SIYAM na pulis ang suspek sa insidente ng tutukan ng baril sa EDSA na magugunitang nakunan ng litrato at kumalat sa social media. Sa press conference kahapon, inamin mismo ng Philippine National Police (PNP) na mga miyembro nila ang sangkot sa krimen, walo rito ang aktibo sa La Loma Police Station 1 habang isa ang matagal nang dismissed. Kinilala ang …
Read More »Blog Layout
PNoy best man sa kasal nina Heart, Chiz
KARANGALAN para kay Pangulong Benigno Aquino III ang maging ‘best man’ sa kasal nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista sa susunod na taon. “Now, as to being best man, ano. Siyempre, I’m honored, but also I’m relieved that I wasn’t made ninong, ‘di ba,” sabi ni Pangulong Benigno Aquino III sa media interview sa SMX Convention sa SM Davao …
Read More »Immigration Commission tiniyak ni Rufus
TINIYAK ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang pagpapasa ng panukalang batas na mag-aamyenda sa pitong-dekadang Philippine Immigration law para buuin ang isang komisyon bago matapos ang termino ng Aquino administration sa 2016. Sa kanyang pagsasalita sa ika-74 founding anniversary ng Bureau of Immigration (BI), sinabi ni Rodriguez dapat umanong gawing prayoridad ng Kongreso ang approval sa Commission on …
Read More »Ex-DoJ Sec Gonzalez, 83 pumanaw na
PUMANAW na ang dating kalihim ng Department of Justice (DoJ) at dating kongresista ng Iloilo City na si Raul Gonzalez, Sr. Sa kanyang official Twitter account, kinompirma ng anak niyang si Dr. Marigold Gonzalez ang pagpanaw ng kanilang ama dakong 10:30 p.m. kamakalawa sa National Kidney Institute (NKI) sa Quezon City sa edad 83-anyos. Una rito, nitong Biyernes pa lang …
Read More »Shipyard caretaker pinalakol kritikal (Suspek bugbog-sarado)
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang shipyard caretaker makaraan palakulin sa mukha ng isang lalaki sa Navotas City kahapon ng umaga. Isinugod sa Tondo Medical Center ang biktimang si Eddie Dimakulangan, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. San Jose ng nasabing lungsod. Habang bugbog-sarado ang suspek na kinilalang si Alvin Saani, tubong Zamboanga City, at bagong salta sa nasabing …
Read More »3-anyos nalunod sa septic tank
NAGA CITY – Nalunod ang 3-anyos paslit nang mahulog sa septic tank sa Brgy. Coco, Pasacao, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ng biktimang si Renz Noble, 3-anyos. Naglalaro ang biktima sa likod bahay ng kanilang kapitbahay nang mahulog sa septic tank. Pinaniniwalaan ng kanyang mga magulang na nalunod ang bata sa ginagawang septic tank na may lalim na apat talampakan, dahil …
Read More »‘Mangkukulam’ na lola sinilaban ng kapitbahay
LEGAZPI CITY – Kritikal ang kalagayan sa ospital ng isang 62-anyos lola makaraan sabuyan ng gasolina at silaban ng kanyang kapitbahay sa lalawigan ng Catanduanes kamakalawa. Napag-alaman, pinaghinalaan ng suspek na si Marjal Pacay, 39, na mangkukulam ang biktimang kinilalang si Merly Tioxon, kapwa residente ng Salvacion St., Brgy. Canlubi, sa bayan ng Virac. Naglalakad ang biktima sa daan nang …
Read More »6 bagets na holdaper tugisin (Apela ng PNA reporter sa pulisya)
NANAWAGAN sa pamunuan ng Pasay City Police ang reporter ng Philippine News Agency (PNA) para sa mabilisan paghuli sa anim kabataang lalaki na sumaksak at tumangay ng kanyang cellphone sa harap ng kanilang bahay sa Pasay City kamakalawa. Nasa mabuti nang kalagayan ang reporter na si Ferdinand “Bong” Patinio, 43, makaraan masaksak sa hita at braso ng isa sa anim …
Read More »Tserman, misis pamangkin tiklo sa drug raid
ILOILO CITY – Arestado sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang punong barangay at kanyang misis sa bayan ng Banate, sa lalawigan ng Iloilo kamakalawa. Si Punong Brgy. Roger Belarde ng Brgy. Dugwacan, Banate ay inaresto ng mga operatiba ng PDEA sa isinagawang pagsalakay sa hinihinalang minamantine niyang drug den sa kanilang lugar. Kasamang naaresto ang kanyang …
Read More »Hirit na wi-fi, laptop ni Gigi kinontra ng prosekusyon
MARIING tinutulan ng prosekusyon ang hirit ni Atty. Gigi Reyes na makapagpasok ng laptop, wifi at printer sa loob ng piitan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig. Sa pagdinig sa Sandiganbayan Third Division, iginiit ng prosekusyon na hindi kailangan ng akusado ang mga hinihingi niya sa loob ng piitan. Bukod dito, dapat din anilang bigyan ng laptop ang lahat ng …
Read More »