ANIM ang patay makaraang araruhin ng pampasaherong bus ang loading bay sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) sa Magallanes, Makati City kahapon ng umaga. Sinabi ni Makati City police chief, Supt. Manuel Lucban, Jr., sinalpok ng Elena Liner Bus (TXN 191) ang MGP Trans bus (NXV 350) at sinagasaan ang ilang pasahero sa loading bay sa EDSA-Magallanes southbound lane. Limang …
Read More »Classic Layout
Pinay model todas sa bugbog ng Kano
ARESTADO sa mga tauhan ng Makati Cty Police Investigation Section ang American national na si James Edward Moore II na pinatay sa bugbog ang misis niyang Filipina model na si Aiko Baniqued Moore sa kanilang unit sa Rockwell Amorsolo West condominium sa Makati City. (ALEX MENDOZA) BINAWIAN ng buhay ang isang 28-anyos Filipina model makaraang bugbugin ng kanyang Amerikanong mister. …
Read More »NDRRMC ihiwalay sa DND—Grace Poe (Para sa epektibong relief ops)
IPINANUKALA ng baguhang senador na ihiwalay ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula sa Department of National Defense (DND) para sa higit na epektbong relief efforts sa mga kalamidad at emergency. Inihain ni Senadora Grace Poe ang Senate Resolution 362, naglalayong i-review ang kapasidad ng pamahalaan sa pagtugon sa mga kalamidad kasunod ng mga kritisismo kaugnay sa …
Read More »Ex-mayor patay misis, apo sugatan sa ambush
ZAMBOANGA CITY – Patay ang dating municipal mayor ng bayan ng Tungawan sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay na si Arsenio Climaco matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek sa highway ng Brgy. Guiwan sa Zamboanga City. Ayon kay C/Insp. Elmer Acuna, hepe ng Tetuan police station 5, nangyari ang pamamaril bago magtanghali kahapon habang minamaneho ng dating alkalde ang kanilang …
Read More »Hacker ng gov’t sites nadakma sa Butuan
BUTUAN CITY – Matagumpay na nahuli ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation Central Office at Caraga Region kahapon ng madaling araw ang isa sa pinakaaktibong miyembro ng hacking collective group na Anonymous Philippines, sa search operation sa mismong pinagtatrabahuhan ng suspek sa Butuan City. Kinilala ang suspek na si Rodel Plasabas, 24, walang asawa, at residente ng …
Read More »Contractor grabe sa holdaper
KRITIKAL ang kalaga-yan ng isang contractor matapos pagbabarilin ng dalawang holdaper na riding in tandem nang pumalag ang biktima kahapon ng mada-ling-araw sa Pasig City. Kinilala ni Chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng Investigation Section ng Pasig PNP, ang biktimang si Darwin Cabatingas, 28, contractor ng Edge Incorporation at residente ng #812 TB-1, Brgy. 201, Zone 20, Pasay City. Tumakas …
Read More »2 wanted timbog sa hideout
NAGWAKAS ang matagal nang pagtatago ng da-lawang pinaghahanap ng batas matapos masakote sa saturation drive ng mga awtoridad sa mga pugad ng masasamang loob sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Kulong ang mga suspek na kinilalang sina Santiago Mamaril, 41, ng Bonifacio Market, may kasong pagtutulak ng droga, at Anduy Rosales, 42, ng Victoria North Subdivision Brgy. Potrero, Malabon City, …
Read More »Ang pinsala ni Yolanda ay hindi mareresolba sa tit for tat na propaganda
IMBES pasalamatan si CNN reporter Anderson Cooper sa kanyang pag-uulat sa tunay na kalagayan ng mga kababayan natin sa Tacloban, ‘e nagbalat-sibuyas si Ms. Korina Sanchez at nagpakataklesang sinabi na, “Itong si Anderson Cooper, sabi wala (daw) government presence sa Tacloban. Mukhang hindi niya alam ang sinasabi niya. (This Anderson Cooper, he said there is no government presence in Tacloban. …
Read More »Nasaan ang bumabahang tulong ng maraming bansa?
BUMABAHA ang tulong mula sa maraming bansa sa mundo. May mga nagbibigay ng salapi at relief goods at nagpadala ng medical teams, pati warships nga ng Estados Unidos ay nasa bansa na para tumulong sa relief efforts. Lumabas nga sa mga ulat na higit sa P4 bilyon ang cash donations … at patuloy pang dumarating. Maraming salamat po sa kanila… …
Read More »Mayor Alfred Romualdez, ‘Spider Man’ ng Tacloban
HINDI natin maiwasang punahin ang political dynasty ng mga Romualdez na ilang dekada nang naghahari sa lalawigan ng Leyte, bagama’t ilan sa kanilang pamilya ay napinsala rin ng bagyong si “Yolanda.” Ang alkalde ng Tacloban ay si Aflred habang ang kapatid niyang si Martin ang congressman. Tila mas pinagkakaabalahan pa ng mag-utol ang pagbibigay ng mga panayam sa CNN at …
Read More »