Tuesday , December 16 2025

Ricci tikom ang bibig sa babaeng nakahubad na dinatnan ni Andrea

Ricci Rivero Andrea Brillantes Nude Girl

MA at PAni Rommel Placente SA interview ni Ricci Rivero sa Fast Talk With Boy Abunda kamakailan, nilinaw niya na hindi niya babae ang nakita ng ex niyang si Andrea Brillantes sa condo unit niya, na nai-video ng young actress at nagpakalat ng video. Isinama lang daw iyon ng kaibigan niya na nagpunta sa condo niya. Naghinala lang daw si Andrea. Kinontra ni Andrea ang pahayag …

Read More »

Pagkahulog ng katawan ni Billy pinagdudahan

Billy Crawford

MA at PAni Rommel Placente MAPAYAT ngayon si Billy Crawford at aware siya na pinagdududahan siya ng iba na gumagamit ng drugs kaya nagkaganoon ang kanyang pangangatawan. Pero depensa ni Billy ayon sa interview sa kanya ng Pep.ph. “Ang daming nagsasabi na ‘adik’ or whatever.  “Una sa lahat, it’s unfair para sabihin sa isang tao kung sino sila and I don’t do drugs. “Pangalawa, …

Read More »

ABS-CBN at ABS-CBN NEWS saludo at nagpupugay kay Mario

Mario Dumaual

NAKIKIRAMAY ang ABS-CBN at ABS-CBN News sa pamilya ng kanilang kasamang si Mario Dumaual. Sa mahigit tatlong dekada na naging bahagi ng ABS-CBN News si Mario, naging institusyon at haligi siya sa pagbabalita sa mundo ng showbiz. Batikan at mahusay na mamamahayag, mapagmalasakit at mabuting kaibigan, at dakilang asawa, ama at kapamilya, isang saludo at pagpupugay sa iyo, Mario. Maraming salamat, Kapamilya sa inyong kontribusyon …

Read More »

Paragua, Frayna mapapalaban sa 2023 FIDE World Cup sa Baku, Azerbaijan

Chess 2023 FIDE World Cup Baku Azerbaijan

MANILA — Mapapalaban sina Grandmaster (GM) Mark Paragua at Woman Grandmaster (WGM) Janelle Mae Frayna sa 2023 FIDE World Cup sa Baku, Azerbaijan na naka-iskedyul mula 29 Hunyo hanggang 25 Agosto. Si Paragua na nakabase sa New York sa Estados Unidos ay nagsasagawa ng kanyang 4th Men’s World Cup stint kasunod ng mga kalipikasyon noong 2005, 2011, at 2013. “I …

Read More »

Fil-Am Michael Ocido bida sa US chess tourney

Tony Aguirre Michael Ocido Dari Castro

ni Marlon Bernardino MANILA — Nangibabaw si Filipino-American Michael Ocido kontra 165 manlalaro sa 7-Round Swiss format para makisalo sa unahang puwesto para sa 2023 Las Vegas International Chess Festival Under -2300 category na ginanap kamakailan sa Rio All-Suite Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada, USA. Si Ocido, mula sa Queens, New York, ay nag-uwi ng premyong $4,500 cash …

Read More »

Las Piñas Bahay Pag-asa ginawaran ng sertipiko ng DSWD

Las Piñas Bahay Pag-asa DSWD

INIANUNSIYO ni Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar na iginawad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Level II Certificate of Accreditation para sa Bahay Pag-asa, isang youth center ng lungsod. Inihayag ng alcalde, tanging ang Las Piñas sa mga lokal na pamahalaan sa katimugang bahagi ng Metro Manila ang nakatanggap ng Level II accreditation mula sa …

Read More »

Sa Malabon
HVI HULI SA P2.1-M SHABU

shabu drug arrest

MAHIGIT P2.1 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa isang tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang high value individual (HVI) matapos masakote sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon City police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong suspek na si Edward Rosario, alyas Nyuk, 36 anyos, auto-mechanic, residente sa Heroes …

Read More »

Kahit nasa hoyo na
KELOT NADISKUBRENG MWP INARESTONG MULI SA VALE

arrest prison

HINDI pa man nagtatagal sa loob ng detention facility, muling dinakip ng mga awtoridad ang 48-anyos lalaki matapos matuklasang wanted sa kasong panggagahasa at panghihipo sa Valenzuela City. Isinilbi ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni P/Lt. Ronald Bautista ang warrant of arrest laban kay Alfredo Bacaro, Jr., residente sa Sulok St., Brgy. Ugong, habang nakadetine …

Read More »

2nd chance kay Frasco  hirit ni Sen. Angara

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

HINIMOK ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang lahat na bigyan ng isa pang pagkakaton si Department of Tourism (DOT) Secretary Maria Esperanza Christina Garcia Frasco kahit pumalpak at binatikos ng mga negatibong komento ang kanilang “Love the Philippines” campaign ads. Ayon kay Angara hindi dapat masayang at mabalewala ang lahat ng ginagawang pagsisikap ini Frasco ukol sa turismo ng …

Read More »

Sa pagbagal ng inflation rate
POLISIYA NG PALASYO KINATIGAN NG KAMARA

Malacañan Kamara Congress

IKINALUGOD ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagbagal ng inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin sa ikalimang sunod na buwan ngayong 2023. Ayon kay Speaker Romualdez, ang naitalang 5.4% inflation rate sa buwan ng Hunyo ay patunay na nagbubunga na ang maayos na pamamahala at epektibong polisiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., …

Read More »

 ‘Palihim na pagpuslit’ ni Dera sa NBI iniimbestigahan

Jad Dera NBI

SINIMULAN ng Senate committee on justice and human rights ang imbestigasyon ukol sa palihim na  paglabas sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility ni Jose Adrian “Jad” Dera. Si Dera ang co-accused ni dating Senador Leila de Lima sa natitira niyang kasong may kaugnayan sa ilegal na droga na umano’y tumakas sa bilangguan at inaresto noong 21 Hunyo kasama …

Read More »

Sa pananambang sa media photog
RETRATO NG 2 SA 5 SUSPEK ISINAPUBLIKO NA NG QCPD

Nicolas Torre QCPD Joshua Abiad Suspect Photo

INILABAS ng Quezon City Police District (QCPD) sa publiko ang larawan ng dalawa sa limang suspek sa pananambang sa photographer ng online media na ikinamatay ng isang batang babae. Sa pulong balitaan kahapon ng hapon, ipinakita ni QCPD District Director, PBrig. Gen. Nicolas Torre III, ang larawan ng dalawa na kuha sa CCTV. Ayon kay Torre, ang isa ay ang …

Read More »

Ilang buwan bago barangay elections
TSERMAN TIKLO SA BARIL, BALA AT GRANADA

070623 Hataw Frontpage

NASAMSAM ng mga awtoridad ang mga baril, bala, at granada sa ipinatupad na search warrant sa bahay ng isang opisyal ng barangay sa Guimba, Nueva Ecija. Sa ulat mula kay PRO3 Regional Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., ang magkasanib na mga operatiba ng Regional Special Operations Group 3, RMFB3, at Guimba MPS na pinamunuan ni P/Lt. Colonel Jay Dimaandal, AFC, …

Read More »

Sa Nueva Ecija
BRGY. CHAIRMAN TIKLO SA BARIL, BALA AT GRANADA

arrest, posas, fingerprints

Nasamsam ng mga awtoridad ang mga baril, bala at granada sa ipinatupad na search warrant sa bahay ng isang opisyal ng barangay sa Guimba, Nueva Ecija. Sa ulat mula kay PRO3 Regional Director PBGeneral Jose S Hidalgo Jr. ang magkasanib na mga operatiba ng Regional Special Operations Group 3, RMFB3 at Guimba MPS na pinamunuan ni PLTColonel Jay C Dimaandal, …

Read More »

Tahimik na bayan pinasok na ng mga kawatan
GOVERNMENT EMPLOYEE BINIKTIMA NG SALISI GANG

DRT Doña Remedios Trinidad Bulacan

Hindi sukat-akalain ng isang ginang na maging ang kanilang bulubunduking bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT) sa Bulacan ay pasukin na rin ng mga naglipanang kawatan na nambibiktima ng mga residente. Ayon kay  Jennie Castro, 53-anyos, empleyada ng PSWDO sa Lungsod ng Malolos, Bulacan, siya ay naging biktima ng ‘Salisi Gang’ sa kanyang restaurant sa Pulong Sampaloc, DRT nitong nakaraang …

Read More »