Wednesday , February 4 2026

Entertainment

Bamboo unang coach na nakakompleto ng team sa The Voice Kids

Bamboo Camp Kawayan The Voice Kids

NALALAPIT na ang pagtatapos ng mga blind audition nang unang mapuno ni Bamboo ang kanyang team na Kamp Kawayan na kinabibilangan ng 18 miyembro sa The Voice Kids noong Linggo (Abril 2). Malugod na tinanggap ni Bamboo ang dalawang kalahok na nakakompleto ng kanyang team na sina Ma. Christina Aguilar ng Nueva Ecija at Abigail Libosada ng Bukidnon, kapwa 12-anyos. “I will put you in a comfortable position where you …

Read More »

Khimo, Kice, Raymond wagi sa I Can See Your Voice

Khimo Gumatay Kice Raymond Lauchengco

MATAGUMPAY na nahulaan nina Khimo Gumatay, Kice, at Raymond Lauchenco ang SEEnger noong Sabado (Abril 1) at Linggo (Abril 2) sa I Can See Your Voice. Nakapag-uwi ng parehas na P25,000 ang financial adviser at nangangarap maging seaman na si Jayson Ilano na napili ng dating Idol PH contestants at ang 50-anyos na guro naman na si Lorena dela Cruz na napusuan ni Raymond.  Sa Linggo (Abril 9), alamin …

Read More »

Mga pelikula at programang Rated “G” at/o “PG” lamang ang maaring ipalabas sa mga pampublikong sasakyan

MTRCB

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PINAALALAHANAN ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang lahat ng mga operator ng mga pampublikong sasakyan na tanging mga pelikula at palabas sa telebisyon na may “G” at/o “PG” rating lamang ang pinahihintulutang ipalabas sa loob ng mga pampublikong sasakyan. Nakasaad sa MTRCB Memorandum Sirkular Blg. 09-2011 na ang lahat ng mga pampublikong sasakyan …

Read More »

Kaladkaren inalalayan si Enchong sa pagganap bilang transwoman

Enchong Dee KaladKaren

COOL JOE!ni Joe Barrameda HINDI namin napanood ang Here Comes The Bride pero mas riot daw itong Here Comes The Groom.  Mukhang maraming maaaliw na manonood sa upcoming Summer Metro Manila Film Festival at first time itong mangyayari huh, Walang inisip si Enchong Dee at agad niyang tinanggap ang offer ni Atty Joji Alonzo sa role na inialok sa kanya na magiging transgender kahit wala pa siyang experience sa …

Read More »

Ate Vi hindi nagdalawang-isip sa pagbabalik-pelikula

Vilma Santos Christopher de Leon

COOL JOE!ni Joe Barrameda MATAPOS ang pitong taon ay muling nagbabalik ang Star For Al Season na si Ms Vilma Santos. At ang maganda pa ay muling magtatambal sila ni Christoper de Leon na Ilang pelikula rin noon ang pinagsamahan na mga hit sa takilya. Ayon kay Ate Vi nang mabasa niya ang synopsis at setting ng pelikula plus si Boyet pa ang makakatambal niya, …

Read More »

Coco ‘di problema kung 2nd choice sa Apag

Coco Martin Brillante Mendoza Aljur Abrenica

MA at PAni Rommel Placente AYON kay Direk Brillante Mendoza, si Aljur Abrenica dapat ang lead actor niya sa Apag pero last minute ay nag-back out ito.  Nabanggit daw niya sa dating alaga na si Coco Martin ang problema niya at nagsabi naman ang aktor na kung wala siyang taping ay siya na ang gagawa ng movie. Siyempre pa, natuwa si Direk Brillante sa sinabi ni Coco …

Read More »

Lito Lapid naghain ng panukalang-batas para mabigyan ng ‘tax break’ ang mga producer 

Lito Lapid

TIYAK na matutuwa ang mga movie producer sa pagsusulong ng isang panukalang-batas para mabawasan ang tax na binabayaran ng mga local film at entertainment industries. Ito ay sa paghahain ni Sen. Lito Lapid ng Senate Bill No. 2056 na magkakaroon ang local entertainment industry ng mas malaking tsansa na makabawi mula sa pagkalugi dulot ng pandemya, piracy, at pagdami ng streaming media. Sa …

Read More »

Vanessa Hudgens gandang-ganda sa ‘Pinas; na-obsess sa ratan

Vanessa Hudgens Boy Abunda

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI ang humanga sa pagiging game at walang arte ng Hollywood star na si Vanessa Hudgens sa ginanap na media conference nito noong March 31 sa Manila House sa Bonifacio Global City, Taguig City na ang host ay si Boy Abunda. Lahat ng katanungan ng King of Talk ay magiliw na sinagot ni Vanessa kasama na ang pagsasabing …

Read More »

Lani Mercado-Revilla may pa-blowout  sa mga Bacooreño!

Lani Mercado Bong Revilla Jr

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAMAKAILAN ay ipinagdiwang ni Cavite Second District Representative Lani Mercado-Revilla ang 25th anniversary ng Imus Cathedral wedding nila ng kanyang kabiyak na si Sen Ramon “Bong” Revilla, Jr. Ngayong Abril, isa na namang milestone ang kanyang ipagdiriwang: ang kanyang ika-55 kaarawan. Ngunit sa halip na siya ang regaluhan ng kanyang mga constituent sa Lungsod ng Bacoor, ang …

Read More »

Korean actor na kapareha ni Bela naiyak sa premiere night

Bela Padilla Yoo Min Gon

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASAYANG rumampa ang actress-director na si Bela Padilla sa red carpet premiere ng Yung Libro Sa Napanood Ko ng Viva Films at Whiskey Marmalade Productions pero kabang-kaba pala siya ng mga oras na iyon Ayon sa aktres, inatake siya ng matinding kaba bago pa man simulan ang pagpapalabas ng kanyang pelikulang idinirehe at pinagbibidahan kasama sina Lorna Tolentino ang ang Korean actor na si Yoo Min …

Read More »

Parade of Stars ng 8 pelikula sa Summer MMFF 2023 dinagsa, pinagkaguluhan 

Parade of Stars Summer MMFF

HINDI ininda ng mga artista at fans na nakiisa sa Parade of Stars, noong Abril 2, Martes ang init at talaga namang daan-daang tagahanga ang dumagsa sa kahabaan ng Quezon City para lang makita ang kanilang mga idolo at bida sa mg kalahok sa festival habang nakasakay sa kanilang float kahapon.  Walong pelikula ang nakiisa sa Metro Manila Summer Film Festival (MMFF) na ang …

Read More »

Tiffany at Jiad bibida sa Paupahan

Tiffany Grey Robb Guinto Jiad Arroyo Quinn Carrillo Paupahan Vivamax

RATED Rni Rommel Gonzales MAPANLINLANG ang panlabas na anyo at ang mababangong salita. Sa pelikulang Paupahan, gaano kadilim kaya ang mundong papasukin sa oras na hindi makamit ang inaasahan? Mapapanood sa Vivamax, ito ay pinagbibidahan ng 2022 MMFF Best Supporting Actress Nominee Tiffany Grey bilang Analyn kasama rin sina Robb Guinto bilang Katherine at Jiad Arroyo bilang Nico. Si Analyn ang landlady ng apartment ng kanyang lola na may sakit …

Read More »

David natutunan na mahalagang nakikipag-usap sa mga mahal sa buhay

David Licauco Barbie Forteza

RATED Rni Rommel Gonzales ANG Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Lady & Luke na pinagbibidahan nina David Licauco at Barbie Forteza ay tungkol sa sumpa, karma, suwerte, at kamalasan pero hindi naniniwala sa sumpa, sa suwerte at sa kamalasan ang aktor. Kaya given na rin na wala pa siyang naisumpang sinuman kahit galit na galit siya rito. “Wala pa po, wala pa. Baka next time… …

Read More »

Shira Tweg tuwang-tuwa sa pagiging Sharon Cuneta

Shira Tweg Sharon Cuneta Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko

MATABILni John Fontanilla NAG-UUMAPAW ang talento ng baguhang young star na si Shira Tweg, alaga ng sikat na celebrity make up artist si Bambbi Fuentez. Bukod sa mahusay umawit, sumayaw, at umarte, si Shira ay matangkad at napakaganda na puwedeng pang beauty queen. Pero mas priority ni Shira ang singing na ngayong taon ay iri-release na ang kanyang kauna-unahang awitin na mula …

Read More »

Kiray ayaw pang mag-asawa, pamilya ang prioridad

Kiray Celis Anne Barreto Red Era

MATABILni John Fontanilla WALA pang balak pakasal sa ngayon ang mahusay na Kapuso aktres na si Kiray Celis, dahil marami pa siyang plano sa kanyang pamilya at ito ang prioridad niya sa ngayon. Ayon kay Kiray na isa sa naging espesyal na panauhin sa launching ng collaboration nina Ms Anne Barreto, CEO and President ng Hey Pretty Skin at ni Mr. Jared Era, CEO and President ng Rising Era …

Read More »

Enchong tiyak na makasusungkit ng award sa Here Comes The Groom

Enchong Dee Here Comes The Groom 2

“ANG hirap maging babae!” Ito ang naibulalas ni Enchong Dee sa isinagawang mediacon pagkatapos ng special screening ng Here Comes The Groom noong Miyerkoles sa SM Megamal Cinema. Ang Here Comes The Groom ay isa sa walong entries sa Summer Metro Manila Film Festival na magaganap sa Abril 8-18, 2023. Soul swapping ang tema ng pelikula na sequel sa hit movie na Here Comes The Bride, at ginagampanan ni Enchong …

Read More »

Gerald magaling umiyak

Kylie Padilla Gerald Anderson 2

I-FLEXni Jun Nardo MALUNGKOT ang pelikulang Unravel na isa rin sa entries sa Summer MMFF na pinagbibidahan nina Kylie Padilla at Gerald Anderson. Buti na lang, bongga ang location ng shoot nito sa Switzerland kaya feeling namin, muli naming nabisita ang bansa na matagal na naming napuntahan. Ang naisip namin, isang old movie nina Vilma Santos at Christopher de Leon ang movie dahil magaling sina Gerald at Kylie kahit silang dalawa …

Read More »

Enchong hinangaan ang pagiging transwoman

Enchong Dee Here Comes The Groom

I-FLEXni Jun Nardo TRANSWOMAN ang character ni Enchong Dee sa unang pagkakataon sa movie na Here Comes The Groom na isa sa entries ngayong Summer Metro Manila Film Festival. Soul-swapping ang tema ng movie na sequel sa hit movie na Here Comes The Bride. Napunta sa katawan ng isang babae ang katauhan ni Enchong kaya kilos babae ang galaw niya. Hindi ba siya natatakot na baka …

Read More »

Carlo ‘nainlab’ sa isang baguhan

Carlo Aquino Eisel Serrano

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI naman nahirapan si Carlo Aquino na magkaroon sila ng bonding at maging close ng leading lady niya sa pelikulang Love You Long Time, si Eisel Serrano, isa sa official entry sa 2023 Metro Manila Summer Film Festival na handog ng Studio Three Sixty na si Eisel Serrano. Ayon kay Carlo sa ginanap na mediacon sa Kamuning Bakery Cafe dahil noong 2021 pa nila ginawa …

Read More »

Kylie nagka-anxiety matapos basahin script ng Unravel: Natakot ako

Kylie Padilla Gerald Anderson

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INAMIN ni Kylie Padilla na natakot siya dahil sa kakaibang tema ng pelikulang pinagsamahan nila ni Gerald Anderson, ang Unravel, isa sa entries sa Summer Metro Manila Film Festival entry na mapapanood simula Abril 8, 2023. Sa press preview ng Unravel noong Miyerkoles, naibahagi ni Kylie na isang linggo siyang na-depress matapos mabasa ang script na ang tema ay ukol sa mental health. …

Read More »

Buhay ng Nars na inspirasyon sa nakararami tampok sa Siglo ng Kalinga

Siglo ng Kalinga Carl Balita

NAINTRIGA si Dr. Carl E. Balita nang ianunsiyo nito bilang prodyuser sa pakikipagtulungan ng Philippine Nurses’ Association (PNA) na puro Nars ang gaganap sa pelikula ng Siglo ng Kalinga. Ang Siglo ng Kalinga ay hango sa inspirasyon ng buhay ng PNA founder na si Anastacia Giron-Tupas (AGT) at ang makabayaning buhay ng mga Filipinong Nars. Ito ang paggunita ng isang siglo ng anibersayo ng PNA.  Marahil sa kakaibang pagsisikap …

Read More »

Ate Vi nanibago, nagpasaklolo kay Boyet

Vilma Santos Christopher de Leon

ni MARICRIS VALDEZ TIYAK na marami ang magbubunyi sa muling pagsasama at pagtatrabaho ng itinuturing na icon ng Philippine showbiz industry, sina Christopher de Leon at Vilma Santos. May 20 pelikula na ang pinagsamahan ng dalawa na unang nagtambal noong 1970 hanggang 2000. At ngayong 2023, magsasama muli ang dalawa sa pelikulang When I Met You in Tokyo.  Unang nagsama ang dalawang award-winning stars …

Read More »

Paupahan, hindi dapat palagpasin sa Vivamax simula April 8 

Tiffany Grey Robb Guinto Jiad Arroyo Quinn Carrillo Paupahan Vivamax

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAABANG-ABANG ang pelikulang Paupahan na mapapanood na sa Vivamax sa April 8, 2023. Makikita rito ang mapanlinlang na panlabas na anyo at ang mababangong salita. Ang pelikula ay pinagbibidahan ng 2022 MMFF Best Supporting Actress nominee Tiffany Grey bilang Analyn kasama rin sina Robb Guinto bilang Katherine, at Jiad Arroyo bilang Nico. Si Analyn ang landlady ng apartment ng kanyang …

Read More »

RK Bagatsing, kinarir ang pagganap bilang Rey Valera

Rey Valera RK Bagatsing

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio GRATEFUL si RK Bagatsing na sa kanya ipinagkatiwala ang pagganap bilang Rey Valera sa pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera). Ang pelikula ay kuwento ng iconic singer-songwriter na si Rey at ng mga totoong taong naging inspirasyon niya sa paglikha ng kanyang musika.  Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Joven Tan at hatid …

Read More »