Friday , May 3 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Asong nawawala nakauwi na

032715 fritz dog pizza fail catch.gif

00 PanaginipGud day po sa iyo Señor,

Napanaginipan ko po ang alaga kong pinakamahal kong aso, ng siya ay nawala isang buwan na siya nawala at napanaginipan ko nga siya ay nakabalik dito sa bahay, ano ang ibig sabihin nito pls. Pakisgot po frm leven (09087251384)

 

To Leven,

Ang aso sa panaginip ay simbolo ng intuition, loyalty, generosity, protection, at fidelity. Ito ay nagsa-suggest na ang iyong strong values at good intentions ay magiging susi ng iyong pag-usad at tagumpay. Alternatively, ito ay maaari rin namang nagsasaad ng ukol sa talentong iyong binabalewala o kinalimutan na. Sakali namang ang aso ay mabagsik at umuungol, ito ay nagpapakita ng ilang inner conflict sa iyong sarili. Maaari rin naman na ang panaginip mo ay nagsasaad ng betrayal at untrustworthiness. Maaari rin na ito ay nagpapakita na nawala o nawawala ang iyong kakayahan upang balansehin ang ilang aspeto ng iyong buhay. Maaaring ito ay bunsod ng iyong agam-agam upang harapin ang bagong sitwasyon o kaya naman, wala kang interes o kagustuhang umabante tungo sa iyong mithiin. Alternatively, maaari rin naman na ito ay sagisag ng disloyalty para sa ilang malalapit sa iyo na hindi mo pa talagang lubos na kilala. Dapat mo ring pahalagahan ang mga malalapit sa iyo na may pakinabang ka at may mabuting naidudulot para sa iyong kapakanan. Posible rin namang may kaugnayan ito sa kinakaharap na relasyon o sitwasyon, na pakiwari mo ay wala kang kontrol sa iyong sarili. Dapat kang magpakatatag sa pagdating ng pagsubok, isipin ang iyong mga prayoridad sa buhay, iwaksi ang mga negatibo at mag-focus sa mga positibong bagay.

Kung nawala talaga ang aso mo at hindi pa naibabalik sa iyo, maaaring ito ang rason ng panaginip mo. Lagi mo siyang iniisip at lagi mong inaasam na makabalik na ang alaga mong aso, kaya ito ang nag-trigger kaya mo siya napanaginipan.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Nailandia

Mga lolo at lola, nanay at tatay pinamper ng Nailandia

NAPAKA-BONGGA ng may-ari ng Nailandia Body Spa and Nail Salon na si Noreen Divina. Nag-birthday kasi siya kamakailan …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Alfonso Brandy Alfie Alley FEAT

Alfonso Brandy’s Alfie Alley Year 2 Launch Concludes with Grand Success, Setting the Stage for Nationwide Expansion

LAST Friday night, Pop Up Katipunan was the scene of another milestone gathering as over …

Mr DIY Holi-DIY Spend and Win raffle promo Winners

Mr.DIY awards grand prize winner of the Holi-DIY Spend and Win raffle promo

MR.DIY, the go-to destination for big and small home improvement Familyhan needs, in partnership with …

Dave Almarinez Ara Mina

Dave suportado showbiz career ng asawang si Ara; naglunsad ng bagong ride-hailing app

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SUPORTADO ni Dave Almarinez ang showbiz career ng kanyang asawang si Ara Mina. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *