Thursday , June 4 2026

Alapag saludo sa dating koponan

050115 PBA tnt

TINANGHAL na kampeon ang koponang Talk N Text pagkatapos ng dalawang overtime kontra Rain or Shine sa finale ng PBA Commissioners Cup. (HENRY T. VARGAS)

PARA sa dating beteranong point guard ng Talk n Text na si Jimmy Alapag, wala nang sasarap pa sa pagkakampeon ng kanyang dating koponan kahit hindi na siya naglalaro.

Sa unang conference ni Alapag bilang team manager ng Tropang Texters, nagkampeon sila sa PBA Commissioner’s Cup pagkatapos na makalusot sila kontra Rain or Shine, 121-119, sa double overtime noong Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Matatandaan na nagretiro si Alapag sa paglalaro at ginawa siyang team manager ng TNT pagkatapos na matalo ang Texters sa semifinals ng Philippine Cup nang winalis sila ng San Miguel Beermen.

Naging bayani sa Game 7 si Ranidel de Ocampo na nagtala ng 34 puntos, kabilang ang walo niyang puntos sa ikalawang overtime upang makalayo ang TNT, 114-108.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …