Wednesday , June 24 2026

77-anyos lolo nagsaksak dahil sa TB

LA UNION – Patay na nang matagpuan ang isang lolo makaraan magsaksak sa kanyang leeg sa kanilang bahay sa Brgy. Central West, Buang, La Union.

Kinilala ang biktimang  si Valentin Valera, 77, balo at residente sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, natagpuan na lamang ng kanyang manugang na si Lourdez Flores ang matanda na hindi na humi-hinga habang nakahiga sa folding bed at nakatusok sa kanyang leeg ang isang ice pick.

Agad nagpasaklolo si Flores at dinala sa pinakamalapit na ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Napag-alaman, noong nabubuhay pa ang matanda ay naghanap siya ng punerarya dahil sa paniniwalang malapit na siyang mamatay.

Matagal nang idinaraing ng matanda ang sakit niyang acute tuberculosis.

(HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …