Monday , June 16 2025

Puganteng highlander nasukol sa Pampanga (No. 7 MWP ng Kalinga)

NADAKIP sa manhunt operation ang isang puganteng highlander na sinasabing top 7 sa mga listahan ng mga most wanted sa lalawigan ng Kalinga sa ikinasang manhunt operation ng mga kagawad ng Mabalacat City Police Station at Tabuk City Police Station, Kalinga PPO, nitong Sabado, 19 Hunyo, sa pinagtataguang lugar sa  Filipiniana, Brgy. Dau, lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang suspek, base sa ulat ni P/Col. Arnold Thomas Ibay, provincial director ng Pampanga PPO, na si Julie Lapuz, 59 anyos, may asawa, walang trabaho, residente ng Brgy. Dagupan, lungsod ng Tabuk, lalawigan ng Kalinga.

Dinakma ang suspek base sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape in relation to RA 7610 na nilagdaan ni Presiding Judge Jerson Angog, ng Tabuk City RTC Branch 25, may petsang 25 Agosto 2019, may inirekomendang  piyansang P240,000 pata sa pansamantalang paglaya ng suspek. (RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Nicolas Torre III

PNP Chief Torre sa mga pulis:
Serbisyong may malasakit pairalin

MAGSERBISYO nang may malasakit.                Mahigpit itong ipinaalala ni Philippine National Police (PNP) chief Police …

Tanso Copper Cable Wire

Sa Caloocan City
5 kelot, 1 menor de edad huli sa P.2-M ninakaw na kable

NASAKOTE ng Caloocan City Police ang limang lalaki, kabilang ang isang menor de edad sa …

Comelec Elections

Suspensiyon ng voter registration para sa BSKE posible — Comelec

POSIBLENG hindi matuloy ang nakatakdang voter registration na mag-uumpisa sa 1 Hulyo 2025 bilang paghahanda …

Arrest Shabu

Tulak arestado sa P6.8-M shabu

DINAKIP ang isang lalaking itinuturing na big time tulak matapos kumagat sa buybust ng mga …

061325 Hataw Frontpage

Impeachment trial vs VP Sara ongoing, alive & kicking — Risa

HATAW News Team HINDI ‘dead on arrival’ kundi nanatiling buhay, ongoing, alive and kicking ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *