa pagnanakaw sa construction site

ARESTADO ang dalawa sa tatlong lalaki na pumasok at nagnakaw sa isang construction site sa …

Obrero kritikal sa pananaksak ng tatlong kelot

NASA malubhang kalagayan ang isang obrero makaraang pagtulungang pagsasaksakin ng tatlong lalaki sa Malabon City, …

Win Gatchalian

Sapat na pondo sa SHS financial assistance program giit ni Gatchalian

ISINUSULONG ni Senador Win Gatchalian na mapunan ang kakulangan sa pondo ng Senior High School …

Kiko Pangilinan

Pandemya tapusin mamamayan magbakuna — Pangilinan

NANAWAGAN si vice presidential aspirant Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa lahat na huwag sayangin ang …

Leave a Reply