Tuesday , December 7 2021

Nella Marie Dizon, isa sa tampok sa iWant mini-series na Beauty Queens

ISA si Nella Marie Dizon sa tampok sa iWant mini-series na pinamagatang Beauty Queens. Gumaganap dito si Nella Marie bilang batang Gloria Diaz. Bukod sa dating Miss Universe at kay Nella, tampok din sa serye sina Maxine Medina, Winwyn Marquez, Maris Racal, Ross Pesigan, at marami pang iba.

Si Ms. Gloria ay gumaganap dito bilang si Dahlia Rodriguez, isang babaeng puno ng kagandahan at talento ngunit mayroong madilim na nakaraan at malungkot na kabataan.

Si Maris naman ay si Tarsila Rodriguez, ang original beauty queen sa pamilya na naging Carnival Queen noong 1939. Sa kanyang maamong mukha at kagandahan, nakatago ang mapait niyang karanasan sa mapang-abusong asawa na itinuring lamang siyang “trophy wife”. Siya ang nagtanim sa isip ni Dahlia (Gloria) na huwag magpaapi at magpakatalino.

Ang Beauty Queens na isang iWant original ay mula sa pamamahala ng batikang director na si Joel Lamangan at sa panulat ni Eric Ramos. Ito ay mula sa ATD Entertainment Productions.

Ang serye ay magsisimula ng streaming ngayong Wednesday, July 15 para sa episode 1, 2, at 3 and sa July 17 para sa episode 4, 5 at 6. Sa July 29 naman ang simula nito sa TFC online.

Kaabang-abang na makita sa serye na magkakasama ang real life queens na sina Miss Universe 1969 Ms. Gloria, Reina Hispanoamericana 2017 na si Wynwyn, at ang Miss Universe Philippines 2016 na si Maxine.

Bagay na bagay kay Nella Marie ang role bilang batang Gloria Diaz. Actually, may hawig siya sa dating Ms. Universe noong kabataan nito.

Si Nella ay unang sumabak sa pag-arte sa harap ng camera noong siya ay pitong taong gulang sa pelikulang Marino, bilang anak ng nina Allen Dizon at Ara Mina. Paglipas ng sampung taon, ngayon ay dalagita na siya sa gulang na 17 at tila mas handa nang maging aktibo sa mundo ng showbiz.

Napanood din si Nella sa award-winning movie ng Heaven’s Best Entertainment Productions na Rainbow’s Sunset, entry sa 2018 Metro Manila Film Festival na tinampukan nina Eddie Garcia, Gloria Romero, at Tony Mabesa, Aiko Melendez, Tirso Cruz III, at Sunshine Dizon.

Nagpatikim si Nella ng dapat asahan sa kanilang mini-series.

Esplika niya, “Beauty Queens is about the story of a family po, particularly family po ni Ms. Gloria Diaz which plays the role of Dahlia. So ipapakita po niya rito kung ano… it will show her past. It will show what happened to her para matamasa ang mga mangyayari ngayon.

“It will also circle around their children and what their lives are like po and conflicts po around their family, ganoon.”

Saad pa ni Nella, “So, my character naman po in this series is the young Dahlia Rivera. So, ako po yung bata di ba? My role is, she’s a very strong woman. Tinuruan po siya ng nanay niya na huwag po siyang magpapa-api sa ibang tao. To always use her beauty and her brains to basically get what she needs and what she wants, para po like, hindi po siya matulad sa nanay niya.

“But basically, she is a very headstrong woman. So yun po yung role na gagampanan ko and sana po, nagampanan ko naman po nang maayos.”

Nabanggit din ng eldest daughter ng award-winning actor na si Allen Dizon kung ano’ng klaseng katrabaho ang mga totoong beauty queens na nasa seryeng ito.

“So siyempre po, para sa akin, nakaka-pressure. Siyempre po gagampanan kong role is a beauty queen, so dapat makuha ko po yung parang poise nila, the way they bring themselves, ganoon. That’s why medyo na-pressure po ako, pero at the end of the day, nakaya naman po,” sambit pa ni Nella.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Blind Item, showbiz gay, male stars models

Maimpluwensiyang showbiz gay trip i-video ang kakaibang ‘date’

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng loob ng isang showbiz gay. Mukhang marami na siyang naiipong pictures at …

Tony Labrusca

Tony Labrusca bumaba ang popularidad

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN lang namin, mukhang napakabilis yata ng pagbaba ng popularidad ni Tony Labrusca. May …

James Reid Nadine Lustre Jadine Ikea

Career nina James-Nadine mag-survive kaya kahit hiwalay na?

HATAWANni Ed de Leon NAKITA sina James Reid at Nadine Lustre sa isang shop noong isang araw, pero maliwanag namang hindi sila magkasama. …

Albie Casino, Andi Eigenmann, Jake Ejercito

Albie milyon ang nawala dahil kay Andi

MA at PAni Rommel Placente NAIINTINDIHAN na namin kung bakit hanggang ngayon ay galit at …

Blind Item, Man Woman Fighting

Aktor at aktres panay ang dyombagan

FACT SHEETni Reggee Bonoan AWAY-BATI ang drama ng magkarelasyon na ito at matindi silang mag-away dahil …

Leave a Reply