Saturday , January 28 2023

Direktor, ipinakulong ni actress-producer dahil sa estafa

ni Roldan Castro

HINDI sinasadyang makita namin ang isang actress-producer sa isang coffee shop noong Huwebes ng gabi. Tsinika namin siya sa balitang nagpakulong umano siya ng isang director dahil sa kasong estafa. May proyekto umano sila at nakuha na ng director ang budget pero hindi nai-deliver. Dinampot daw sa pinagtataguang probinsiya ang director at dinala sa Camp Karingal.

Balita rin na nakapag-piyansa na ang director nang mahigit na P200,000. May tsismis na isang sikat na aktres na kaibigan ng director ang tumulong sa kanyang bail pero itinanggi niya ito.

Mukhang ayaw ma-involve ng sikat na aktres o ipaalam sa publiko ang pagtulong sa kaibigan lalo’t friends din niya ang pamilya ng actress-producer.

Bukod sa nabanggit na director, mayroon ding isa na napipintong idemanda naman ng isang actor-producer. Malaki na umano ang perang nakukuha ng director sa actor. Sa kasalukuyan, ino-audit daw ito.

‘Pag hindi tama ang listahan niya sa expenses siguradong sa korte rin ang diretso nila. Hanggang ngayon wala pa rin ang sinasabing project ng director na isa sa cast nila ay ang guwapong foreign actor na sikat sa ‘Pinas.

About Roldan Castro

Check Also

Ara Mina

Sa sunod-sunod na trabaho
ARA MINA AYAW MUNA MAGBUNTIS

I-FLEXni Jun Nardo TIME out muna si Ara Mina sa pagbubuntis this year. Eh nagdatingan kay Ara …

Spa Massage

Spa ginagamit para ibugaw mga starlet at indie stars

ni Ed de Leon AKTIBO na naman umano ang mga showbiz pimps. May isang showbiz pimp na …

Vice Ganda

Career ni Vice Ganda bumubulusok na?

HATAWANni Ed de Leon MAY tsismis kaming nasagap. Tsismis lang naman ito, hindi kami sigurado …

Charles Angeles

Charles ng Marikit Artist Management handa sa intriga sa showbiz

MA at PAni Rommel Placente NOONG Martes ng gabi, ipinakilala sa entertainment press ang bagong …

Klinton Start Nadine Lustre

Klinton Start wish maka-work si Nadine

MATABILni John Fontanilla MAGDIRIWANG ng kanyang ika-21 kaarawan ang tinaguriang Supremo ng dance Floor at …

Leave a Reply