Monday , March 16 2026

Showbiz

Daddy ni Onemig boto kay Aiko: siya lang ang kinausap

OneKo Onemig Bondoc Aiko Melendez

MATABILni John Fontanilla HINDI gagawa ng teleserye o pelikula na magkasama sina Onemig Bondoc at District 5 Councilor/Actress Aiko Melendez. May mga offer na nga sa kanila na magsama sa pelikula at teleserye pero tinanggihan ito ng dalawa.  Mas gusto nina Aiko at Onemig (Oneko) na sa Youtube lang sila mapapanood sa kanilang travel vlog ng kanilang mga tagahanga na magkasama. Kuwento ni Aiko, “Hindi. …

Read More »

Pamilya ni Odette Khan nanawagan ng tulong

Odette Khan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMIHINGI ng tulong ang pamilya ng premyadong aktres na si Odette Khan na naka- confine sa National Kidney and Transplant Institute mula pa noong February 21. Ayon kay Claudette Avelino-Tandoc anak ni Ms Odette, na in-upload sa Facebook page ng pelikulang Bar Boys, may pneumonia, emphysema, at edema ang aktres. Tinanggalan din ng fluid ang kanang baga ng aktres bilang bahagi ng patuloy na isinasagawang medical …

Read More »

Arron itinanggi video scandal, video eksena sa Vivamax project

Aaron Villaflor

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINAMON ni Arron Villaflor ang mga netizen na magbigay ng ebidensiya o resibo ng umano’y video scandal niya. Nilinaw ng isa sa bidang aktor ng Pater Noster na ang mga video na ipinakita ay mga eksena sa kanyang Vivamax movie. “Sabi ko, ‘Go! Ipakita ninyo sa akin. Eh lahat ng ipinakita nila, from my Vivamax projects. Ay naku, napakaraming smear campaign. It’s …

Read More »

Sex video ng 4 na aktor pinagpipistahan 

Gil Cuerva Nikko Natividad Aaron Villaflor Ron Angeles

I-FLEXni Jun Nardo SUMABAY sa Big Night ng Pinoy Big Brother Collab 2.0 ang pagiging viral ng apat na aktor dahil umano sa sex video nila na pinagpipistahan sa X at Telegram. For sale at mayroon pang oras kung gaano kahaba ang video, huh! Ang mga nabanggit na aktor ay sina Gil Cuerva, Nikko Natividad, Aaron Villaflor, at Ron Angeles. Buti na lang, hindi lumabas ang balita noong …

Read More »

Alice ibinahagi sikreto ng pagiging mukhang bata 

Alice Dixon

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ni Alice Dixon ang kanyanv sikreto, kung bakit at the age of 56 ay mukha pa rin siyang bata. Post nito sa kanyang Instagram “Noong 21 ako, hot AF din ako. Diet? Cereal, chips, daiquiris. Workout? Dancing til 3AM sa disco. Come back when you’re 50!”  Dagdag pa nito, “Not putting the younglings down, just making a point.” Malaki ang respeto at …

Read More »

Heart ninakawan sa Paris

Heart Evangelista

I-FLEXni Jun Nardo WALA pang ibinibigay na statement galing kay Heart Evangelista kaugnay sa report ni Ogie Diaz na nanakawan sila sa tinirhang bahay sa dinaluhan nilang mag-ina sa Paris Fashion Week. Abangan na lang daw namin sa show niyang Heart World na magsisimula sa March 7. Baka magsalita sa show si Heart tungkol sa nakawang ito. Eh hindi naman malihim si Heart pagdating sa ganitong sitwasyon kaya …

Read More »

Rita Daniela GMA iniwan lumipat sa VAA

Rita Daniela Viva

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM namam daw ng maayos si Rita Daniela sa GMA Artist Center bago lumipat sa Viva Artist Agency (VAA). Pormal nang pumirma ng kontrata si Rita sa VAA matapos manatili sa GMA ng 21 years mula nang madiskubre sa Star Pop Kids  noong 2005. Mula sa pagiging support at kontrabida, naging full pledged leading lady siya nang mag-click ang tandem nila ni Ken Chan. Eh missing …

Read More »

Arjo Atayde: Turismo sa pelikula at telebisyon kayang iangat ang Pilipinas

Arjo Atayde

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANINIWALA si Quezon City Rep. Arjo Atayde na ang turismo sa pelikula at telebisyon ay makatutulong sa Pilipinas na sumikat sa entablado ng mundo at magdala ng mga bagong pagkakataon para lumago ito Sa isang panayam, sinabi ni Arjo na ang kailangang kumilos ngayon ang Pilipinas para hindi mawalan ang malalaking oportunidad sa turismo, trabaho, at pandaigdigang atensyon …

Read More »

Kylie sakaling tumakbong VP si Robin: aalis na ‘ko ng Pilipinas

Kylie Padilla

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG hindi sang-ayon si Kylie Padilla sakaling tumakbo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno ang kanyang amang si Robin Padilla. Nausisa kasi ang aktres tungkol sa posibleng pagtakbo ng kanyang ama sa susunod na national elections sa naganap niyang press conference, sa The Lotto Winners. “Aalis na ‘ko ng Pilipinas,” natatawang sambit ni Kylie. Nang matanong naman si Kylie …

Read More »

Coco nagpasalamat kapwa artistang nagtatanggol sa kanya

Rod Navarro Jr Coco Martin

MA at PAni Rommel Placente KINUHA namin ang reaksiyon ni Coco Martin tungkol sa mga kasamahan niya sa industriya na ipinagtatanggol siya kahit hindi naman niya hinihingi. Ayon kasi kay Rod Navarro Jr. noong nakatrabaho niya si Coco sa seryeng pinagbibidahan nito, hindi raw naging maganda ang treatment sa kanya at mimunura pa raw siya. Sabi ni Coco, “Wala namang time para anuhin (sagutin) ‘yung …

Read More »

Ashtine patutunayan versatile at powerful performer, bibida sa pinakabagong Viva anthology series

Ashtine Olviga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAPAKA-SUWERTE ni Ashtine Olviga dahil agad siyang pinagkatiwalaan ng Viva para magbida sa isang anthology series.  Maihahanay na siya sa mga bigating artista na may ganito ring tema ng panoorin noon tulad nina Maricel Soriano, Charo Santos, Judy Ann Santos at iba pa. Mula sa malaking tagumpay ng Ang Mutya ng Section Eseasons 1 at 2, at sa kanyang big-screen breakthrough sa Minamahal, patuloy …

Read More »

AKTOR, Dingdong naghayag ng suporta sa SPEEd

Dingdong Dantes Iza Calzado SPEEd

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAGUMPAY na nairaos ang ginanap na Induction and Recognition Ceremony ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) noong Martes, Pebrero 24, sa Bayanihan Center ng Unilab sa Pasig City. Maagang nagdatingan ang mga panauhin sa pangunguna nina AKTOR Chairman Dingdong Dantes at President Iza Calzado, MOWELFUND Chairperson Boots Anson-Rodrigo at President Rez Cortez, Fire and Ice Entertainment CEO at founder Direk Ice Seguerra at asawang Liza Diño-Seguerra. Sina Dingdong at Iza ang …

Read More »

Derek nawala pagiging hunk at papable

Derek Ramsay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI naman ang nakapansin na parang nahulog ang katawan ni Derek Ramsay. Parang nawala na ang pagiging “hunk at papable” nito bukod pa nga sa siya na talaga (kasama ninaRyan Eigenmann at Boom Labrusca) ang maituturing na “50” sa grupo ng mga naglaro sa MVPO. Sa panayam ng ilang mga kapatid sa media, consistent si Papa D sa pagbibigay ng …

Read More »

Dylan Menor bucket list makapaglaro ng basketball sa Araneta

Dylan Menor

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SANDALI naming nakahuntahan si Dylan Menor after the event. Kahit natalo sila ng one point ng mga kaibigang artists, hindi na raw niya makalilimutan ang pangyayari lalo’t natupad na naman ang isa mga childhood dream niya. “Grabe, I could not be happier and more satisfied. Bata pa lang ako ay pangarap ko nang makatuntong sa court ng Araneta, …

Read More »

Coco inialay kay Julia napanalunang award

Coco Martin Julia Montes PAFTA

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa thank you speech ng ni Coco Martin nang manalong Best Actor  sa katatapos na 1st Philippine Arts Film & Television Inc (PAFTA)  kamakailan. Pinasalamatan kasi nito si Julia Montes. “Nagpapasalamat po ako sa aking pamilya, especially po kay Julia. “Kasi po sa araw-araw sa pag-uwi ko ng bahay, wala na. Sobrang pagod na pagod na ako sa …

Read More »

Rhea Tan at Beautederm ambassadors, nagdiwang ng Chinese New Year

Rhea Tan Beautederm CNY

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MISTULANG naging tradisyon na tuwing sasapit ang Chinese New Year ang masaya at magarbong pagdiriwang nito sa Beautederm Headquarters sa Angeles City, Pampanga. Pinangunahan ng Beautederm founder and CEO Rhea Anicoche Tan ang naturang selebrasyon noong February 17.   Present ang maraming Beautederm ambassadors dito tulad nina Ms. Lorna Tolentino, Belle Dolls ambassador Dennis Trillo, Ejay …

Read More »

Pinky Amador pinanindigan pagpupugay at ‘di pagpapalit ng political color

Pinky Amador Marcos

RATED Rni Rommel Gonzales SINAGOT ni Pinky Amador ang isyu laban sa kanya bilang “kain-suka.” Nag-ugat ito sa pagpunta ni Pinky sa An Evening with the Stars sa Malacañang Palace nitong February 13, 2026. Event ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos. Si Pinky ay kilalang isang Kakampink o supporter ni former Vice-President Leni Robredo. Hayagan kung batikusin ni Pinky ang administrasyon ni …

Read More »

Bunso ni Nora na si Kenneth ikinasal; Lotlot, Matet full support

Kenneth Villamayor Sam de Leon

RATED Rni Rommel Gonzales MASAYA, emotional, at fabulous ang ginanap na kasal nina Kenneth Villamayor, bunsong anak ng Superstar na si Nora Aunor, at ng misis niyang si Sam de Leon Sabado ng gabi, February 21. Ang aktres at ate ni Kenneth na si Lotlot de Leon ang naghatid kay Kenneth patungo kay Pastor John David Auxtero na siyang nag-officiate ng garden wedding. Nasa Amerika para sa …

Read More »

Sagot ni Rhian sa gulong kinasangkutan nila ni Michelle walang dating sa netizens

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

I-FLEXni Jun Nardo NAGLABAS na ng statement si Rhian Ramos through her lawyer kaugnay ng gulong kinasangkutan nila ng kaibigang si Michelle Dee. Pero parang hindi na interesado ang mga tao. Hindi gaya ni Michelle na talagang sumagot at nagdemanda pa kaugnay ng pagdawit sa kanya. Humawak na lang si Rhian sa linyang, “The truth shall set you free!” na gasgas na gasgas na, …

Read More »

Anak ni Wally na si Rome licensed pilot na 

Wally Bayola son pilot Rome

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday gift ang natanggap ni Wally Bayola mula sa kanyang lalaking anak. Isa nang licensed pilot ang anak niyang si Rome at nasa Facebook account ni Wally ang pictures ng anak kasama ang isang light aircraft na siya ang nagpalipad. Of course, ibang Wally ang nakikita sa Eat Bulaga at sa performances nila ng partner niyang si Jose Manalo. Pero sa likod ng kamera at …

Read More »

Kris kinompirma pagnanakaw ni Alvin ng cellphone: Gusto ko siyang suntukin

Kris Lawrence Alvin Aragon

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINAGOT ni Kris Lawrence ang nailahad kamakailan ni Alvin Aragon, ang pagnanakaw niya ng cellphone ng R&B singer ilang taon na ang nakararaan. Ibinuking kamakailan ng asawa nj Sexbomb Izzy Trazona na kinuha niya ang cellphone ni Kris sa loob mismo ng bahay niyon. “Noong napasok ako sa showbiz, aba roon ako nagnanakaw. Nagnanakaw ako ng cellphone rin. Si Kris Lawrence, …

Read More »

Dong, Iza, mga bigating bituin dumalo sa makasaysayang induction
SPEEd Prexy Tessa Ariola: pagkakaisa, pagtutulungan susi sa matatag na industriya

SPEEd Iza Calzado Dingdong Dantes

ni Allan Sancon ISANG makulay at makasaysayang umaga ang naganap noong Pebrero 24, 2026 sa JY Hall ng The Bayanihan Center ng Unilab para sa Induction and Recognition Ceremony ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd.  Dinaluhan ito ng mga bigating personalidad sa industriya tulad nina Ms Boots Anson-Roa Rodrigo, Rez Cortez, Ice Seguerra, Liza Diño-Seguerra, Pinky Tobiano, MTRCB Chair Lala Sotto, Chris Cahilig at marami pang iba,  …

Read More »

Rochelle hinangaan ng netizens sa ‘di pagpatol sa patutsada ni  Alvin Aragon 

Rochelle Pangilinan Alvin Aragon

MATABILni John Fontanilla HINANGAAN ng netizens ang pagiging tahimik at ‘di pagpatol ni Sexbomb Rochelle Pangilinan sa mga patutsada ni Alvin Aragon. At sa pagsasalita nga ni Alvin ay maraming kapwa nito artista na nadadawit  at marami na rin ang pumatol. Pero mas pinili na lang ni Rochelle na manahimik kaysa makisawsaw pa sa isyu. Ayon nga kay Rochelle, “Hindi lahat ng laban …

Read More »

Aktor’s Dingdong Dantes at Iza Calzado itatalaga mga bagong opisyal ng SPEEd
Seremonya sa Bayanihan Center, mamarkahan ika-10 taon ng grupo ng mga patnugot, pararangalan mga pangunahing partner sa industriya

Dingdong Dantes Iza Calzado

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG makasaysayang kabanata para sa grupo ng Society of Philippine Entertainment Editors(SPEEd) ang magaganap sa Pebrero 24, 2026, 11:00 a.m. na pangungunahan nina AKTOR — League of Filipino Actors Founding President at Chairman Jose Sixto “Dingdong” Dantes III at President Iza Calzado-Wintle ang panunumpa ng mga opisyal ng organisasyon sa Induction and Recognition City Ceremony sa Pasigani City Center. Inaasahan ang pagtitipon ng …

Read More »