SA exclusive interview ng GMANetwork.com kay Ken Chan, ibinahagi ng Kapuso actor ang kanyang paghanga sa babaeng hindi takot magpahayag ng kanilang nararamdaman sa taong gusto nila. “Sobrang bilib ako sa mga babaeng malakas ang loob na gumawa ng first move kapag mayroon silang isang tao na nagugustuhan. Kasi ako personally, bilang isang lalaki, duwag ako sa ganyan eh. Mahiyain kasi talaga …
Read More »Sheena Halili, 13 weeks nang buntis
“AND now we’re three! #13weeks.” Ito ang inanunsiyo ng Kapuso artist na si Sheena Halili sa kanyang Instagram post noong Sabado. Inulan naman ng positive feedback at well-wishes mula sa netizens, fans, at kapwa celebrities ang pagdadalang-tao ng aktres. Kasama sa mga bumati kay Sheena ang mga Kapuso star na sina Carla Abellana, Glaiza de Castro, LJ Reyes, Thia Thomalla, at marami pang iba. Glowing sa mga …
Read More »Sanya at Jak, bonding time ang pagti-TikTok
ALIW na aliw ang netizens sa mga TikTok videos ng Bida-bida sibs na sina Sanya Lopez at Jak Roberto. Sa bago nilang kulitan video na mapapanood sa kanilang YouTube channel, ipinakita na nagsisilbing dance instructor ni Sanya ang kapatid na si Jak. Sey ng aktres, “Nagpaturo ako sa bida bida kong kuya ng mga dance challenge sa TikTok, eto kinalabasan. Medyo parang mas litong-lito s’ya sa ‘kin haha.” Nakatutuwang panoorin …
Read More »Yasser Marta, na-miss ang pagmo-motor
MARAMING na-miss habang nasa bahay lamang ang Kapuso hunk at isa sa cast ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit na si Yasser Marta. Isa rito ang pagmo-motor. Aniya, “For me naman, kahit hindi GCQ or ECQ, parang ito na rin ‘yung normal para sa akin. “Sa bahay lang din ako madalas, mahilig lang ako mag-playstation, tapos ‘yung labas ko para sa gym lang. “Pero dahil mahilig …
Read More »Sylvia, miss na ang taping at paggawa ng pelikula
ISA sa nami-miss ng mahusay na aktres na si Sylvia Sanchez ang pagti-taping at paggawa ng pelikula lalo’t sanay ito na ratsada sa trabahong ito. Pero dahil sa Covid-19 pandemic, pansamantalang nahinto ang taping at shooting ng pelikula lalo nang ma-test na positive sa Covid-19 at kalaunan ay mabilis namang gumaling. At sa paggaling nito at nakapagpahinga ng maayos ay muli siyang …
Read More »Rei Tan, ibinigay ang Hermes Birkin bag at Christian Louboutin shoes para sa Shop & Share 2020
NASA sistema na talaga ni Ms. Rei Tan, CEO/President ng Beautederm ang pagiging matulungin. Pagkatapos niyang ipa-auction ang mga branded collection na mga personal niyang gamit, na ang kinita ay ipinantulong sa mga frontliner at mga biktima ng Covid-19, heto’t nakibahagi naman siya sa online auction ng magkaibigang Angel Locsin at Anne Curtis na Shop & Share 2020. Ang proyekto ay naglalayong makalikom ng pondo para ipambili ng test kits para sa …
Read More »Ben Tulfo, sinagot ni Lauren Young
SINAGOT ni Lauren Young ang post ni Ben Tulfo sa kanyang Twitter account, na ang seksing pananamit ng isang babae ang nag-uudyok sa rapists na gumawa ng krimen. Ayon sa comment ng aktres, published as is, “I was at a bar in Boracay, sober, with my friends and a guy kept harrassing everyone there. He kept talking to me and bothering me and just grabbed my boobs out …
Read More »Gov. Daniel, hinigpitan pa ang mga pumapasok at lumalabas sa Bulacan
MAKATUTULONG ng malaki kung patuloy na hihigpitan ang pagpasok at paglabas sa Bulacan. Sa ganitong sistema kasi, maiiwasan ang pagkakaroon o pagkakahawa ng Covid-19. Ayaw ni Gov. Daniel Fernando na lumawak pa ang lugar na apektado ng Covid-19. Noong nakaraang birthday ni Gov. Daniel malungkot siya dahil hindi na kasama ang loving mother, si Nanay Luningning dahil yumao na ito. Eh palagi pa naman …
Read More »Bong, masuwerte kay Mang Ramon
MASAYA si Sen. Bong Revilla dahil dininig ang pakiusap niyang panalangin para makaligtas ang kanyang amang politiko si Mang Ramon. Binantayan talaga ni Bong ang kanyang ama sa ospital. Masuwerte si Bong dahil sa katayuan niyang may pamilya at apo na mayroon pa siyang ama na nakakausap at hingahan ng mga problema. Edad 95 na si Mang Ramon at bibihira ang umaabot sa …
Read More »Coco, imposibleng maghirap
MARAMI ang nagsasabi na kahit may Covid-19, hindi makararamdam ng paghihirap sa pera si Coco Martin kaya may mga nag-react noong sabihin niyang paano sila kapag nawalan ng trabaho sa isinarang network, ang ABS-CBN? Marami siyang kinita sa Ang Probinsyano na almost five years na sa ere. Ipinaramdam kasi ng actor ang kahirapang daranasin ng mga manggagawa sa ABS-CBN na mawawalan ng trabaho. Walang …
Read More »BTS ng South Korea, pinakamatagumpay na boyband sa buong mundo
ANG BTS ng South Korea na pala ang itinuturing na pinakasikat at pinakamatagumpay na boyband sa buong mundo ngayong 2020, lalo na sa Amerika. At dahil mga banyaga sila sa Estados Unidos, ang tagumpay nila ay ikinukompara sa tagumpay ng Beatles mula noong 1960s hanggang 1970s. Sa England nagmula ang Beatles. Ano ba ang ipiniprisinta ng pop music historians na mga ebidensiya na ang …
Read More »Captain Ri sa Smart TV commercial: priceless investment!
KUNG posts sa social media platforms ang pag-uusapan, masasabing ngayon ang panahon na naungusan ng Smart-PLDT ang Globe rito sa bansa. At ‘yon ay hindi dahil sa endorsement ng isang Pinoy celebrity at sa halip ay dahil sa isang South Korean idol: si Hyun Bin, ang Captain Ri ng Korean series na Crash Landing On You na naging hit sa South Korea, sa Pilipinas, sa Amerika, at iba pang …
Read More »Son Ye-Jin ng CLOY, Most Beautiful Woman of the World
HINDI lang naman pala si Hyun Bin ang sikat sa buong mundo ngayon dahil sa pagbibida n’ya sa South Korean serye na Crash Landing on You kundi pati na ang leading lady n’yang si Son Ye-Jin. Ayon sa website ng Rojak Daily, nagwagi si Son na Most Beautiful Woman 2020 sa isang International online poll (botohan sa pamamagitan ng social media at mga balota) na isinagawa ng Top 100 …
Read More »TonJuls, may bagong teleserye; Tony, magde-daring sa BL
HAYAN magbubunyi na ang supporters nina Tony Labrusca at Julia Barretto dahil may bago na silang teleserye pagkatapos ng 7-episode digital series nilang I Am U na palabas sa iWant ngayon mula sa Dreamscape Digital Entertainment at IdeaFirst Company na idinirehe ni Dwein Baltazar. Ang bagong teleserye nina Tony at Julia ay Cara y Cruz mula sa unit ni Direk Ruel S. Bayani na nakatakdang mag-shoot sa susunod na buwan at kasama rin sina Ronnie Alonte, Loisa Andalio, Barbie Imperial, Heaven …
Read More »Nadine at James, nag-lock-in dahil sa album
EXCITED na ang award winning actress na si Nadine Lustre sa kanyang bagong full-length album under Careless Music na pag-aari ni James Reid. Ayon kay Nadine sa isang interview, malapit na malapit nang matapos ang album dahil talagang naglaan sila ng “lock-in” period para rito na maglalaman ng at least 13 tracks. Dagdag pa ni Nadine, ”Isa itong message album na maaaring pakinggan ng mga taong …
Read More »Julian Trono, maipagmamalaking kabataan
ISA sa maipagmamalalaking kabataan sa bansa ay ang Viva star/SK Chairman na si Julian Trono na hindi nagdamot ng oras at panahon para tumulong sa ating magigiting na frontliners at kababayan sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic. Hindi alintana ni Julian ang posibilidad na magkaroon ng Covid-19 sa bawat lugar na puntahan nito kasama ang kanyang grupo para makatulong sa abot ng kanilang makakaya. Libo-libong …
Read More »ABS-CBN, napapanood na
SA napanood namin noong isang araw, parang wala namang nabago. Parang nariyan pa rin ang Channel 2. Siguro kasi nga naka-cable kami at ang ginagamit na frequency ng Kapamilya Channel ay iyon ding naka-assign noon sa Channel 2 ng ABS-CBN. Iyon namang dzMM, inalis lang nila ang call sign na dzMM, pero iyon pa rin ang Teleradyo nila. Ang naiba nga lang ay iyong kanilang …
Read More »Janine, ‘di totoong binabanatan si Vilma
MUKHANG unfair naman iyong sinasabi nilang binabanatan ni Janine Gutierrez si Congw. Vilma Santos dahil, ”natural apo iyan ni Nora Aunor.” In the first place, palagay namin matagal nang natapos ang kompetisyon kina Nora Aunor at Vilma. Hindi na kasi sila iyong artistang nag-aagawan sa popularidad. Si Nora siguro, tanggap na niya iyong hindi na siya makakakanta pang muli, at indie na lang ang mga pelikula niya. …
Read More »Aktor, mabili kahit uncut at P30K ang presyo
BAGO pa man pumasok sa showbiz ang male starlet na iyan, mayroon na siyang nagawang mga sex video. Naging model din kasi siya noon at “marami na ring natutuhan.” Ngayon, hindi lang sex video ang sinasabi tungkol sa kanya. Dahil wala ngang trabaho ang mga artista, at maging ang mga modelo sa ngayon, aba eh suma-sideline na rin pala siya kahit na …
Read More »Ai Ai pinalagan, pagta-tax sa mga online seller
PINALAGAN ni Ai Ai de las Alas ang naglabasang reports na bubuwisan ang dumaming on-line sellers nitong panahon ng pandemic. Ang pagbebenta ng ube-cheese pandesal at ibang tinapay ang pinagkakaabalahan ni Ai Ai nitong quarantine dahil nawalan din siya ng trabaho at natigil ang kita ng kanyang resto business. Bahagi ng banat ng Comedy Queen sa Instagram account, ”Para po sa aming maliliit na …
Read More »Jen sa nakaambang tax sa online sellers — ‘Wag muna ang mga Pinoy
MUSIKA ang pumupuno sa lambingan ng magsing-irog na Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. At kahit pa nga nakasalang na sila sa ilang shows at concerts sa entablado, hindi pa rin sold si Jen na she can really sing. Sa kanyang social media accounts, manaka-naka ngayong makababasa ng mga opinyon ng aktres sa mga kaganapan sa paligid. “Nakakalungkot na pati pa pala online …
Read More »Angel naiyak, emosyonal; tulong para sa network, hiniling
SA ginanap na virtual presscon para sa programang Iba ‘Yan ni Angel Locsin na nag-pilot kagabi, 6:15 p.m., sa Kapamilya Channel sa Sky Cable, GSAT, at PCTA cable channel ay natanong namin ang dalaga kung paano siya napapayag mag-host dahil sa pagkakakilala namin sa kanya, ayaw na ayaw niya ang hosting job. `Napangiti ang aktres, ”oo nga, kilalang-kilala mo na talaga ako ‘Te Reg. Oo ayaw na …
Read More »Sheryl Cruz, tuloy na ang pagpapainit sa television with Kapuso hunky actor na si Jeric Gonzales
MAY nanliligaw kay Sheryl Cruz pero wala siyang love life ngayon. At ayos lang naman ito kay Sheryl lalo’t ang priority niya ay kanyang dalagitang si Ashley at career sa GMA 7 na malapit nang magbalik sa ere ang teleserye nila nina Klea Pineda at nail-link sa kanyang Kapuso hunky actor-singer na si Jeric Gonzales. Yes as we heard ngayong …
Read More »Silab movie ni Direk Reyno Oposa ilalaban sa international film festival
Pare-parehong excited si Direk Reyno Oposa at kanyang associate directors na sina Buboy Pioquinto at Direk Jessamine Rhae Maranan sa kanilang independent film offering na “SILAB” na pinagbibidahan ng mga baguhang actors na sina JV Cain at sexy actress na si Mia Aquino na naturingang newcomers pero parehong mahuhusay umarte. Masyadong maselan ang tema ng movie na “incest” na sa …
Read More »Richard Quan, nagwagi ng International Best Actor award para sa The Spiders’ Man
MINSAN pang pinatunayan ni Richard Quan ang husay bilang actor nang makamit niya ang panibagong acting recognition bilang Best Actor sa Accolade Global Film Competition 2020 para sa pelikulang The Spiders’ Man. Pinamahalaan at tinampukan din ni Direk Ruben Maria Soriquez, nanalo rin siya sa naturang award giving body bilang Best Director at Best Supporting Actor. Wagi rin ito bilang Best Feature …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com