Saturday , December 20 2025

Classic Layout

dead

Katawan ng 2 lalaki natagpuan sa Camotes Island, Cebu (Dalawang araw nang nawawala)

NATAGPUAN nitong Miyer­koles ng umaga, 21 Abril, ng mga awtoridad ang mga katawan ng dalawang lalaking dalawang araw nang nawawala habang lumalangoy sa tubigan ng Camotes Island, sa lalawigan ng Cebu. Kinilala ang biktimang si John Mark Donaire Gero­dias, 18 anyos, nakitang palutang-lutang sa Can­lusong Wharf sa bayan ng San Francisco, sa naturang lalawigan, dakong 9:05 am kahapon. Isang oras …

Read More »
dead gun

Tulak todas sa parak

PATAY ang isang tulak ng shabu makaraang makipag­barilan  sa mga pulis na nagsagawa ng buy bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Nalagutan agad ng hiningan ang suspek na kinilalang si  Arnel Rabot, 23 anyos, residente sa Brgy. Potrero ng nasabing lungsod sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Batay sa ulat  ni Malabon  …

Read More »
Parañaque

2nd dose ng Sinovac lumarga sa Parañaque

NAGSIMULA na ang pagbibigay ng 2nd dose ng bakuna laban sa CoVid-19 ng pamahalaang lungsod ng Parañaque para sa frontliners at senior citizens ngayong araw, 22 Abril. Sinabi ni Dra. Olga Vertucio, head ng Paraña­que City health office, target na mabakunahan ng 2nd dose ang 500 frontliners sa SM Sucat sa Parañaque at 500 senior citizens gamit ang Sinovac vaccine. …

Read More »
baby old hand

Sanggol todas sa palo ng yantok ng 18-anyos nanay

NAPATAY sa palo ng yantok ang isang 20-buwang gulang na sanggol ng kaniyang sariling ina dahil sa hindi pagtigil ng iyak sa Taguig City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Taguig City Police Chief P/ Col. Celso Rodriguez ang suspek na si Christine May Dabuit, 18, ng Blk-129 Lot-16, Sitio Imelda, Brgy. Upper Bicutan Taguig City na nahaharap sa kasong Parricide …

Read More »

Duterte binatikos ng mga obispo sa pag-alis ng mining ban

KIDAPAWAN, COTABATO — Binatikos ng ilang mga obispo ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang siyam-na-taong moratorium sa mga bagong mining deal para tukuying makasasama ang magiging epekto nito sa mahihirap na komunidad na muling aabusuhin ng mga kompanyang nagmimina sa kanilang lugar. Nilagdaan ang nasabing moratorium noong 2012 ni dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III upang …

Read More »

Suspensiyon ng face-to-face National ID registration hiniling ni Salceda

Kinalap ni Tracy Cabrera MANILA — Ayon kay Albay representative Jose Maria Clemente ‘Joey’ Salceda, kinakailangang suspendehin muna ang door-to-door data collection para sa national identification system ng Philippine Statistics Authority (PSA) kasunod ng mga ulat na daan-daan ang isinailalim sa kuwarantena makaraang magpositibo ang isang data enumerator ng novel coronavirus disease (CoVid-19). Sa kanyang liham kay PSA national statistician …

Read More »

Kelot dedbol sa drug bust sa NE (Kabilang sa drugs watchlist)

PATAY ang isang suspek na hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa lugar na pinangyarihan ng insidente sa ikinasang drug bust ng mga kagawad ng Cabanatuan City Police SDEU sa pamumuno ni P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo nitong Martes ng madaling araw, 20 Abril, sa Brgy. Bantog Norte, lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. …

Read More »

Karnaper, top 8 most wanted arestado (Sa Manhunt Charlie ng PRO3 sa Pampanga)

HINDI na nakapiyok ang isang hinihinalang karnaper na itinuturing na top 8 sa listahan ng mga most wanted persons ng lalawigan nang dakmain ng mga awtoridad nitong Lunes, 19 Abril sa pinaiigting na kampanya laban sa mga most wanted persons ng Manhunt Charlie ng PRO3 sa lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon ang suspek na si Enrico …

Read More »
knife saksak

Magsasaka todas, 1 pa sugatan sa away-senglot (Dugo dumanak sa 2 inuman)

DUMANAK ang dugo sa mainitang pagtatalo sa dalawang magkahiwalay na inuman na nagresulta sa pagkamatay ng isang 50-anyos magsasakat at pagkakasugat ng isa pa, sa mga bayan ng San Narciso at Tagkawayan, sa lalawigan ng Quezon, nitong Martes, 20 Abril. Ayon sa ulat ng Quezon PPO, nag-iinuman ang biktimang si Hernani Otcharan, 50 anyos, at suspek na si Eduardo Genton, …

Read More »
harassed hold hand rape

67-anyos biyudong lolo, walong taon ginahasa sariling apo, arestado

DINAKIP ang isang biyudong senior citizen na malaon nang pinagha­hanap ng batas dahil sa kinahaharap na kasong panggagahasa sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan Bulacan, nitong Martes, 20 Abril. Sa ulat kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ng mga tauhan ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), 4th MP, 2nd PMFC-Bulacan PPO, …

Read More »