Friday , November 15 2024

Blog Layout

93-anyos lola nalitson sa sunog

NALITSON ang 93-anyos lola nang makulong sa nasusunog na bahay sa Brgy. Del Rosario, Milaor, Camarines Sur. Sunog na sunog ang biktimang si Estelita David nang matagpuan ang bangkay pagkatapos maapula ang sunog. Sa imbestigasyon, nagsimula ang apoy nang madikit sa kurtina ang nakasinding kandila sa altar. Hindi agad namalayan ng biktima ang sunog kaya mabilis itong kumalat. Dahil sa …

Read More »

Manila Seedling Bank, idenemolis na

Natuloy na ang paggiba sa mga estruktura ng Manila Seedling Bank Foundation sa kanto ng Quezon Avenue at Agham Road, Barangay Pag-asa, Quezon City. Dakong 9:00 Lunes ng umaga, inumpisahang gibain ang mga gusali ng seedling bank matapos mapaso ang 20-araw  palugit na ibinigay ng lokal na pamahalaan sa mga umuupa roon para mag-self demolish at lisanin ang lugar. Karamihan …

Read More »

Mister, grabe sa ligaw na bala

KRITIKAL ang kalagayan ng isang mister,  matapos masapol ng ligaw na  bala habang nasa inuman kasama ang kaibigan sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Inoobserbahan sa Manila Central University (MCU) hospital ang biktimang kinilalang si Eduardo Acosta, 34-anyos, ng Santos St., Brgy. San Agustin, ng lungsod sanhi ng isang tama ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa likod. Isang …

Read More »

Yolanda survivor sa Tent City balik-Tacloban na

Uuwi na sa Tacloban nga-yong Martes ang mga ‘Yolanda’ survivor na panandaliang nanatili sa Tent City sa Pasay. Ayon kay Rosalinda Orobia, head ng Pasay City Social Welfare Service, babalik na ang 26 pamilyang nanuluyan sa Tent City. Sagot ng mga non-government organizations (NGOs) at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ang pag-uwi ng mga biktima sakay ng 4 na bus …

Read More »

US police naalarma sa Sinaloa drug cartel

Nababahala  ang  mga opisyal ng San Francisco Police sa Amerika sa ulat na nakapasok na sa Filipinas ang Mexican Sinaloa drug cartel. Sa isang panayam sa Camp Crame, sinabi ni retired police Lt. Eric Quema ng San Francisco Police, kilala ang naturang sindikato sa pagi-ging marahas sa bansang Mexico. Aniya, maraming insidente ng pamumugot at pag-likida ng sindikato upang ipa-rating …

Read More »

Piso mula sa magsasaka reward vs Bangayan

PISO-PISO DRIVE. Ibinigay ng mga miyembro ng iba’t ibang irrigation groups kay Senator Cynthia Villar, chair of the senate committee on agriculture, ang kabuuang P55,000 halaga ng piso na kinalap mula sa kanilang mga kasapi bilang pabuya sa mabilis na ikadarakip ng lahat ng  rice smugglers, kabilang si David Tan, ang umano’y ‘Goliath’  sa rice smuggling. Bubusisiin ni  Villar  bukas …

Read More »

Yaman ng DPWH Region 4-A, kalkalin!

LIFESTYLE check sa mga kawani at opisyal ng gobyerno, ba’t tila nag-laylo ang pamahalaan sa pagbigay halaga nito? Dahil kaya sa posibilidad na magkakaubusan ng mga nakaupo sa pamahalaan? Hehehe … paano kasi halos ninety percent yata ng mga kawani at opisyal sa pamahalaan ay magnanakaw. HIndi naman siguro kundi, nakokonsensiya lang din ang mga mag-iimbestiga dahil maging sila ay …

Read More »

Destabilization plot vs PNoy pantakip sa PDAF scam?

NAGPAPUTOK ngunit supot ang mga pinakawalang salita kahapon ni Sen. Bong “Pogi” Revilla laban sa administrasyong Aquino. Sa halip na tuwiran at lantarang pabulaanan ang mga bintang na “narumihan ang mga kamay niya ng pork funds.” ‘E tumira ng upper cut ang anak ni Agimat. Inilahad niya na kinausap siya ni PNoy para idiin si dating Supreme Court Chief Justice …

Read More »

Sikhayan Festival ng Sta.Rosa, ipinagmamalaki ni Mayor Arlene Arcillas

SA loob ng 15 taon, regular na ipinagdiriwang ng siyudad ng Sta. Rosa, sa lalawigan ng  Laguna at ng mga mamamayan nito ang kanilang SIKHAYAN FESTIVAL. Isang street dancing competition na may hangaring ipakilala ang lungsod ng Sta. Rosa hindi lamang sa buong bansa kundi sa buong mundo rin. Sa taong ito, ginanap ang pormal na pagbubukas ng  SIKHAYAN Festival …

Read More »

VK kahit saan, awtoridad nasaan?

KUNG may time, puwedeng aliwin ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang kanyang sarili. Seryoso ang usapin sa mga operasyon ng video karera (karera ng kabayo sa video) sa lungsod pero dahil mistulang hindi naman interesado ang butihing mayor na manindigan laban sa problema, puwedeng patulan na lang niya ang pang-aaliw ng mga “untouchable” na hari ng video karera sa …

Read More »