Saturday , December 20 2025

Blog Layout

Roll out ng COVID-19 vaccine patuloy sa Pampanga Frontliners sa top priority ng IATF binakunahan

SA PAGPAPATULOY ng roll-out ng COVID-19 vaccine, isinalang para  mabakunahan ang iba pang Kapampangan frontliners na kabilang sa priority group ng A.1.5 at A.1.6 ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa tulong ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga sa pamumuno nina Governor Dennis “Delta” Pineda at Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda. Kasama sa priority group ng category A.1.5 ang mga government owned …

Read More »

Apartment sinalakay sa Tarlac Ex-parak, 1 pa timbog sa shabu

HINDI nakapiyok ang dating alagad ng batas at kanyang kasamahan nang makompiskahan ng 35 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P238,000 at arestohin ng mga dating kabaro sa inilatag na anti-narcotics operation nitong Martes, 6 Abril, ng mga kawani ng PPDEU Tarlac PPO, at Tarlac City Police Station SDEU, sa kanyang apartment sa lungsod ng Tarlac. Kinilala ni P/Col. …

Read More »

10 sasakyan nagkarambola 2 patay, 15 sugatan (Sa lalawigan ng Quezon)

road accident

BINAWIAN ng buhay ang dalawa katao habang sugatan ang 15 iba pa nang soroin ng isang trak ang siyam na iba pang sasakyan sa lungsod ng Tayabas, lalawigan ng Quezon, nitong Miyerkoles, 7 Abril. Ayon sa ulat ni P/EMSgt. Elmer Maguiat, imbestigador ng Tayabas police, biglang nawalan ng kontrol nang masira ang preno ng isang Isuzu Elf Forward na minamaneho …

Read More »

2 sibilyan pinagbabaril, sundalo arestado (Sa Pangasinan)

gun shot

DINAKIP ng mga awto­ridad ang isang miyembro ng Philippine Army na pinaniniwalaang bumaril sa dalawang sibilyang residente sa lungsod ng Urdaneta, lalawigan ng Pangasinan, nitong Martes ng gabi, 6 Abril. Kinilala ng lokal na pulisya ang suspek na si Private First Class Nicho Argos, 27 anyos, ng Brgy. Dilan Paurido, sa nabanggit na lungsod, na sinabing binaril, gamit ang kanyang …

Read More »

Rapist na most wanted timbog sa Manhunt Charlie Operation

arrest posas

HINDI inakala ng isang wanted na rapist, sa kanyang anim na taong pagtatago ay matutunton at matitimbog ng sama-samang tropa ng PNP-IG RIU3, RID, RIMD, PRO3, PIU, Floridablanca MPS at Guagua Municipal Police Station nitong Martes, 6 Abril, sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng PRO3-PNP sa lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon, ayon sa ulat ni P/Col. …

Read More »

Tindahan ng muwebles nasunog sa Calapan P5-M pinsala naitala

fire sunog bombero

TINATAYANG P5,000,000 ang halaga ng pinsala nang matupok ng apoy ang isang tindahan ng muwebles sa lungsod ng Calapan, lalawigan ng Oriental Mindoro, nitong Miyerkoles ng madaling araw, 7 Abril. Ayon kay Fire Officer 3 Jonjie Gamier, team leader ng mga nagrespondeng bombero mula sa kalapit bayan ng Baco, iniulat ng mga nakasaksi na nagsimula ang sunog sa tindahan sa …

Read More »

18 timbog sa buy bust, manhunt operations 186 ECQ violators nasakote

SUNOD-SUNOD na naaresto ang 18 kataong lumabag sa batas sa pagpapatuloy ng police operations sa lalawigan ng Bulacan habang pinag­dadampot ang umabot sa 186 indibidwal dahil sa paglabag sa Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution No. 106 hanggang nitong Miyer­koles ng umaga, 7 Abril. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, dinakip ng mga …

Read More »

Non-residents, non-essential travels hindi pinalusot sa Bulacan border

SA IKALAWANG linggo ng pagpapa­tupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus, nananatiling mahaba ang pila ng mga sasakyan sa boundary ng North Caloocan at lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan. Naging mahigpit ang ginagawang pagpa­patupad ng Philippine National Police at lokal na pamahalaan ng San Jose del Monte ayon sa resolusyon ng IATF. Tanging …

Read More »

Yam Concepcion responds to fans tagging her leading man Gerald Anderson ‘matinik’

AMINADO si Yam Concepcion that she supposedly felt ill at ease with her leading man Gerald Anderson at the start of their taping. Looking back, she revealed feeling somewhat wary of her leading man during the time when she taped her intimate and daring scenes for their upcoming ABS-CBN teleserye, Init Sa Magdamag. Last March 24, 2021, Star Creatives was …

Read More »

GameOfTheGens, nakatutuwang panoorin!

Fabulous ang response ng mga tao sa GameOfTheGens na umeere sa GTV every Sunday from 8:30 pm and is being hosted by the wacky tandem of Sef Cadayona and Andre Paras. Slowly but surely, tumataas ang viewership nito dahil unti-unting kumakalat ang galing mag-host nina Sef at Andre na effortless ang pagpapatawa at hindi pilit. Sa totoo, Sef and Andre …

Read More »