Wednesday , June 24 2026

Canadian, British tiklo sa illegal telemarketing

SINALAKAY ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang telemarketing company na sinasabing illegal ang operasyon at naaresto ang dalawang  foreign nationals, at 28 iba pang naaktohan sa operasyon sa Mandaluyong City.

Kinilala ni NBI Director Virgilio Mendez ang mga nadakip na sina David Gilinsky, Canadian national, may-ari ng PROACT Telemarketing Inc., residente ng #3009 Tivoli Residences, Mandaluyong City, at Paul Fisher, British national, nagsisilbing trainer, at residente ng One Triangle, Makati City.

Kabilang din sa dinampot at kasalukuyang nakapiit sa NBI detention facility, ang 28 researchers ng kompanya, na pawang mga Filipino.

Sa ulat ni Head Agent Ronald Aguto ng NBI-Cyber Crime Division (CCD), nitong Mayo 7 nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa paggamit ng computer data program sa input and access ng nasabing kompanya na hindi awtorisado.

Isinailalim ang mga suspek sa serye ng surveillance operations at nakompirma ang illegal na aktibidad  kaugnay sa paglabag sa Republic Act 10175  (Cybercrime Prevention Act of 2012).

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …