Tuesday , December 9 2025

Blog Layout

Justice Secretary Leila De Lima hinahamon na ng Emperor Int’l Ktv Club at K-One KTV Bar

BUMILIB tayo sa ipinakitang tapang ni Justice Secretary Leila De Lima nang pangunahan niya ang pagsalakay sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa kaugnay ng mga napapabalitang pagbubuhay-hari ng mga convicted drug lords na nakapiit doon. At mismo, natambad sa mga mata ni Secretary De Lima ang walang pangalawang pang-aabuso sa batas ng mga convicted drug lords at …

Read More »

Comelec bugbog sarado na naman (Patakaran sa bidding ibinasura)

MAS tumindi pa ang pagbatikos laban sa Smartmatic kahapon nang sumama ang iba pang IT professionals ng bansa sa kampanya laban sa technology reseller matapos ibasura ng Bids and Awards Committee (BAC) ng Commission on Elections (Comelec) ang mga patakaran sa pagtukoy kung eligible nga ang naturang kompanya na sumali sa bidding para sa karagdagang optical mark reader (OMR) voting …

Read More »

Tulak ng shabu sa Cabrera St., Pasay City namamayagpag

TUKOY NA TUKOY ng mga kapitbahay d’yan sa Cabrera St., sa Pasay City kung sino ang numero unong tulak sa kanilang lugar. Pero wala silang magawa, dahil tila malakas ang kapit nitong isang alyas RANDY BATO sa mga awtoridad. Bistado na umano ng mga awtoridad ang modus operandi ni alyas Randy Bato pero nagtataka sila kung bakit hindi natitiklo?! Sandamakmak …

Read More »

Bucayo, 3 pa iimbestigahan sa nakapasok na gadgets sa Bilibid

APRUBADO sa pamunuan ng New Bilibid Prisons (NBP) ang pagpasok ng appliances at iba pang electronic items sa loob ng bilangguan bagama’t malinaw na labag sa alituntunin. Ito ang lumalabas sa mga dokumentong nakalap na makikitang inaprobahan ng ilang opisyal ng NBP ang pagpasok ng appliances. Pinakamaraming inaprubahan noong 2013 si Supt. Venancio Tesoro kabilang ang ilang aircon, TV, computer, …

Read More »

Bus, taxi at tricycle, gumagamit ng krudo at gasolina kaya…

MALAKING kaginhawaan hindi lamang sa mga drayber ng mga pampasaherong sasakyan ang patuloy na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo kundi maging sa mga pribadong motorista…at kamakailan lang maging sa mga pasahero ng jeep dito sa Metro Manila matapos aprubahan ng LTFRB ang kahilingan ng commu-ters na ibaba ng piso ang pamasaheng P8.50 sa P7.50. Aprubado na ito at …

Read More »

P8-M kontrabando narekober sa Binondo (Ibinebenta online)

NAREKOBER ng mga awtoridad ang aabot sa P8 milyong halaga ng mga kontrabando sa isang warehouse sa Binondo, Maynila. Lumalabas na ibinebenta ang mga kontrabando sa ilang online shops na pinalalabas na orihinal ang mga produkto. Nag-ugat ang aksyon ng awtoridad sa reklamo ng may-ari ng iba’t ibang brands hinggil sa pamemeke. Sa pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs …

Read More »

Kotong sa Parola TODA, alam mo ba MTPB Carter Logica?

SIR sumbong ko lng 2 Metro North Impounding 2 buwan n sila wala trabaho pero tuloy daw ang koleksyon kahit wala cla kaya kuha nya dto sa Parola toda 7k wk utos daw sa kanila ni mtpb Chief Carter at ang hepe nla sa North kaya pala dati ang kotse gamit Carter Luma ngayon bago na at Avanza pa na …

Read More »

Pagpapapogi ni Garcia, masakit sa mga empleado ng SBMA

PUMAPALAG na ang libo-libong empleado ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa Su-bic Freeport Zone sa Olongapo City dahil kung ilang taon na silang humihingi ng umento kaya nanawagan sa kaagad na pagpapatupad ng Sa-lary Standardization Law (SSL), ang batas na nagtatakda sa basehan ng suweldo sa mga manggagawa ng gobyerno. Kinumpirma ni SBMA Director Philip Camara sa pakikipagpulong sa …

Read More »

P1.9M tinangay ng empleyado

NAGLAHO ang isang empleyado ng customs brokerage sa Maynila at ang kanyang kaibigan noong isang buwan tangay ang P1.9 milyon na dapat ipambayad sa dalawang kliyente ng kompanya. Humingi ng tulong sa Manila Police District-Theft and Robbery Section si Paul Mark Lianko, credit and collection officer ng Lawrence Customs Brokerage, at kinilala ang mga suspek na sina Jimroy Golimlim at …

Read More »

Masamang halimbawa

ANG mga ikinikilos ni Director General Alan Purisima, Philippine National Police Chief, ay patuloy na nagpapakita ng masamang halimbawa hindi lang para sa institusyon na kanyang pinamumunuan, kundi sa lahat ng mamamayang Pilipino. Sa puntong ito, ang tingin ng iba ay si Purisima na ang pinakamasamang pinuno na naupo sa PNP bunga ng mga kontrobersiya, kabilang na ang sinasabing “under …

Read More »