Saturday , November 16 2024

Classic Layout

16 preso nakapuga sa Calbayog

TACLOBAN CITY – Patuloy ang puspusang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa Calbayog City makaraan makatakas mula sa Calbayog City Jail (CCJ) ang 16 bilanggo dakong 9:45 a.m. kahapon. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng bible study ang mga bilanggo sa piitan nang makatakas ang 16 preso tangay ang inagaw na mga baril na kinabibilangan ng dalawang M16 armalite rifle, …

Read More »

5 patay sa 8.2 lindol sa Chile

Lima ang patay sa pagtama ng magnitude 8.2 lindol, na sinundan ng tsunami sa Chile, iniulat kahapon. Sa pahayag ni Interior Minister Rodrigo Penailillo, apat na lalaki at isang babae ang namatay. Dalawa sa mga namatay ay inatake sa puso at  tatlo ang natabunan. Ayon sa US Geological Survey, naitala ang lindol sa layong 95 kilometro hilagang kanluran mula sa …

Read More »

Entertainment editor na utol ng Pasay VM binantaan ng abogado

DUMULOG sa himpilan ng pulisya ang kapatid  ni Pasay City Vice Mayor Marlon Pesebre, para ipa-blotter ang natanggap na pagbabanta sa buhay ng kanilang buong pamilya. Sa pahayag kay SPO1 Nestor Rubel ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, sinabi ni Ruben  Pesebre y Roldan, nasa hustong gulang,  Engineer, ng 72 Almazor St., Nichols, tinawagan siya …

Read More »

Aso ‘sinaniban’ nangagat ng 7 katao

BACOLOD CITY – Pinaniniwalaan sinaniban ng masamang espirito at hindi naulol ang isang aso makaraan sunod-sunod kagatin ang pito katao sa lungsod ng Bacolod, kahapon ng madaling araw. Umatake ang aso dakong 2 a.m. sa Brgy. 2 at 6 sa lungsod ng Bacolod at kinakagat ang sino mang tao na nakasasalubong sa daan o sa labas ng kanilang bahay. Ayon …

Read More »

B-Day furlough ni Arroyo aprub sa korte

PINAYAGAN ng Sandiganbayan ang apela ng dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makasama ang pamilya sa kanyang kaarawan sa Abril 5. Una nang hiniling ni Arroyo sa anti-graft court na makasama ang pamilya sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi sa pagdiriwang niya ng ika-67 kaarawan sa loob ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC). Ang dating pangulo …

Read More »

Lolo kalaboso

SWAK sa kulungan ang 56-anyos lolo dahil sa reklamong paulit-ulit na panggagahasa sa isang tinderang menor de edad, sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Kinilala ang suspek na si Francisco Capati, 56, ng Sabalo St., Brgy. 14, nahaharap sa kasong rape in relation to Republic Act 7610. Sa ulat ng Women and Children Protection Desk (WCPD) naganap ang panggagahasa dakong …

Read More »

2 explosive suppliers ng NPA, naaresto

ARESTADO ang dalawa katao na pinaniniwalaang suppliers ng mga pampapasabog sa rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Region XI. Sa bisa ng search warrant, sinalakay  ng  pinagsanib  na pwersa ng AFP at NBI Region-XI ang pinaniniwalaang tiangge ng mga pampapasabog sa Poblacion Nabunturan, Compostella Valley kamakalawa at tinatayang nasa P300,000 halaga ng mga sangkap sa paggawa ng pampasabog ang nakompiska …

Read More »

Grade 5 pupil nilamon ng enkantadong ilog

RIZAL – Sa kabila ng pagbabawal ng mga awtoridad na maligo sa enkantadong ilog ay hindi napigilan ang grade 5 pupil sa pagpuslit at naligo na naging dahilan ng kanyang kamatayan sa Antipolo City kamakalawa ng hapon . Kinilala ni Antipolo PNP chief, Supt. Arthur Masungsong ang biktimang si Allan Rubia, 11-anyos, nag-aaral sa Bagong Nayon Elem. School at residente …

Read More »

Lola, 2 apo utas sa gasera

ISANG 68-anyos lola at dalawa niyang apo ang namatay makaraang masunog ang kanilang bahay habang natutulog sa Taguig City, iniulat kahapon ng umaga. Kinilala ni Taguig City Fire Marshal, C/Insp. Juanito Maslang, ang mga biktimang sina Zenaida delos Santos, 68, mga apo na sina Roniel, 8 anyos, at Ariana delos Santos, 1 taon gulang. Natagpuan ang lola  na kayakap pa …

Read More »

Aresto vs 3 Senador kasado

AARESTOHIN sina Sens Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla, at ibang personalidad kapag isinampa na sa Sandiganbayan ang mga kasong may kinalaman sa P10-B pork barrel scam. Tinalakay ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. sa press briefing sa Palasyo ang tatahaking roadmap ng mga kasong may kaugnayan sa pork barrel scam makaraan ilabas ng Ombudsman ang resolution kamakalawa, at …

Read More »