Tuesday , December 24 2024

Showbiz

Dovie Red, napiling screen name ng Canada-based social media celebrity (Mahilig kasi sa mga red outfit)

Dovie San Andres

KUNG napapansin ninyo, majority ng posted photos ni Dovie San Andres sa kanyang social media account ay nakasuot siya ng red outfit. Kasi ayon pa kay Dovie, since childhood ay mahilig na talaga siya sa kulay pula kaya kahit ‘yung dream house niya na planong ipatayo sa kanyang lote sa Bicol,mula kurtina, ceiling, sofa, dining table, bed, etc., ay red …

Read More »

Gari Escobar magdo-donate ng isolation tents, ginawan ng kanta si Pres. Duterte

MAMIMIGAY ng isolation tents ang singer/songwriter na si Gari Escobar. Actually, nagpapahanap siya ng mga ospital na mabibigyan nito. Aniya, “Iyong tent po, sa grupo ko manggagaling, sa Team Supreme po, project po namin ngayon iyan kasabay na ‘yung pagtulong po sa frontliners natin.” Bukod sa kanyang daily FB live na siya’y nagbibigay pag-asa sa ating mga kababayan sa panahong …

Read More »

Nicolle Ulang, idol sina Angel, Vice, at Tonz

DESIDIDO ang newcomer na si Nicolle Ulang na matupad ang mga pangarap sa buhay at gagawin niyang daan ang showbiz para ito’y maisakatuparan. Hangad niya kasing makatulong sa kanyang pamilya, kaya handa siyang magsakripisyo para rito. Si Nicole ay 17 years old at napabilang sa Top 25 ng Artista Teen Quest ng SMAC TV Production. Siya ay nakalabas na sa TV …

Read More »

Galing ni Kyline sa pakanta, pinusuan sa IG

MULING ipinamalas ni Kyline Alcantara ang husay sa pagkanta sa kanyang recent cover ng hit song na Ngiti.   Pinusuan ng netizens ang cover ni Kyline sa kanyang Instagram at nag-request pa ng mga kanta na pwede niyang awitin.   Abala ngayon si Kyline sa paggawa ng content para sa kanyang YouTube channel. At habang hindi pa siya nagbabalik-taping para sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit, napapanood si Kyline …

Read More »

Babae at Baril ni Janine, pang-opening sa NY Asian Filmfest

PANG-INTERNATIONAL scene talaga ang pelikulang pinagbidahan ni Janine Gutierrez na Babae at Baril na ipinalabas noong 2019.   Ngayong taon, napili ang psycho-thriller film para sa opening ng New York Asian Film Festival na magsisimula sa August 28 hanggang September 12.   Ang tema ng line-up ngayong taon ay women filmmakers at Korean movies.  Inanunsiyo ni Janine ang masayang balita sa kanyang Instagram.   Lahad niya, “So excited and …

Read More »

Nonie Buencamino, saludo sa pamilya Layug

HINANGAAN ni Nonie Buencamino ang tapang at katatagan ng pamilyang Layug. “Nakaramdam ako ng pagmamahal para sa pamilyang ito na puro frontliners. Lahat sila isinugal ang buhay nila para sa kanilang kapwa at para sa kapakanan ng mga pasyente nila, pinipigilan nilang maging emosyonal sa harap ng iba pero tao pa rin sila, natatakot at nagkakasakit. Pero lumaban sila. Hindi sila nagkawatak-watak. …

Read More »

Rhian, isa ng quarantita

DAHIL sa ilang buwan na ring nasa bahay lang muna, maraming new hobbies na nasubukan si Rhian Ramos.   Para maging busy at productive sa bahay, ini-revive ni Rhian ang kanyang YouTube channel para ibahagi sa fans ang iba’t ibang activities na kanyang pinagkakaabalahan.   Ilan sa vlogs na patok sa netizens ay ang kanyang skincare routine, pag-bake ng brownies at pag-tie dye ng …

Read More »

Carmina, ibinuking; ‘di makatulog ‘pag wala si mimi pillow

SA recent YouTube vlog ni Sarap, ‘Di Ba? host Carmina Villarroel, inimbitahan niya ang tatlong nakatatandang kapatid para maglaro ng  How well do you know your sister?.   Dahil nalalapit na ang kaarawan ng Kapuso actress-TV host sa August 17, may inihanda siyang 17 questions para alamin kung sino sa tatlo ang mas nakakikilala sa kanya.   Ibinuking din ng magkakapatid ang ilang detalye tungkol sa kanilang …

Read More »

Chris Tiu, sobrang na-miss ang mga kasamahan sa iBilib

INAMIN ng Kapuso TV host na si Chris Tiu na na-miss niya ang kanyang co-hosts at colleagues sa award-winning infotainment show na  iBilib matapos maantala ang kanilang taping at hindi magkita ng ilang buwan.   Aniya, “I am very excited to go back to work to see my colleagues. This is the longest time we’ve been apart.”   Ngayong Linggo (August 16) ay may masayang fresh …

Read More »

Chef Logro at Chynna, balik-Idol sa Kusina

MAY special run ng fresh episodes ang cooking show na Idol sa Kusina at mapapanood ito sa GMA-7 simula ngayong Linggo (August 16) ng umaga.   Ito ‘yung mga na-tape na episodes nina Chef Boy Logro at Chynna Ortaleza bago ipatupad ang community quarantine. Special guest nila sa fresh episode ngayong Linggo si Vaness del Moral na susundan naman ni Mika Gorospe sa August 23.   Isa ang Idol sa Kusina sa long-standing programs …

Read More »

K-drama adaptation nina Dong at Rhian, finale week na

FINALE week na ng K-drama adaptation ng GMA Network na  Stairway to Heaven. Sa nalalapit nitong pagtatapos, nalaman na ni Cholo (Dingdong Dantes) na nakikipaglaban si Jodi (Rhian Ramos) sa sakit na cancer. Samantala, pipilitin naman ni Maita (Jean Garcia) si Zoila (Sandy Andolong) na pakasalan ni Cholo ang anak na si Eunice (Glaiza de Castro) para hindi mabisto ang sikreto niyang pakiki-apid …

Read More »

Marian, tinawag na tagapagligtas ni Boobay

KUNTENTO na si Marian Rivera sa naganap na simpleng 36th birthday celebration niya last August 12 kasama ang asawang si Digdong Dantes at mga anak na sina Zia at Ziggy.   Sa social media account ni Yan, saad niya, “As I turn another year older today, I’m reminded of how the simplest things can mean the most.   “I’m grateful to be spending this day with my family and …

Read More »

Nick Vera Perez, gustong maka-duet at makasama si Martin

HINDI pa rin nawawala ang pagnanais na maka-duet at makasama sa isang konsiyerto ni  Nick Vera-Perez si Martin Nievera na kanyang iniidolo. Ang husay sa pagkanta ang pagpe-perform sa entablado ang labis-labis na hinahangaan ni Nick kay Martin, kaya naman sa mga susunod niyang konsiyerto sa bansa after ng Covid-19 pandemic kukunin niya si Martin. “Sana makasama ko siya at maka-duet sa concert.” Sobrang …

Read More »

Chili Garlic ni Phoebe Walker, mabenta

Phoebe walker

DAHIL hindi pa rin normal ang takbo ng showbiz dahil sa Covid-19, pansamantalang nahinto ang mga proyektong ginagawa ni Phoebe Walker. ‘Di nga maiwasang malungkot ng Viva artist dahil pansamantalang nausog ang shooting at taping ng kanyang mga proyekto. “Nakakalungkot kasi ‘yung film na ginagawa ko at international series ay parehong nausog ang shooting at taping.   “’Yung pelikula namin ‘di makapag-shooting …

Read More »

Aktor sa BL serye, kompirmadong bading; nakipag-date rin sa 2 matured male models

KOMPIRMADA, talagang bading naman ang isang male star na lumalabas ngayon sa dalawa pang bading serye na ipalalabas sa internet. Isang male star na nakasama niya noon sa TV show ang nagkuwento na noon pa man, nakarelasyon ng bading na male star ang dalawang mas matured na male models. Noong panahong nagsisimula pa lang daw ang bading na male star, nangungutang iyon …

Read More »

Ilang anchors ng dzMM, tatawid ng dzRH at dzBB

DAHIL maliwanag na ang operasyon ng ABS-CBN sa ngayon na sa internet na lang, at sa internet naman ay napakababa ng advertising rates na maaari nilang masingil, medyo sakal maging ang suweldo ng mga naiwan nilang empleado at talent. Kaya naman bukas sa isip nilang maaaring umalis ang mga iyon at lumipat kung may mas magandang offer. Iyong mga artista, hayagan na …

Read More »

Sports car ni Daniel, nabangga (Tricycle driver, binigyan pa ng pera imbes na pagalitan)

USAP-USAPAN ngayon ang mamahaling sports car ni Daniel Padilla, na binangga ng isang tricyle riyan sa may West Fairview sa Quezon City kamakalawa ng hapon. Nang mabangga, bumaba sa kanyang minamanehong sasakyan ang actor, at sa halip na magalit sa medyo takot na tricycle driver dahil alam naman niyon na kasalanan nga niya ang nangyari, nakangiti lang si Daniel. Pinangaralan ang tricycle …

Read More »

Video Home Festival, mga pelikulang pang-quarantine

TIPID. Walang gastos. Kahanga-hanga. Ito ang masasabi namin sa naisip na pagtulong ng magaling na entrepreneur at prodyuser na si Dr. Carl Balita sa mga baguhang filmmaker gayundin sa mga miyembrong kasapi ng Mowelfund sa pamamagitan ng kanyang Video Home Festival. Dahil nga naka-quarantine ang lahat dahil sa pandemya, sa bahay lang ginawa ang 19 short films na kasama sa VHF. Ligtas na wala pang gastos. …

Read More »

Tunay na palaban, malalaman sa The Voice Teens Bakbakan Finale Weekend

NGAYONG weekend (Agosto 15 at 16) na malalaman kung sino sa 12 teen artist ang tunay na palaban sa ikalawang season finale ng The Voice Teens. Magbabakbakan na nga ang Top 12 teen artists sa kakaibang finale na magpe-perform ang top 12 teen artists mula sa kani-kanilang mga bahay. Bagong hamon ito sa kanila dahil kailangan nilang ipahayag ang mensahe at emosyon …

Read More »

Kim Chiu inspired at ang taas ng energy sa kanyang mga eksena sa Love Thy Woman (Malakas pa rin sa Kapamilya Channel, at digital platform ng ABS-CBN)

MUKHANG nalalapit na ang pagwawakas ng teleserye ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN na “Love Thy Woman.” Sa last will and testament ni Adam Wong (Christoper de Leon) kanyang ipinamamahala sa anak na si Jia (Kim Chiu) bilang bagong President at CEO ng kompanyang Dragon Empire kasama ang lahat ng kanyang ari-arian. Pinatay si Adam ng hindi pa nakikilalang killer gayondin …

Read More »

Jana Taladro, wish sundan ang yapak ni Bea Alonzo

SI Jana Taladro ang grand winner ng Artista Teen Quest ng SMAC Television Production. Mula rito ay nabigyan siya ng show na Yes Yes Yow na umeere sa IBC13.   Ayon kay Jana, ibang klaseng experience para sa kanya ang pagsali niya sa Artist Teen Quest.   Pahayag niya, “Sobrang nag-enjoy po ako, ‘tsaka masaya dahil naipakita ko po ‘yung talents ko and nalagpasan …

Read More »

Andrea del Rosario, nag-enjoy sa guesting sa Bawal Na Game Show ng TV5

FIRST time muling nakapag-taping ni Andrea del Rosario mula nang nagkaroon ng lockdown dahil sa coronavirus. Nangyari ito via TV5’s newest game show titled Bawal Na Game Show at ayon sa dating member ng Viva Hot Babe, nag-enjoy siya rito.   “Yes, nag-taping ako kanina, okay naman, at least fun show ‘yung unang show na nakalabas ulit ako. Nakaka good vibes siya… …

Read More »

Arci Muñoz, no time for love!

Arci Muñoz candidly admitted that she is not lucky when it comes to love. “Hindi ako magaling diyan, e. Ginagawa ko na lahat, iniiwan pa rin ako!” she said in an interview. Her last boyfriend was the Chinese businessman Anthony Ng. Their relationship lasted for two years before they finally split early part of 2019. She also had a relationship …

Read More »