Friday , November 15 2024

TimeLine Layout

July, 2024

  • 22 July

    PH target maging tourist hub of Asia  
    CRUISE VISA WAIVER INILUNSAD NG BI DOT, DOJ NAKIISA

    Cruise Visa Waiver DOT DOJ Immigration

    PARA higit na palakasin ang turismo sa bansa, inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang programang “cruise visa waiver” upang maiwasan ang abala sa pagpasok ng mga turista sa kanilang pagbabakasyon sa bansa sa pamamagitan ng paglalayag sa karagatan.           Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco,  ang cruise visa waiver program ay isang paraan para suportahan ang kanilang layunin na …

    Read More »
  • 22 July

    No. 1 MWP – City Level, 16 lawbreakers timbog

    Bulacan Police PNP

    ARESTADO ng mga awtoridad ang anim na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, tatlong pinaghahanap ng batas, pitong ilegal na manunugal, at no. 1 most wanted person (MWP) ng lungsod ng Baliwag sa mga isinagawang operasyon hanggang nitong Linggo ng umaga, 21 Hulyo. Ayon sa mga ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, nadakip ang …

    Read More »
  • 22 July

    P10-M makinaryang pambukid ipinagkaloob ng PAGCOR sa Bulacan

    P10-M makinaryang pambukid ipinagkaloob ng PAGCOR sa Bulacan

    PORMAL nang ipinagkaloob ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang P10-milyong halaga ng mechanized farming equipment kabilang ang dalawang unit ng combined harvester at limang unit ng mini-4-wheel tractors sa harap ng Provincial Capitol Building, sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan. Pamamahalaan ang mga makinaryang ito ng PGB na ang mga magsasakang Bulakenyo ay magkakaroon ng madaling pagkuha …

    Read More »
  • 22 July

    Krystall Herbal Oil proteksiyon ng rider laban sa pawis habang umuulan

    Krystall Herbal, Rider

    Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si Rosalito Francisco, 45 years old, naninirahan sa Valenzuela City. Isa po akong delivery rider. Dati po akong taxi driver pero mula noong pandemic nang humina ang pasada sinikap kong makautang ng motorsiklo para makapagtrabaho bilang delivery rider. Hanggang ngayon po ay iyon ang pinagkakakitaan ko …

    Read More »
  • 22 July

    Pacquiao at Lapid ‘basurang’ kandidato ni Bongbong

    Sipat Mat Vicencio

    SIPATni Mat Vicencio DAPAT pag-isipang mabuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung nararapat bang kunin bilang kandidato sina dating Senator Manny Pacquiao at Senator Lito Lapid at mapabilang sa senatorial slate ng administrasyon sa nakatakdang halalan sa 2025. Pawang “de kalibre” ang umuugong na senatorial candidates ni Bongbong kung ihahambing kina Pacman at Leon Guerrero na halos walang maipagmamalaki …

    Read More »
  • 22 July

    Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

    Dragon Lady Amor Virata

    Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol pa rin niya na si incumbent Mayor Eric Olivarez ang tatakbong meyor sa 2025 local elections at hindi siya. “Hayaan mong maglaban ang mag-asawa!” Siyempre nagulat ang inyong lingkod dahil putok na putok na ang balitang babalik si Cong. Edwin bilang alkalde ng lungsod at …

    Read More »
  • 22 July

    Panawagan kay Angara
    SUWELDO NG MGA GURO ITAAS, ‘KORUPSIYON’ SA DepEd DAPAT TUGUNAN — TINIO

    Sonny Angara DepEd

    NANAWAGAN si dating ACT Teachers Rep. Antonio “Tonchi” Luansing Tinio kay bagong-upong Department of Education (DepEd) Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara na tiyaking maitaas ang  suweldo ng mga guro at bigyang solusyon ang ilang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng kagawaran. Ayon Kay Tinio, sa kanyang pagdalo sa lingguhang media forum na Agenda sa Club Filipino, mataas ang kaniyang tiwala Kay Angara …

    Read More »
  • 22 July

    FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

    FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

    NAGSANIB-PUWERSA ang kompanyang Far East Holdings Inc. (FEHI) at ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) upang tugunan ang programang pabahay ng pamahalaan para sa mga Filipino na wala pang sariling bahay sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa inilunsad na press briefing, sinabi ni FEHI business partner Mogs Angeles, handa ang kanilang kompanya na kumuha ng mamumuhunan …

    Read More »
  • 22 July

    First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

    First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

    NAMAHAGI si First Lady Louise “Liza” Marcos, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) ng mga modernong Mobile Clinic para sa malalayong lalawigan sa Luzon, upang ipalapit sa mga mamamayan ang pagbibigay ng modernong pagpapagamot sa ilalim ng programang “Bagong Pilipinas”. Malaking tulong ito upang patuloy na mailapit ang serbisyong pangkalusugan para sa mga taga-lalawigan na naninirahan sa malalayong lugar, …

    Read More »
  • 22 July

    PWDW Filmfest People’s Legacy Awards 2024 matagumpay

    Cecille Bravo PWDW Filmfest Peoples Legacy Awards

    MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang inaugural PWDW Film Fest People’s Legacy Awards 2024 na ginanap sa  QCX Business Center, Quezon City Memorial Circle Park noong July 19 na hatid ng The Lovelife Project, YEAHA Channel, at Philippines’s BEST Magazine. Ayon kay Direk Cris Pablo, Founder ng The Lovelife Project, “We are incredibly thrilled to see the overwhelming support and participation from the community.  “This event …

    Read More »