Tuesday , March 10 2026

Blog Layout

Coco malaking blessing kay Aljur 

Coco Martin Aljur Abrenica

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco Martin, ani Aljur Abrenica. Sa isang interview ni Aljur, sinabi nito na mas nakila niya ang sarili nang makasama niya sa proyekto si Coco kaya naman nagpapasalamat ito saactor dahil sa pagbubukas sa kanya ng pinto para masubukan ang pag-aaksiyon. Unang nakasa ni Aljur si …

Read More »

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit ang panibagong online viewership record, kasabay ng pagbubukas nito ng bagong yugto kasama ang mga bagong karakter. Nagtala ang Roja, Martes ng gabi (Enero 27) ng all-time high record na 620,186 peak concurrent online viewers o sabay-sabay na nanonood sa Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube, …

Read More »

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. At base sa opinyon ng mga nakapanood na ng pelikula, may ibubuga sa pag-arte ang foreign actress. Sayang nga lamang at hindi pa nakababalik si Sara sa Pilipinas kaya hindi siya siguro aware na maraming pumuri sa kanya bilang artista sa pelikula. Pero hindi na …

Read More »

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

arrest, posas, fingerprints

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan ng cash-in transaction sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan. Batay sa ulat mula kay P/Lt. Col. Gilbert Diaz, hepe ng Bocaue MPS, nakasuot ang suspek at kaniyang kasamahan ng damit na may markang PULIS at nagpakilalang mga alagad ng batas. Nabatid na dumating ang …

Read More »

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

Dead body, feet

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo nang naiulat na nawawala sa bayan ng Pulilan, lalawigan ng Bulacan, habang patuloy na pinaghahanap ang nawawala niyang anak. Nadiskubre ang bangkay dakong 3:30 ng hapon noong Sabado sa isang sapa sa Pulilan–Baliuag Bypass Road, Brgy. Dulong Malabon, sa nabangit na bayan, matapos malanghap ng …

Read More »

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

Alex Eala

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex Eala at tinalo si Himeno Sakatsume ng Japan, 6-4, 6-0, upang makapasok sa quarterfinals ng women’s singles ng Philippine Women’s Open kagabi sa Rizal Memorial Tennis Center. Sa harap ng masiglang home crowd at sa malamig na kondisyon, kontrolado ni Eala ang ikalawang set at …

Read More »

Aga pinaiyak ni Andres;  Charlene, Mommy Elvie kinabahan  

Andres Muhlach Bagets The Musical

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA-IBANG komento ang narinig namin sa pagbibida ni Andres Muhlach sa Bagets, The Musical. May positibo at may negatibo. Pero ang suma, matagumpay na nagampanan ni Andres ang dating pinagbidahan din ng kanyang amang si Aga Muhlach, ang pelikulang Bagets na ipinalabas noong 1984 sa mga sinehan na idinirehe ni Marjo J delos Reyes. Aminado naman ang pamilya ni Andres na hindi pa ganoon …

Read More »

Christof focus sa career, gustong maka-colab sina Ogie at Ely

Christof Roxas

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si Christof, anak nina Gladys Reyes at Christopher Roxas na malaking break sa kanyang musical journey ang pagkakasama sa Star Magic. Isa si Christof sa mga ipinakilala ng Star Magic na bagong alaga nila. At kung sa acting nakilala ang kanyang mga magulang, sa pagkanta naman gustong magpakitang gilas ang binata. “If I were to name one thing that l’m most grateful for …

Read More »

Jordan, Omar, at Lance lakas ng kanilang henerasyon sa teatro

Jordan Andres Omar Uddin Lance Reblando

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGAGALING lahat. Ito ang nasabi namin matapos magparinig ng kanya-kanyang awitin ang tatlong theeater artists ng Star Magic na sina Jordan Andres, Omar Uddin, at Lance Reblando. Wala kang maitatapon sa kanila sa totoo lang, napakahuhusay. Yaman sila ng Star Magic. Sa unang Spotlight presscon ng 2026, itinampok ang tatlo sa mga theater artist ng Star Magic na …

Read More »

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

FDNY China WPS

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at kasapi ng iba’t ibang makabayang organisasyon at non-government organizations, sa harap ng Chinese Embassy upang kondenahin ang patuloy na pananakot at agresibong kilos ng China sa West Philippine Sea. Kinondena ng grupo ang paggamit ng water cannon, pangha-harass, at iba pang coercive actions laban sa …

Read More »