Wednesday , April 1 2026

Entertainment

Nadine, sasabak na sa mga sexy role

BUKOD sa mga picture nilang akala mo nagha-honeymoon sa Brazil, hataw din ang labas ng mga sexy picture ni Nadine Lustre na lumalabas sa mismong social media account niya. Maaaring nasa abroad nga siya at ang naglalabas niyon ay ang kanyang account administrator, pero sigurado pinayagan niya ang paglalabas niyon. Mukha ngang desidido si Nadine na sa kanyang pagbabalik, susubukan na niya …

Read More »

Jiro, sabit lang sa gulo?

KUNG totoo ang sinasabi ng ilang testigo na naglabas ng kanilang nakita sa social media, aba eh kawawa nga si Jiro Manio. Si Jiro ay nakakulong ngayon sa Marikina Police Station matapos na siya ay sampahan ng kasong frustrated homicide, matapos na sinasabing saksakin niya ang biktimang kinilalang si Zeus Doctolero. Ayon sa report ng pulisya, sinugod daw ni Jiro si Doctolero …

Read More »

Anak suportado ni Dovie San Andres… Robin Padilla gustong makasama sa pelikula ni Elrey Binoe Alecxander

Kaysa ibigay ang suporta sa mga pekeng guy na binobola lang siya, desidedo si Dovie San Andres, sa pag-build-up sa guwapong anak na si Elrey Binoe Alecxander na nasa poder niya sa Canada. Ayon kay Dovie, bata pa lang si Elrey Binoe ay gusto na talaga nitong mag-artista. Kasi naunsyami ang supposedly first movie nila ng kanyang Mommy Dovie dahil …

Read More »

Prizes All The Way goes to Cebu City

Nakaabot na sa Barangay Kamputhaw, Cebu City ang isa sa patok na Game contests sa Eat Bulaga na “Prizes All The Way.” Yes dahil Fiesta ng Sinulog, ang mga kababayan natin sa Cebu ang pinasaya nina Wally Bayola, Echo, at DJ Malaya sa pamamagitan ng Iba’t ibang malalaking premyong bitbit nila na nasa tatlong box, na masuwerteng nabuksan ang kandado …

Read More »

Francine Garcia, naka-relate sa role sa Ipaglaban Mo

TATAMPUKAN ni Francine Garcia ang special episode ng Ipaglaban Mo ng ABS CBN na mapapanood sa January 25, pagkatapos ng It’s Showtime. Kuwento ito ng isang transgender na ipinaglalaban ang kanyang karapatang mabuhay sa piniling seksuwalidad. “Iyong episode namin sa Ipaglaban Mo is about paano lumalaban ang isang transgender para sa karapatan niya na mabuhay sa kasarian na pinili niya at magmahal nang normal …

Read More »

Diane de Mesa, swak bilang Princess of Love Songs

ISANG talented na singer-songwriter si Diane de Mesa na mahigit dalawang dekada nang nakabase sa Bay Area, California, USA. Ang Pinay na tinaguriang Princess of Love Songs ay isang Registered Nurse na tubong Olongapo. Si Diane ay naka-apat na album na sa US at wish niya na mas makilala ng mga kaba­bayan dito sa Filipinas. “Iyon ang plano ko, na …

Read More »

Malvar shooting, naapektuhan ng pagsabog ng Taal; 20,000 surgical mask, ipamamahagi

ITINIGIL muna ang location shooting para sa historical movie na Malvar, ang pelikula tungkol sa buhay ng bayaning si Heneral Miguel Malvar na pagbibidahan ni Sen. Manny Pacquiao. Ito’y dahil na rin sa biglang pagputok ng Taal volcano. Ilan kasi sa mga lugar na pagsusyutingan ng Malvar ay ang Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal na direktang apektado ng pagsabog ng bulkan. Ayon sa may-ari ng JMV Production na …

Read More »

Ate Vi sa mga Batagueño — babangon tayo! (Pagiging madasalin ng mga Batagueño, makatutulong)

“BABANGON tayo!”, ang sinasabi ni Congress­woman Vilma Santos sa lahat ng evancuation centers na pinupuntahan niya, hindi lang sa kanyang distrito sa Lipa maging sa iba’t ibang lugar sa Batangas. Aminado rin naman siya na sa buong siyam na taong siya ang governor ng Batangas, isa sa lagi niyang ipinagdarasal ay huwag pumutok ang Taal. “Alam ko kasi malaking problema iyan para …

Read More »

Serye ni Alden, ‘di na nakaangat; Inilampaso ng Lizquen matapos ni Juday

KAWAWA naman ang serye ni Alden Richards. Noong nakaraang linggo lamang ay sinasabing inilampaso iyon sa ratings ng pagtatapos ng nakalaban niyang teleserye ni Judy Ann Santos. Ngayon naman sinasabing inilalampaso iyon sa ratings ng teleserye ng LizQuen. Ano pa nga ba ang magagawa nila para hindi naman magmukhang kawawa si Alden sa pagtatapos ng kanyang serye? Ini-extend pa raw iyon ng isang …

Read More »

KathNiel, ‘di iiwan ang Kapamilya Network; teleserye at pelikula, nakalinya na

MANANATILING Kapamilya ang onscreen love team at real life sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos silang mag-renew at pumirma ng tatlong taong kontrata sa ABS-CBN nitong Miyerkoles, Enero 15. Matapos magkahiwalay sa mga proyekto ng mahigit isang taon, ibinahagi ng phenomenal box office couple ang kanilang sentimyentobsa kung anong dapat abangan ng kanilang fans ngayong magbabalik-telebisyon na sila at bibida sa kanilang …

Read More »

Julia Montes, balik-showbiz na

“SOMETIMES, some people are just worth the wait. Welcome back! #24/7 #Exterminate.” Ito ang post ng Dreamscape Entertaimment business unit head, Deo T. Endrinal sa litratong magkasama sila ni Julia Montes kahapon ng umaga. Yes, magiging aktibo na ulit sa showbiz ang aktres na mahigit isang taong nagbakasyon simula pa last quarter ng 2018. Matatandaang nagbakasyon si Julia sa Germany noong 2018 para makasama ang amang si Martin Schinittka at …

Read More »

Direk Romm Burlat, muling kinilala ang husay bilang director

Romm Burlat

MULING kinilala ang husay ni Direk Romm Burlat nang manalo siyang Best Director sa 16th We Care International Film Festival sa New Delhi, India para sa pelikulang Ama Ka Ng Anak Mo. Ito ang kanyang 7th international award. Bago ang pagkilala sa kanya sa 16th We Care International Film Festival, anim sa kanyang pelikula, namely Cuckoo, Beki’t Ako, Akay,  Sindi, at Ama Ka Ng Anak ang …

Read More »

Pamilya Muhlach, proud sa tagumpay ni Aga

SINABI ni Alex Muhlach na tiyak na matutuwa ang yumaong ama ni Aga Muhlach, si Cheng sa naging resulta ng pelikula ni Aga, ang Miracle in Cell No. 7 na nanguna sa katatapos na Metro Manila Film Festival. Hindi rin kasi akalain ng pamilya Muhlach na magiging box office ang actor at nalaglag at natalo si Vice Ganda na kung ilang taon nang namamayani ang pangunguna sa box office. Mabait …

Read More »

Yeng, mabilis nakapagpiyansa

HINDI makukulong ang singer-actress na si Yeng Constantino dahil lang sa warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court (RTC) ng Dapa, Surigao del Norte para sa cyber libel case na isinampa laban sa kanya ng isang doktora sa nasabing probinsiya. Nakapagpiyansa (bail) na siya sa pamamagitan ng isang bigating abogada: si Atty. Joji Alonzo na kilalang-kilala rin bilang …

Read More »

Hiro, na-enjoy ang guesting sa Bubble Gang

Hiro Nishiuchi

NA-ENJOY nang husto ng Japanese beauty queen and actress na si Hiro Nichiuchi ang kanyang guesting stint sa Bubble Gang! Hindi naman nahirapan si Hiro sa pagge-guest niya sa number one comedy show sa Pilipinas, in fact, sa isang segment nga ng Bubble Gang na may game ay tinalo pa ni Hiro sa paglalaro ang mga artistang mainstay ng BG! …

Read More »

SB19 sa kasikatang tinatamasa — Sobrang overwhelm, ‘di namin ine-expect

TAONG 2018 inilunsad ang grupong SB19, kauna-unahang Pinoy K-Pop group na tinitilian ngayon ng millennials, sa pamamagitan ng kanilang single na Tilaluha at July 2019 naman sila pormal na inilunsad kasabay ang second single na Go Up. Pero napakabilis ng kanilang pagsikat at pag-arangkada hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng universe. Sila ang kauna-unahang Filipino …

Read More »

GGV, iginiit — Villar, ‘di kailanman nag-guest para ipromote ang cryptocurrency trading program

ITINANGGI ni dating Senate President Manny Villar na ineendoso niya ang cryptocurrency trading program. Kasunod ito ng pagkalat sa social media na sinusuportahan niya ang programang ito na tinalakay niya nang mag-guest sa Gandang Gabi Vice. Agad pinasinungalingan ni Villar ang balita at sinabing isang scam ang kumalat sa social media. Ani Villar sa isang post sa Facebook, “I wish …

Read More »

Make It With You pilot episode, hataw agad; Liza at Enrique, masarap panoorin

ANG ganda ng pilot episode ng Make It With You at ang ganda-ganda ng Croatia, ang sarap panoorin tapos ang ganda at ang guwapo pa ng mga bidang sina Liza Soberano at Enrique Gil. Galing Manila si Enrique at may tinakasan hanggang sa naging biktima ng human trafficking at nang magkaroon ng check point ay nagawa niyang tumakas hanggang sa napadpad sa lugar kung saan …

Read More »

D’Ninang, aarangkada na sa Enero 22

ILANG tulog na lang at mapapanood na ang D’Ninang ni Ai Ai de las Alas sa Enero 22 mula sa Regal Films na idinirehe ni GB Sampedro. Si Ai Ai ay si Ditas, reyna ng mga magnanakaw. Tinaguriang Ninang ng mga alaga niyang tulisan sa teritoryong Cubao—mga batang hamog, budol-budol, snatcher, akyat-bahay, bukas-kotse, atbp.. Mabait, malakas ang pananalig sa Diyos, at may prinsipyo. Ang pagnanakaw para …

Read More »