Sunday , May 26 2024

2 Nigerian national, 4 pa arestado sa bato at damo (Drug den sinalakay sa Pampanga)

Arestado ang dalawang Nigerian national kasama ang apat pang kakontsabang suspek makaraang mahulihan ng hinihinalang shabu at high grade marijuana (Kush) nang salakayin ng PDEA Pampanga ang minamantinang drug den ng mga suspek noong Huwebes ng gabi, 17 Hunyo, sa Villa Teodora, Brgy. Dau, lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ni PDEA3 Director Christian Frivaldo ang mga suspek na sina Anaelechi Kingsly, 37 anyos, binata, ng Brgy. Dau, Mabalacat City; Nelson Ocafor, Jr., 25 anyos, may asawa, ng Brgy. San Rafael, Tarlac City, parehong Nigerian National; April Wright, 25 anyos; Eric Desuyo, 29 anyos; Norwin Carpio, 20 anyos; at Ralph Joseph Yalung, 25 anyos, pawang mga residente sa Mabalacat City.

Nakompiska ng mga operatiba mula sa mga arestadong suspek ang 30 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204,000; 30 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P3,600; at dalawang gramo ng high grade marijuana (Kush) na nagkakahalaga ng P2,000; marked money; at iba’t ibang drug paraphernalia.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na nasa kustodiya ngayon ng raiding team. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Francis “Tol” Tolentino Puto Latik Festival Biñan

Puto Latik Festival ng Biñan suportado ni Tolentino

SUPORTADO ni Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino ang ika-14 taong pagdiriwang ng anibersaryo …

052424 Hataw Frontpage

Sa maagang renewal ng prangkisa
‘ANGAL’ NG BDO vs MERALCO NAHALUNGKAT SA KAMARA

NAKATANGGAP ng isang sulat ang House committee on legislative franchise na naglalaman ng reklamo mula …

052424 Hataw Frontpage

72-anyos nanay, bugbog-sarado sa 33-anyos anak

ni Almar Danguilan KULONG ang 33-anyos na binata matapos  bugbugin ang kaniyang 72-anyos na ina …

Bajaj Maxima Z Feat

Bajaj Maxima Z: Pang Negosyo na, Pang-Endurance pa!

SINONG mag-aakalang ang sasakyan na pang negosyo, pwede rin sa endurance challenge? Sa tipid, tibay, …

Alice Guo Chiz Escudero

Presumption nananatili – SP Chiz Escudero 
NAG-AKUSA vs MAYOR GUO DAPAT MAGLABAS NG PRUWEBANG HINDI SIYA PINOY

HINDI si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kundi ang mga nag-aakusa sa kanya ang dapat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *