Friday , November 15 2024

Blog Layout

Cellphone ni Vhong ebidensiya ng NBI; Seguridad mula sa PNP hiningi ng kampo ni Vhong; Baril ni Cedric hiniling kompiskahin

HAWAK  ng National Bureau of Investigation (NBI) ang cellular phone ng tv host/actor na si Vhong Navarro aka Ferdinand Navarro, ng Kapamilya network. Ayon kay  NBI-NCR Assistant Director Vicente de Guzman, malaki ang maitutulong   ng cellphone na ginamit ng actor sa pakikipag-ugnayan kay Deniece Cornejo bago nangyari ang nasabing  pambubugbog ng grupo ni Cedric Lee noong gabi ng Enero 22. …

Read More »

Libing sinoro ng truck 2 patay, 2 kritikal

LEGAZPI CITY – Agad nalagutan ng hininga ang mag-asawa habang su-gatan ang dalawa pa nang mabundol ng 10-wheeler truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo habang nakikipaglibing sa bahagi ng Brgy. Godofredo Reyes, Sr., bayan ng Ragay, Camarines Sur. Kinilala ang mga namatay na sina Jesus Olisea, Jr. at Neneth Olisea, residente ng Brgy. Port Junction Norte, habang sugatan naman sina Emily …

Read More »

Basyang lumakas signal no. 2 sa 14 areas

BAHAGYANG lumakas ang bagyong Basyang habang nagsisimula na ang epekto sa Silangan ng Visayas at Mindanao. Ayon sa Pagasa, taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na aabot sa 80 kilometro bawat oras. Bago magtanghali natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 500 kilometro sa silangan …

Read More »

Bebot patay sa QC fire (144 pamilya apektado)

ISA ang namatay at 144 pamilya ang apektado sa naganap na sunog sa Pasong Tamo, Quezon City, Biyernes ng hapon. Kinilala ang namatay  na si Cherry Samonte,  matapos atakehin sa puso sa kasagsagan ng sunog at dalawa ang bahagyang nasugatan. Ayon kay QC Fire Marshall Supt. Jesus Fernandez, 36  bahay ang naabo sa sunog na sumiklab dakong 1:45 ng hapon …

Read More »

5 dalagita sex slave sa drug den (3 tulak timbog)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Nasagip ng mga awtoridad ang limang dalagitang hinihinalang sex slaves habang tatlong tulak ng shabu ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad sa isang farm na pinaniniwalaang drug den sa Floridablanca, Pampanga. Ayon sa ulat ni Supt. Jhoanna Ponseca ng Floridablanca Police, nakatakda nilang ilipat ang limang dalagita sa pangangalaga ng Municipal Social Welfare Development …

Read More »

15-anyos pumalag sa rape, tegas

LEGAZPI CITY – Patay ang 15-anyos high school student sa Sorsogon City makaraang itulak ng tricycle driver na nagtangkang gumahasa sa kanya. Kinilala ang biktimang si Angela Artita, residente ng Catmon St., Saint Peter and Paul Subdivision (SPPVS), Bibincahan Sorsogon City. Sa impormasyon, pasado 8 p.m. nang umalis ng kanilang bahay ang biktima para puntahan ang kanyang kaibigan. Nakita siyang …

Read More »

Bangsamoro basic law inaapura ni PNoy

HINIMOK ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang Bangsamoro Transition Commission (BTC) na bilisan ang pagkompleto sa draft ng Bangsamoro Basic Law para magkaroon nang sapat na pagkakataon para maipasa at mapagtibay bilang ganap na batas. Sinabi ni Peace Adviser Ging Deles, inihayag ng Pangulong Aquino sa kanyang meeting sa BTC na dapat matapos ang paghahanda sa lalong madaling panahon …

Read More »

Balut vendor na asset ng parak binoga sa mata

KRITIKAL ang kalagayan ng isang balut vendor matapos barilin ng isa sa tatlong ‘di nakilalang suspek habang naglalako ng kanyang paninda, kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang kinilalang si Orlando Amiante, 42-anyos, residente  ng  Roldan St., Brgy. Daang Hari ng lungsod, sanhi ng tama ng bala ng hindi nabatid na …

Read More »

P1.7-B LRT-MRT ticketing system nakuha ng Ayala MPIC Grp

Nakuha ng Ayala Corp. at Metro Pacific Investments Corp. ang P1.7 bilyong kontrata para sa common ticketing system ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT). Ito ang kauna-unahang private partnership project (PPP) na ipinagkaloob ng Department of Transportation and Communications (DoTC). Tinalo ng AF Consortium ang SM group sa nangyaring bidding. Target na magamit ang common ticketing …

Read More »

Kambing nagsilang ng tuta sa La Union

PINAG-AARALAN ng La Union Veterinary Office kung bakit nagsilang ng tuta ang isang kambing sa Brgy. San Agustin, San Fernando City, sa nasabing lalawigan. Laking gulat ni Jovita Ochoco, may-ari ng kambing, nang makita niya na ang iniluwal ng alaga ay tuta at hindi kambing. Sa paglalarawan ng may-ari at ilang residenteng nakakita, parang aso ang mukha at katawan, at …

Read More »