Monday , December 15 2025

Blog Layout

NFA 100,000 MT bigas aangkatin (Rice cartel lalabanan)

NAKATAKDANG umangkat ng karagdagang 100 ,000 metriko tonelada ng bigas ang National Food Authority (NFA) mula sa Vietnam o di kaya ay sa Thailand sa darating na mga buwan para labanan ang mga rice cartel at tuluyan nang pababain ang presyo ng butil sa bansa. Sinabi ng isang source mula sa industriya na humiling na huwag banggitin ang pangalan, layunin …

Read More »

Megan Young itinanghal na first Pinay Miss World

MAKARAAN ang 63 taon, naiuwi na rin ng Filipinas ang inaasam na Miss World title matapos makoronahan kamakalawa ng gabi ang 23-year old Filipina beauty na si Megan Young. Ito ang kauna-unahang titulo ng Filipinas para sa prestihiyosong beauty competition bukod sa dalawang Miss Universe title, apat na Miss International, Miss Earth at Miss Supranational. Sa kanyang pagtanggap ng korona …

Read More »

P200-B target kaya ng BoC – Palasyo

UMAASA ang Palasyo na maaabot na ng Bureau of Customs (BoC) ang collection target na P200 bilyon kada taon sa pagkakatalaga ni Pangulong Benigno Aquino III ng mga bagong opisyal sa kawanihan. “Yung estimates po nila—as much as 200 billion pesos a year ang kaya palang i-collect ng Customs kung aayusin lang ‘yung pamamaraan nila sa operations,” ayon kay Communications …

Read More »

Bangkay ni Malik ‘wanted’

NASA proseso pa ng pag-validate ang Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa report na kabilang si MNLF Commander Habier Malik sa mga napatay sa Zamboanga siege. Ito ay matapos maaarekober ang militar at pulisya ng identification card ni Malik sa isa sa MNLF casualties nang magsagawa ng clearing operations ang mga tropa ng gobyerno. Ngunit ayon kay AFP …

Read More »

Mag-ina dedbol sa polio victim (Resbak sa bullying )

KALIBO, AKLAN – Paghihiganti ang pangunahing motibo ng 39-anyos polio victim sa brutal na pagpatay sa mag-ina sa Brgy. Tigayon, Kalibo, Aklan. Inamin ng suspek na si Michael Diangson na hindi niya pinagsisisihan ang pagpatay kina Emily Ruzgal, 45, at Jan Carlo Ruzgal, 16, pawang residente ng naturang lugar. Ayon sa kanya, palagi siyang binu-bully o pinapahiya ni Jan Carlo …

Read More »

CoP, 1 pa patay sa ambush

DALAWANG pulis, kabilang ang hepe ng estasyon, ang namatay habang isa pa ang sugatan matapos tambangan ng grupo ng armadong kalalakihan sa Brgy. Central, Arteche, Eastern Samar. Patay agad ang mga biktimang sina Arteche Eastern Samar Chief of Police Alberto Ayad at tauhan niyang si PO1 Julu Juliata. Habang sugatan naman si PO3 Glorioso Nebril. Nabatid na nagpapatrolya sa Brgy. …

Read More »

Protest caravan vs pork barrel isusulong ng transport group

MAGSASAGAWA ang militanteng transport group ng protest caravan ngayong araw laban sa pork barrel system, bilang tugon sa panawagang pagpapatuloy ng protesta laban sa korupsyon sa gobyerno. “Piston will head protests in Metro Manila and other provinces to voice out the concerns of drivers and the transport sector against the pork barrel and the (theft) committed by the Aquino administration …

Read More »

2 suspek sa pananaksak sa principal, timbog

NAARESTO ng mga elemento ng Pakil PNP ang dalawang suspek sa pananaksak sa isang elementary school principal sa Brgy. Bano, bayan ng Pakil, sa lalawigan ng Laguna. Ayon sa report ni Senior Insp. Jojo Sabeniano, hepe ng Pakil Police, kay Laguna PNP Provincial Director, Senior Supt. Pascual Munoz, Jr., kinilala ang biktimang si Arnel Macabasco, 47, principal ng Pangil Central …

Read More »

Naaktohang misis, kalaguyo kalaboso kay mister

SWAK sa kulungan ang isang ginang at kanyang kalaguyo makaraang maaktuohan ni mister habang nagtatalik sa Gen. Santos City. Napag-alaman sa imbestigasyon ng Alabel Police, matagal nang nagdududa ang mister na itinago sa pangalang Jay, na may ibang lalaki ang kanyang misis na itinago naman sa pangalang Mary Grace. Kaya’t nagpasya ang mister na sundan ang misis nang magpaalam na …

Read More »

Contractor sa DA at DPWH ipaTatawag ng Senado

Nais ni Sen. JV Ejercito na palawigin pa ang im-bestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa pork barrel scam at ipa-tawag na rin ang ilang contractor sa Department of Agriculture (DA) at Department of Public Works and Highway (DPWH) na sinasabing nakakuha rin ng pondo mula sa Prioirty Development Assistance Fund (PDAF)  ng mga mambabatas. Ayon sa senador mula sa …

Read More »