Monday , December 15 2025

TimeLine Layout

June, 2020

  • 4 June

    Derek at Andrea, sobra-sobra ang saya nang magkita

    MATAPOS ang ilang buwang hindi pagkikita ng personal dahil sa lockdown, muling nag-reunite ang Kapuso couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres. Ito ay matapos bisitahin ng aktor ang kanyang nobya sa bahay nito. Sa Instagram ni Andrea, makikita ang larawan nilang dalawa na magkayakap at masayang-masaya. Paglalarawan ni Andrea sa photo nila ni Derek, “My little piece of heaven.”   Hindi maikakaila ang matatamis na ngiti …

    Read More »
  • 4 June

    Mark Herras, may 1 million TikTok followers na

    ENJOY na enjoy ang fans sa bawat upload ng tinaguriang Bad Boy of the Dancefloor na si Mark Herras sa social media platform na TikTok! Hindi nawawala sa mga trending video ang mga covers niya ng iba’t ibang hit na sayaw. Sa ngayon, pumalo na ng mahigit sa one million ang kanyang followers. Pinasalamatan naman niya ang mga tagahanga sa isang post sa Instagram at ibinahagi ang …

    Read More »
  • 4 June

    Netizens, na-excite sa pagbabalik-serye ng Magkaagaw

    SA Magkaagaw teaser na inilabas ng GMA Network, muling binalikan ng cast members ang huling eksenang napanood sa TV bago ito pansamantalang nagpahinga sa ere dahil sa enhanced community quarantine. Sa video, naglaan ng boses ang apat na GMA stars para i-dub ang intense na eksena na nabisto ni Clarisse (Klea Pineda) na ang kabit ng asawang si Jio (Jeric Gonzales) ay ang …

    Read More »
  • 4 June

    Paglabas ng logo ng ABS-CBN sa Channel 2, hudyat na ba ng pagbabalik?

    MAY anim na teleserye ng ABS-CBN na magte-taping na ulit, tapos biglang lumabas ang logo ng ABS-CBN sa frequency ng Channel 2. Pero hindi nangangahulugan iyan na balik na ang ABS-CBN. Iyong mga serye nila, maaaring ipalabas sa mga cable at digital channels. Iyan namang logo ng ABS-CBN, pagpapahayag lang iyon na ang frequency na ginagamit nila sa kanilang on the air …

    Read More »
  • 4 June

    Pagiging varsity player ni Christian, ikinagulat ni Chris

    SINONG mag-aakala na ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista ay dati palang varsity player ng table tennis noong nag-aaral pa  sa UP Diliman. Sa kanyang YouTube vlog na What makes you tick? Talk, masayang nakipag-chikahan si Christian sa guests niya at kapwa mahilig sa sports na sina iBilib host Chris Tiu at sports commentator Mark Zambrano. Pagbabahagi ni Christian, marami ang nagugulat sa tuwing ikinukuwento niya ang pagiging …

    Read More »
  • 4 June

    Vilma, tutok sa pagiging politiko, pag-aartista naisasantabi na

    SINABI nang diretsahan ni Congresswoman Vilma Santos na pabor siya sa anti-terrorism bill na hiningi bilang urgent measure ng Malacanang sa Kongreso, pero sinabi niyang may reservations siya dahil baka naman magamit iyon sa abuso sa karapatang pantao. May nakikita rin kaming kaunting butas sa batas na iyon, at delikado nga kung iisipin, lalo na kung ipatutupad nang wala sa ayos. Gaya …

    Read More »
  • 4 June

    Anak ni Nikki, may ipinaglalaban

    NAKILALA ko na ang “baby girl” ni Nikki Valdez na si Olivia noong paslit pa lang ito. Impressed ako kay bagets, kaya sabi ko nga kay Nikki, napaka-smart nito. Dahil nakikipag-usap sa mas nakatatanda sa kanya. Buti na lang din, marami akong baon nang nakipagpalitan sa paslit na si Olivia na very charming din. Siya ang itinuturing na napakalaking blessing sa buhay ni Nikki …

    Read More »
  • 4 June

    30 pasahero nakaligtas sa kotse vs PNR train

    road accident

    NAGBANGGAAN ang isang tren ng Philippine National Railways (PNR) at isang kotse na tumatawid sa riles sa Jose Abad Santos Avenue, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.   Ayon kay Manila Police District – Abad Santos Station (MPD-PS7) commander P/Lt. Col. Harry Lorenzo, first responder, dakong 4:50 am nagandap ang insidente sa lugar.   Sa ulat ni Manila Traffic Enforcement …

    Read More »
  • 4 June

    KWF, ipinagpaliban ang mga timpalak pangwika ngayong 2020

    IPINAGPALIBAN ng Komisyon sa Wikang Filipino ang mga timpalak pangwika (bukod sa Sanaysay ng Taón) ngayong 2020 bílang pagtalima sa National Budget Circular. No. 580. s. 2020 (“ADOPTION OF ECONOMY MEASURES IN THE GOVERNMENT DUE TO THE EMERGENCY HEALTH SITUATION”) partikular sa Seksiyon 1.3 Relative thereto, R.A. No. 11469 Section 4(v) directed the discontinuance of appropriated programs, projects or activities of any agency …

    Read More »
  • 4 June

    4 empleyado wagi sa labor dispute vs ABS CBN (Naunsiyami ng COVID-19)

    abs cbn

    APAT na sinibak na empleyado ng ABS-CBN ang nagwagi sa kanilang inihaing reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) bago tuluyang nawala sa ere. Inilabas ng NLRC ang desisyong return-to-work order para kina Rowena “Wheng” Hidalgo Otida, Jerome “Jay” Manahan, at John E. Cuba.Kasamang nanalo ng tatlo sa kaso (NLRC-NCR case no. 05-06101-03) si Ricky de Belen, ngunit namatay sa isang …

    Read More »