Palaboy namatay o nagpakamatay?

INIIMBESTIGAHAN ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS) ang pagkamatay ng isang palaboy na natagpuang bumubula ang bibig sa Sta.Cruz, Maynila kahapon ng umaga.

Inilarawan ni SPO3 Glenzor Vallejo, imbestigador ng MPD-HS, ang biktimang nasa edad 45-50, nakasuot ng asul na polo atย  puting short na may stripes na itim.

Dakong 6:15 a.m. nang makatanggap ng tawag ang MPD-HS kaugnay sa pagkakatagpo sa biktima sa Rizal Avenue at Alvarez St., Sta. Cruz.

Ayon kay Vallejo, walang sugat na nakita sa katawan ng biktima maliban sa pagbula ng kanyang bibig.

โ€œHihintayin namin ang autopsy report ng SOCO kung nagpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner o inatake,โ€ pahayag ni Vallejo.

Huling nakitang buhay ang biktima kamakalawa 7:00 p.m., na binati ng isang jeepney driver.

Napag-alaman na hindi nangangalakal at tambay lamang sa lugar ang biktima.

(LEONARD BASILIO/may karagdagang ulat ni John Bryan Ulanday)