Sunday , May 19 2024

PNR pinalawig ng 25 taon sa Senado

INIHAIN na ng liderato ng Senate committee on government corporations and public enterprises, ang committee report tungkol sa pagpapalawig ng prangkisa ng Philippine National Railways (PNR) sa loob ng 25 taon.

Batay sa Republic Act 4156, ang operasyon ng PNR, ang ahensya ng pa-mahalaan na nangangasiwa sa railway system sa Luzon, ay hanggang sa Hunyo 19 na lamang.

Sa kanyang Committee Report No. 22, iminungkahi ni Committee chairperson Cynthia Villar na baguhin ang umiiral na charter ng PNR at palawigin ang operasyon nito sa susunod pang 25 taon at  renewable ng karagdagang 25 taon.

Nilinaw ng senadora na imbes gawing 50 taon ang ibibigay sa PNR ay gawin muna itong 25 taon upang masiyasat ang kanilang performance.

“Instead of giving PNR another 50 years outright, we are extending it to 25 years but renewable for another 25 years so that we can review its performance,” dagdag ng senadora.

Iginiit ni Villar na ang PNR ang nagbibigay ng pinakamurang pamasahe na 71 sentimo kada kilometro kom-para sa P2 na sinisingil ng mga jeep at bus.

(CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *