Wednesday , May 31 2023

2 suspek sa pananaksak sa principal, timbog

NAARESTO ng mga elemento ng Pakil PNP ang dalawang suspek sa pananaksak sa isang elementary school principal sa Brgy. Bano, bayan ng Pakil, sa lalawigan ng Laguna.

Ayon sa report ni Senior Insp. Jojo Sabeniano, hepe ng Pakil Police, kay Laguna PNP Provincial Director, Senior Supt. Pascual Munoz, Jr., kinilala ang biktimang si Arnel Macabasco, 47, principal ng Pangil Central Elementary School at residente ng Brgy. Bano Pakil, Laguna, habang ang mga suspek ay kinilalang sina Joar Sarmiento, 20, at Mark Leo Sanchez, 19, kapwa residente ng Brgy. Gonzales, bayan ng Pakil.

Ang mga suspek ay naaresto ng mga awtoridad sa kanilang bahay sa follow-up operation.

Nabatid sa imbestigasyon ni PO3 Anthony Francisco, dakong 2:45 a.m. nang bumisita ang mga suspek sa bahay ng biktima.

Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo na naging dahilan upang saksakin ng mga suspek ang biktima.

Naisugod ang biktima sa General Cailles District Hospital para malapatan ng lunas.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong frustrated homicide.

(BOY PALATINO)

About hataw tabloid

Check Also

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

052923 Hataw Frontpage

Sa gitna ng malakas na ulan
NURSE NG BAYAN PATAY SA TAMBANG, ASAWA KRITIKAL

PATAY ang isang pampublikong nars habang kritikal ang kanyang asawa matapos tambangan sa gitna ng …

Pia Cayetano 2023 World No Tobacco Day Award

Wagi sa WHO 2023 World No Tobacco Day Award,
SEN. PIA CAYETANO IPINAGMALAKI NG TAGUIG CITY

BINATI ng City of Taguig si Senator Pia Cayetano sa pagkakapanalo sa World Health Organization …

DOH

Kontrobersiyal na Health official
‘DR. TROUBLEMAKER’ IMBESTIGAHAN NG DOH

HINILING ng grupo ng mga aktibo at retiradong kawani ng Department of Health (DOH) na …

Nelson Santos PAPI RTC

Pagpili ng ‘PAPI’s Outstanding Court Sheriff inilunsad na

BINUKSAN na ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang pagpili sa natatanging sheriff …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *