Friday , November 15 2024

Blog Layout

DILG, PNP binira ni Miriam (Sa nakawan ng relief goods)

BINATIKOS ni Senadora and Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) bunsod ng kawalan ng kahandaan sa pagtugon sa sakuna katulad ng pagsalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban at Leyte. Ayon kay Santiago, kailangang matiyak ng dalawang ahensya ng pamahalaan ang pagpapanatili ng peace and order situation sa naturang lugar na naging talamak ang nakawan …

Read More »

China’s grid operator tutulong sa power rehab

TUTULONG ang technical experts mula sa State Grid Corporation of China (SGCC) para sa pagsasaayos ng nasirang transmission lines sa Visayas, kaugnay pa rin sa pananalasa ng bagyong Yolanda. Sinabi ni National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) spokesperson Cynthia Alabanza, bukod sa inisyal na $100,000 financial assistance sa mga biktima ng kalamidad, magpapadala rin ng technical teams ang Chinese …

Read More »

House nilangaw (Pork barrel nang ibasura ng SC)

AMINADO si Marikina Rep. Miro Quimbo na ikinalungkot ng mga mambabatas ang pagbasura ng Supreme Court sa pork barrel system, ngunit binigyang-diin niya na wala itong kinalaman sa pagliban ng maraming kongresista sa nakaraang mga sesyon. Nitong nakaraang linggo, maraming bakanteng mga upuan sa plenaryo makaraang lumabas ang ulat kaugnay sa desisyon ng SC. Ipinaliwanag ni Quimbo gayunpaman, nag-aalala ang …

Read More »

Anti-political dynasty bill OK sa Palasyo

BUKAS ang Aquino government sa pagpapatibay ng panukalang batas laban sa tinatawag na political dynasties. Ayon kay Presidential Communications Operations Office Sec. Herminio Coloma, Jr., matagal nang hinihintay ng taumbayan ang nasabing reporma na mismong ang 1987 Constitution ang nagtatakda. “Ito po ay isang reporma na matagal nang hinihintay sa ating bansa dahil ito ay noon pang EDSA People Power …

Read More »

Organized vending program aprub kay Erap

INILUNSAD ang organisadong vending program na kabilang sa mga plano ni Mayor Joseph Erap Estrada sa Divisoria, Maynila kamakailan. Nakapagtitinda na sa tamang oras at may sukat na ang tindahan ng ilang vendor na sumunod sa alituntunin ng pamahalaang lokal ng lungsod. Base sa isang tumata-yong vendor organizer sa lugar, ang ilan sa kanilang kasamahan sa pagtitinda na kumuha at …

Read More »

Misis na senior citizen binalian ni mister

Nakabenda pa ang kaliwang braso nang magtungo sa tanggapan ng Manila Police District Women and Children’s Desk ang isang misis na senior citizen upang ireklamo ang pananakit ng kanyang asawa na isa rin senior citizen. Kinilala ang biktimang  si Olive Chan, 61, habang ang inirereklamong suspek ay ang asawang si Ricardo Chan, 60, kapwa ng San Andres St., Malate, Maynila. …

Read More »

Pulis-MPD inatake sa duty

ISINUGOD sa pagamutan ang isang miyembro ng Manila police matapos bumagsak habang naka-duty. Kinilala ang police na si PO3 Rodolfo Tejada Pallares,  52, ng Office of the District for Operation (ODDO), na nasa intensive care unit (ICU) ng Medical Center Manila. Sa ulat,  24-oras  naka-duty si PO3 Pallares dakong 9:30 ng uma-ga nitong Sabado, nang makaramdan ng pagkahilo hanggang magsuka …

Read More »

IRR ng new gun control law pirmado na

NAKATAKDA nang ipatupad ng pambansang pulisya ang bagong batas hinggil sa pagbibitbit ng armas. Ito’y matapos lagdaan ni PNP Chief Police Director General Alan Purisima ang implementing rules and regulations (IRR) para sa bagong batas, ang RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition and Providing Penalties for Violations. Bago matapos ang taon, tiniyak ng PNP na maipatutupad …

Read More »

P36.7-M marijuana sinunog sa La Union

LA UNION – Aabot sa P36.7 mil-yon halaga ng marijuana ang sinunog ng PNP  Police Regional Office 1 na nakabase sa Camp Florendo, Brgy. Parian, San Fernando, La Union kahapon ng umaga. Ang marijuana ay binubuo ng 185,000 fully grown marijuana, 5,000 seedlings at  400 grams seeds. Nasamsam ang nasabing mga damo mula sa 18 plantation sites sa Brgy. Licungan, …

Read More »

Rapist, holdaper ginawang ‘mummy’

MISTULANG ginawang ‘mummy ’ ang hinihinalang biktima ng summary execution makaraang balutin ng duck tape ang ulo, nakatali ng alambre ang mga kamay at paa, sa sinabitan ng karatula na, “Ang rapist at hol-daper h’wag pamarisan sa Mandaluyong City.” Ayon kay P02 Donald Bañez, dakong 4:20 ng madaling araw nang matagpuan ng ilang residente ang bangkay ng biktima na naka-duck …

Read More »