Friday , June 20 2025

Bruno Mars, kaabang-abang ang two day concert sa Philippine Arena 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KASUNOD ng matagumpay na 120,000-strong Summer Blast 2023 crowd attendance, ang two-day concert naman ni Filipino-American multiple Grammy winner Bruno Mars ang inaabangang event sa Philippine Arena. 

Sa kabila nga ng ga-higanteng 55,000 capacity ng world’s largest indoor arena, kinailangan pang magdagdag ng isang araw ng concert para makapanood ang mas maraming tagahanga ng international singer.

Ang naunang inianunsyo na June 24 concert ay masusundan agad ng isa pa, sa June 25, dahil na rin sa ‘overwhelming demand’ para sa tickets. Ganyan karami ang Pinoy fans na nagmamahal sa Fil-Am singer.

Proud naman si Bruno Mars sa kanyang Filipino roots. Puerto Rican ang kanyang ama at Pinay naman ang kanyang ina bagaman isinilang siya sa Hawaii. Sa isang interview noon, sinabi nitong chicken adobo ang paborito niyang pagkaing Pinoy. Matatandaan namang nagpadala ito ng $100,000 na tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda pagkatapos ng 2014 concert nito sa Pilipinas.

Nakilala si Bruno Mars sa mga kantang “Billionaire,” “Just the Way You Are,” “Treasure,” “Leave the Door Open,” “When I Was Your Man,” at marami pang iba. Hinangaan siya ng marami dahil sa kanyang galing sa paggawa ng musika, pagtatanghal at pagiging mapagmahal nito sa fans. 

Isa lamang siya sa malalaking artists na nakalinyang magtanghal sa Philippine Arena ngayong taon.

Hitik sa international concerts ang Philippine Arena dahil sa dobleng laki ng venue kompara sa mga nakasanayang indoor concert venues sa bansa. Maliban sa mas marami ang nakakapanood, mismong mga artists ang naaaliw sa mas malakas, mas maingay at mas energetic na crowd na sumasabay sa kanilang pagkanta at pagsayaw. 

Tila nagsisilbi ring barometro ang Philippine Arena sa katanyagan ng international artists sa bansa. Talaga namang tinangkilik ang concert ng Seventeen, Blackpink at ni Harry Styles. Sa ulat ng local media, Seventeen ang kauna-unahang K-Pop group na nakapuno ng Philippine Arena. ‘Full force’ naman ang Blinks o fans ng Blackpink sa two-day concert ng grupo. 

Lalo pa ngang pinagaganda ng organizers ang concert experience sa Philippine Arena. Panibagong sistema ng traffic flow management ang ipinatutupad habang sinisiguro rin ang transportasyon ng mga gustong makapunta sa venue para manood.

Kaya inaasahang magiging masaya at makabuluhan ang pagtatanghal ni Bruno Mars sa Philippine Arena. Mas malaking venue at mas maraming fans ang makakapanood sa ating kababayan na nakilala sa buong mundo dahil sa kaniyang husay sa larangan ng musika.

Para sa tickets at iba pang katanungan, bisitahin ang Concert Tickets and Tour Dates | Live Nation Philippines

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Nadine Lustre

Nadine at Vice Ganda’s MMFF movie inaabangan

MATABILni John Fontanilla MARAMI anf natuwang supporters ng actress  na si Nadine Lustre at  It’s Showtime host Vice Gandanang kumalat …

Julius Babao Cesar Montano Sunshine Cruz Atong Ang

Cesar maligaya para kina Sunshine at Atong Ang

KINUHA ni Julius Babao ang reaksiyon ni Cesar Montano nang mag-guest ito sa kanyng Youtubechannel na Unplugged, tungkol sa pag-amin ng …

John Lloyd Cruz fathers day

Lloydie emosyonal, tagos sa puso mensahe sa anak noong Father’s Day

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Father’s Day, last Sunday, ay nagbiday ng message …

Dustin Yu

Dustin Yu hindi bet ng marami sa PBB Collab?

I-FLEXni Jun Nardo BAKIT kaya maraming ayaw kay Dustin Yu sa PBB Collab? Pero mula simula hanggang sa …

Lotlot de Leon Nora Aunor Cocoy Laurel

Painting na ibinigay kay Lotlot simbolo ng malalim na pagkakaibigan nina Cocoy at Nora 

I-FLEXni Jun Nardo PAKAIINGATAN ni Lotlot de Leon ang painting na ibinigay ng pumanaw na singer-actor  na …