Friday , November 15 2024

Classic Layout

Election officer hinagisan ng granada

DAVAO CITY – Iniimbestigahan pa rin ng mga pulis  ng Padada, Davao del Sur upang malaman kung sino ang nasa likod ng panghahagis ng granada sa sasakyan ng municipal election officer. Napag-alaman, dakong 6:20 p.m. habang binabagtas ang Roxas Sreet sa Almendras district sa bayan ng Padada ng municipal election officer na si Pagisiran Pulao, 59, biglang isang motorsiklo na …

Read More »

54-M ballot sa brgy. polls naimprenta na

KINOMPIRMA ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na natapos na ang pag-imprenta sa 54 milyon ballot na gagamitin sa barangay elections. Ayon kay Brillantes, mabilis ang naging pag-imprenta matapos alisin sa prayoridad ang Sangguniang Kabataan (SK) polls. Magugunitang isinantabi ng komisyon ang paglalaan ng panahon at pondo sa SK preparation, matapos makalusot sa Kamara at Senado ang panukalang nagpapaliban sa halalan …

Read More »

Napoles ‘di padadaluhin sa Senate probe (Ombudsman nagmatigas)

NANINDIGAN si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa kanyang opinyon na hindi pa napapanahon ang pagdalo ni Janet Lim-Napoles sa imbestigasyon ng Senado kaugnay ng kontrobersyal na multi-billion peso pork barrel scam. Sa kanyang sagot sa pangalawang sulat ni Senate President Franklin Drilon, tahasang sinabi ni Morales na wala siyang balak baguhin ang naunang pahayag na tutulan ang pagharap ni Napoles sa …

Read More »

Utak sa Davantes slay hanapin —pamilya

NANATILING may kwestyon ang pamilya Davantes hinggil sa tunay na motibo sa pagpatay sa advertising executive na si Kae Davantes. Sinabi ni Vicente Davantes, hindi sila kombinsidong pagnanakaw o robbery lamang ang motibo dahil may pagkakaiba sa pahayag ng pangunahing suspek sa isinagawang re-enactment. Ayon kay Davantes, may kutob silang may mas malalim na dahilan at maaaring may ibang nag-utos …

Read More »

Palasyo iwas sa ‘siraan’ sa Senado

MISTULANG pinapakalma muna ng Malacañang ang umiinit na batuhan ng putik sa Senado hinggil sa pagkakalustay at pag-abuso sa pork barrel fund. Nagsimula ang palitan ng alegasyon nang magsagawa ng privilege speech si Sen. Jinggoy Estrada at ibulgar ang sinasabing P50 milyon sa ilang piling mambabatas habang P100 milyon naman kay Senate President Frank Drilon matapos ma-convict si dating Chief …

Read More »

GMA-7 basement nasunog

UMABOT ng tatlumpung minutong nagliyab ang basement ng GMA Network sa Quezon City, Linggo ng gabi. Alas-9:25 ng gabi nang sumiklab ang sunog na posibleng sa maintenance room ng nasabing basement nag-umpisa. Mabilis namang narespondehan ng Quezon City Fire Department at ABS-CBN fire truck ang sunog. Ayon kay Fire Supt. Cesar Fernandez, umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago naapula …

Read More »

Gatecrasher sa b-day party tinarakan

KRITIKAL ang kalagayan ng isang kelot matapos pagsasaksakin ng birthday boy at bisita niya nang pilit na makitagay at mangulit sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Patuloy na inoobserbaha sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang si Eduardo Abellas, 48-anyos, residente  ng Phase 3, Dagat-Dagatan dahil sa mga saksak sa katawan. Mabilis nakatakas ang birthday boy na alyas Miguel …

Read More »

Kelot, utas sa ex-lover ng utol

PATAY ang isang lalaki matapos  pagbabarilin ng dating lover ng kapatid na babae habang naglalakad kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Dead on the spot ang biktimang si Manny Gaballes, 21 anyos ng Sampaguita St., Road 10, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) sanhi ng maraming tama ng bala ng kalibre .38 sa katawan. Agad naaresto ang suspek na si …

Read More »

P1-m halaga ng cash, alahas, natangay ng acetylene gang

Aabot sa P1 milyong halaga ng mga alahas at cash ang natangay sa panloloob sa Abalaza-Aldana pawnshop sa Tandang Sora, Quezon City. Napag-alamang gumawa ng tunnel ang mga suspek noong nakaraang linggo mula sa drainage canal sa ilalim ng Tandang Sora Avenue. Salaysay ng vault custodian na si Marlyn Bunagan, Lunes ng umaga nang datnan niyang butas na ang sahig …

Read More »

Tserman sa Davao itinumba

DAVAO CITY – Ang grupo ng New People’s Army (NPA) ang itinuturong responsable sa pagpatay sa isang barangay kapitan sa Brgy. Kadalian, Baguio district, lungsod ng Davao. Knilala ang biktimang si Kapitan Alex Angko, binaril ng armadong kalalakihan sa loob ng kanyang farm sa nasabing barangay. Naniniwala si Chief Insp. Ernesto Castillo, hepe ng Baguio Police Station, ang Front Committee …

Read More »