Tuesday , July 16 2024
Kris Aquino Bimby Josh

Bimby babalik na ng Pilipinas

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SAMANTALA, babalik ng Pilipinas si Bimby para maipagpatuloy ang pag-aaral nito.

Anang Queen of All Media, babalik sa July ng ‘Pinas si Bimby matapos ang ilang buwang pag-aaral via homeschool sa Amerika.

Sa kanyang Instagram account, ibinalita ni Kris kahapon ang desisyon nila na pauwiin muna si Bimby.

My Ate was worried, I had said that Bimby would fly home end of July to study in 1 of our schools offering the International Baccalaureate Program. 

“My Ate said: ‘We’re so worried about you, how will you survive the semi-isolation without Bimb? He’s still okay with studying & he’s still doing well with homeschooling?’” pag-amin ni Kris.

“I reassured her, saying, ‘Ate, it’s so embarrassing that you all feel I’m so dependent on my 16-year-old. He deserves to enjoy being 16.

I want him to experience what I didn’t, a regular high school and college life,” sabi pa ng mami nina Bimby at Joshua.

Ukol naman sa health condition niya, ito ang update ni Kris, “24 hours after the baby dose of methotexate I feel the fatigue, the pain in my joints and overall exhaustion. 

“And I need to have a heart-to-heart talk with my bunso without telling him how my body feels after 1/3 of the dose we’re aiming for.

“As always, Ate knows BEST but I promised Bimb this would be his choice & more than anything, I want him to be proud of me.”

Naibahagi rin ni Kris na super excited na rin si Josh sa pagbabalik ni Bimby ng ‘Pinas. Masaya rin niyang ibinahagi na epektib ang weight loss program ng binata na nabawasan na ng 17 lbs. ang timbang.

Congratulations on your weight loss. We miss you, but I’m so proud. You’ve already lost close to 20 lbs. and you’re excited that Bimb’s going home 

“Tanggap mo na that mama is for FaceTime & iMessage. Thank you kuya for encouraging everyone to PRAY. Please visit Mama for my birthday?”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

James Reid Issa Pressman

James Reid lipas na, inulan ng panlalait sa internet 

HATAWANni Ed de Leon KAWAWA rin naman si James Reid kung noong panahon ng kanyang kasikatan ay …

cyber libel Computer Posas Court

Batas laban sa Cyber Crime malabnaw

HATAWANni Ed de Leon NATAWAG ang aming pansin sa isang video na napanood sa programa …

The EDDYS at Urian buo ang kredibilidad sa pagbibigay ng award

HATAWANni Ed de Leon KUNG mga award ang ating pag-uusapan, para sa amin ay mas …

InnerVoices

InnerVoices patuloy sa paghataw, 2 songs ng banda official entries sa Awit Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MARAMING aabangan sa InnerVoices bago matapos ang taon. Kabilang dito …

Marian Rivera Balota Kip Oebanda

Balota  pinalakpakan sa Cinemalaya

RATED Rni Rommel Gonzales PINASILIP ang ilang eksena ng Cinemalaya entry na Balota, ang pelikulang pinagbibidahan ni Marian Rivera, sa …