Ex-con itinumba

ISANG ex-convict ang namatay nang barilin ng hindi nakilalang suspek habang naglalakad pauwi sa Navotas City, kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jeffrey Pasquin, 32, residente ngΒ  #003 Catleya St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni P02 Allan Bangayan, dakong 12:30 a.m., nang maganap ang insidente sa Yellow Bell Alley, sa nasabing barangay.

Naglalakad ang biktima nang sumulpot ang hindi nakilalang suspek na agad bumaril sa kanya.

(ROMMEL SALES)