Friday , November 15 2024

Blog Layout

Pacman lalaban na

HALOS buong kinabukasan ni Manny Pacquiao ay nakasalalay sa magiging resulta ng laban niya kay Timothy Bradley sa darating na Linggo. Ito ang nakataya sa pambansang kamao sa rematch nila ni Bradley dahil maging ang kabuhayan niya at pangarap sa politika ay magbabase sa resulta ng laban niya sa Las Vegas. Maging ang malaking bahagi ng ibabayad ni Pacman sa …

Read More »

Chief of staff ng Bulacan board member todas sa tandem

AGAD binawian ng buhay ang chief of staff ng board member ng lalawigan ng Bulacan makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo habang minamaneho ang kanyang Bes-ta van sa Brgy. Longos, sakop ng bayan ng Calumpit, Bulacan kahapon ng umaga. Tadtad ng tama ng bala sa katawan ang biktimang si Edwin Inocencio, 35, may-asawa, residente ng Brgy. San Sebastian, …

Read More »

P50K dagdag ng ALAM sa pabuya vs killer ni Garcia (Patong sa ulo ng killer P150K na)

NAGTIRIK ng kandila ang mga miyembro ng Alab ng Mamamahayag (ALAM), National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) at CAMPO bilang paghiling ng hustisya sa pagpaslang sa reporter na si Rubie Garcia, sa Imus Cathedral sa Imus, Cavite kahapon ng umaga.  (Mga kuha nina RAMON ESTABAYA at RIC ROLDAN) MAGBIBIGAY  ng karagdagang P50,000 ang Alab ng Mamamahayag (ALAM) sa …

Read More »

BIR kay Pacman: Tax case huwag isipin sa laban

ILANG araw bago ang nakatakdang rematch ni Manny Pacquiao kay WBO welterweight champion Timothy Bradley Jr., nagbigay ng kanyang “good luck” wish si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares sa Filipino ring icon. Ayon kay Henares, malaki ang tiyansa ni Pacquiao na manalo kontra kay Bradley basta’t huwag isipin ang kanyang kinakaharap na kasong tax evasion. Sa katunayan, …

Read More »

Hipag sinaksak bayaw nagbigti

NAGBIGTI ang isang lalaki makaraan niyang saksakin ang kanyang hipag kahapon sa Quezon City. Kinilala ang nagbigting suspek na si Ralph Alejandro, 48, may-asawa, ng #24 Vices St., Carmel 5 Subd., Tandang Sora, Quezon City. Samantala, inoobserbahan sa Pacific Global Medical Center ang hipag ng suspek na si Zorayda Tantua, 50, may-asawa, residente rin sa naturang address. Ayon kay SPO2 …

Read More »

PH aviation itinaas ng FAA sa category 1

UMANI ng pagbati mula kay U.S. Ambassador to the Philippines Philip Goldberg at iba pang malalaking personalidad ang pagkakapasok ng Filipinas sa Category 1 rating ng Federal Aviation Administration (FAA) ng U.S. Department of Transportation. Una rito, inianunsyo ng FAA ang pag-akyat ng kategorya ng Filipinas dahil sa pagtalima sa international safety standards na itinatakda sa International Civil Aviation Organization …

Read More »

Buntis na tulak patay sa tarak ng ex-convict

NAMATAY ang 27-anyos buntis makaraan saksakin ng ex-convict sa Tondo, Maynilakahapon ng madaling-araw. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Rochelle Bautista, ng Lacson St., Velasquez, Tondo, Maynila, sanhi ng saksak sa dibdib at likurang bahagi ng katawan. Habang mabilis na nakatakas ang suspek na si Rolito Morallos, 32, ng #221 Sta. Catalina …

Read More »

Pagkilala ng NDRRMC sa Bacoor tinanggap ni Mayor Strike Revilla

ISANG buwan makaraang pagkalooban ang lungsod ng Bacoor ng parangal na Seal of Good House Keeping ng Department of Interior and Local Government o DILG, isa pang pagkilala ang tinanggap ni Mayor Strike Revilla mula naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Ito ay ang Bakas Parangal ng Kagitingan para sa natatanging kabayanihan na ipinamalas sa sambayanang …

Read More »