HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. Mabilis siyang dnaluhan ng kasamang si Barbie Forteza pero iyong staff na mukhang props man o set man, huli na nang kumilos at nakita iyan sa video ha. Mas nauna pa si Barbie sa pagbatak kay Budol na nahulog. Tahimik din ang GMA sa mga pangyayari, wala silang statement …
Read More »Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome
HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga namang hinangaan sa tikas at tindig at mukha sa showbiz. Dahil bata, game rin siya sa pagtanggap ng mga role na inihahain sa kanya. Kahit ano. Maski ano. At anuman ang ipagawa, game na game siya. Actually, madadaig niya nga ang mga bagong artista sa Viva …
Read More »Dustin Yu speechless itinanghal na New Male Movie Actor
MATABILni John Fontanilla HINDI maipaliwanag ng Sparkle artist na si Dustin Yu ang sayang naramdaman sa pagkapanalo sa 40th PMPC Star Awards for Movies para sa kategoryang New Male Movie Actor of the Year para sa mahusay na pagganap sa Shake, Rattle & Roll Extreme. Tinalo nito sa nasabing kategorya sina Ron Angeles (Mallari), Elyson De Dios (In His Mother’s Eyes), Shun Mark Gomez (Huling Palabas), Fino Herrera (Here Comes The Groom), Markus Joseph Manuel(Unspoken Letters), Ninong …
Read More »Aiko wagi ng 2 special awards sa 40th Star Awards for Movies
MATABILni John Fontanilla MISTULANG big winner na rin sa gabi ng 40th PMPC Star Awards for Movies ang aktres, kosehala ng Distrito 5 ng Quezon City na si Aiko Melendez. Isa si Aiko sa host ng Star Awards kasama sina Robi Domingo, Bianca Umali, at Alden Richards. Dalawang special awards ang napanalunan ng aktres, ang Intele Builders and Development Corporation Female Shining Personality of the Night, na si Alden …
Read More »Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo
I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim na nga raw talaga ang ipinalit kay Ivana Alawi na may ilan pang natitirang episodes sa series bago mag-exit. Pero walang katotohanan daw ang tsimis na naging sakit ng ulo si Ivana sa series kaya sinibak, huh! Naku, milyon ang kinikita ni Ivana sa kanyang YT channel so, bakit …
Read More »Jennylyn absent sa GMA Gala, ‘di raw pinaalis ng anak
I-FLEXni Jun Nardo IDINAHILAN ni Jennylyn Mercado ang anak na si Jazz kaya hindi siya nakadalo sa GMA Gala event ayon sa report. Nahilingan daw ng anak na huwag siyang umalis. Eh alam naman natin ang katayuan ng anak ni Jen kaya siya raw ang dahilan kaya hindi siya nakapunta sa GMA Gala. Bale second time nang absent si Jen sa GMA event. Unavailable raw siya sa …
Read More »Beking nagalit sa waiter nag-sorry
ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” Pinatayo niya ang waiter ng mahigit dalawang oras, pero nag-apologize naman siya pagkatapos mabatikos ng mga kapwa bading sa ginawang pambu-bully sa waiter. Sabi nga ng isang bading, “kahit na anong damit ang isuot mo at laki ng dibdib mo at kapal ng make up …
Read More »Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person
ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa alambre o pasayawin ng ballet sa platito basta ang partner ko kagaya ni Titus Low,” sabi ng isang BL star. Iyong si Titus Low ay sikat na BL star din sa Singapore na pogi at naging kontrobersiyal nang hulihin ng mga pulis dahil sa obscenity daw. Kaso ang nagkakagusto naman …
Read More »Pagkahulog ni Herlene pinag-usapan
HATAWANni Ed de Leon MAY nagtatanong, ano ang masasabi mo sa “tie awards?” Hindi namin alam iyan at wala kaming pakialam diyan. Kasi ayaw naming pakialaman ang hindi naman namin pinaniniwalaan. Ang alam lang namin iyong necktie, iyong bow tie o iyong Shoe tie pero iyang awards na tie hindi maganda iyan. Psychologically ang ibig sabihin niyang mga tie ang …
Read More »Kobe Paras nilinaw kaibigan lang si Kyline
HATAWANni Ed de Leon TINULDUKAN na ng basketball star na si Kobe Paras ang mga tsismis nang sabihin niyang ang totoo ay magkaibigan lang sila ni Kyline Alcantara. Hindi raw sila mag-syota kahit na nakikita silang HHWW sa kung saan-saan. Kung sa bagay ganyan naman ang mga kabataan ngayon mayroon nga magkaibigan lang pero basta nagkita ay naghahalikan eh. Hindi na uso iyong …
Read More »Birthday ni Sec Benhur dinaluhan ng mga kaibigan sa showbiz at politics; Direk Perci sinagot pasaring ni Atty. Topacio
PUNOMPUNO ang EDSA Shangri-la Hotel noong Biyernes dahil mula sa mga kaibigan sa showbiz at politics ay dinagsa ang 62nd birthday party ni dating MMDA/MMFF Chairman at ngayon ay DILG Secretary Benhur Abalos. Star studded ang naturang okasyon na dinaluhan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcoskasama ang First Lady Liza Araneta, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon, Cong. Sam Verzosa minus Rhian Ramos, mga senador na hindi …
Read More »Christine nakatulong pagiging palaban sa pagpasok sa Wil to Win
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAPWA magaling na aktres sina Quinn Carillo at Christine Bermas ng Vivamax kaya mula sa pagpapa-sexy ay nakatawid sila sa paggawa ng mainstream. Si Quinn ay kasalukuyang napapanood sa Asawa ng Asawa Ko ng GMA samantalang si Christine ay sa show ni Willie Revillame sa TV5, ang Wil To Win. Pero bago pala nakapasok si Christine bilang co-host ni Willie ay dalawang beses siyang nag-audition. Kuwento ni Christine sa media conference ng …
Read More »Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya parurumihin at papapangitin dahil deglamorized talaga ang kailangang hitsura ng aktres sa pelikula. At sa totoo lang sa ganda ni Marian, kahit parumihin o papangitin parang maganda pa rin siya, sa totoo lang. Kaya nga aminado ang aktres na sobrang ingat na ingat sa kanya …
Read More »Nora, Maricel, at Vilma triple tie for best actress sa 40th Star Awards
ni ROMMEL GONZALES TABLA, yes it’s a tie sina Dingdong Dantes at Alden Richards bilang Movie Actor of the Year sa katatapos na 40th Star Awards for Movies. Ang Kapuso Primetime King (para sa Rewind nila ni Marian Rivera) at ang Asia’s Multimedia Star para naman sa pelikulang Five Breakups and a Romance nila ni Julia Montes ang pumasa sa panlasa ng mga screening members ng Philippine Movie Press Club na siyang nag-organisa ng Star …
Read More »KUMU top live streamers ng SM Agency gustong pasukin ang showbiz
MATABILni John Fontanilla MAGANDA ang bawat kuwento ng ilang top live streamers ng SM Agency na umatend sa presscon ng KUMU, kaugnay sa pagbabago ng kanilang buhay ng maging part sila ng nangungunang streaming app sa Pilipinas. Kuwento ng mga live streamer na sina, Peter Miles, Jaime Ballesteros, Rogie Mark Guillermo, Jayar Sabinay, Sandy Gee, at Bryan Cortez na dahil sa KUMU ay nabibili na nila ang …
Read More »Jennylyn sobrang nagpapasalamat maging parte ng Beautederm family
MATABILni John Fontanilla SA wakas ay nagsalita na si Jennylyn Mercado kaugnay sa bali-balitang lilipat ito sa ABS CBN. Sa contract signing at bonggang launching nito bilang newest ambassador ng Beautederm na ginanap sa Solaire North Quezon City kamakailan ay sinabi nito na mananatili pa rin siyang Kapuso at walang paglipat na magaganap. Ayon kay Jennylyn, “Ang daming nag-aantay ng sagot na ‘Lilipat ba?’ ganyan. Ako …
Read More »Alex ibinandera 14M subscribers sa YT
MA at PAni Rommel Placente BONGGA ang vlogger, TV host, at aktres na si Alex Gonzaga dahil mayroon na siyang 14 million subscribers sa YouTube. Talagang sikat na sikat na ang bunsong anak ni Mommy Pinty. Well-followed talaga siya sa social media. Sa Instagram, ibinandera ni Alex ang ilang pictures niya na nasa beach, pati na rin ang screenshot ng homepage niya sa nasabing video-sharing …
Read More »Jennylyn nawindang sa diamond bracelet at Hermes bag na regalo ni Ms Rhea Tan
MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Huwebes, opisyal na inilunsad si Jennylyn Mercado bilang endorser ng newest facial care ng Beautederm na Threemendous TRIO serums, ang Cristaux Vitamin C, Cristaux Hydra Beauty at Cristaux Retinol. Si Rhea Anicoche Tan, President/CEO ng Beautederm ay kilala naman natin na talagang ini-spoil ang kanyang mga ambassador at laging binibigyan ng mamahaling regalo. Si Jen, bilang bagong dagdag sa …
Read More »Studio Player tunay na panalo sa Family Feud
RATED Rni Rommel Gonzales NANANATILING panalo sa ratings ang award-winning game show ng GMA Network na Family Feud! Pero ang tunay na panalo ay ang mga studio player at avid viewers ng show. Bukod sa celebrity players na naghuhulaan ng survey answers, araw-araw ding may nananalong viewers sa mas pinalakas at mas pinasayang “Guess To Win” promo. Limang survey questions ang lalabas sa …
Read More »All-Out Sundays nakakuha ng nominasyon sa ContentAsia Awards 2024
RATED Rni Rommel Gonzales PANG-INTERNATIONAL scene talaga ang musical performances sa GMA musical variety show na All-Out Sundays! Patunay ang nakuha nitong recent nomination. Ang AOS ang bukod-tanging Filipino nominee for “Best Variety Programme” sa ContentAsia Awards 2024. Iaanunsiyo ng ContentAsia Awards ang mga panalong premium video at TV content sa September 5, 2024, na gaganapin sa Taiwan. Samantala, patuloy na subaybayan ang all-out performances, fun games, at iba …
Read More »Miguel Tanfelix nalilinya sa maaaksiyong serye
RATED Rni Rommel Gonzales MATAPOS ang kanyang iconic role bilang si Steve Armstrong sa Voltes V: Legacy, magbabalik-teleserye si Kapuso Ultimate Heartthrob Miguel Tanfelix bilang si Kidlat sa Mga Batang Riles. Bibida rin sa upcoming drama-action series sina Kokoy De Santos bilang Kulot, Raheel Bhyria bilang Bato, Bruce Roeland bilang Matos, Antonio Vinzon bilang Dagul, at Zephanie bilang Mayumi. Mapupunta sa juvenile center ang mga bidang lalaki matapos mapagbintangan sa isang krimen na hindi naman …
Read More »Charlene at Aga binigyan ng sariling identity sina Atasha at Andres
RATED Rni Rommel Gonzales MAY reaksiyon rin si Charlene Gonzalez tungkol sa pag-arte sa harap ng kamera ng kambal nilang anak ni Aga Muhlach na sina Atasha at Andres Muhlach. “In fairness ‘di ba ang hirap niyan, imagine first time ka aarte tapos kasama mo ‘yung great actors and actresses, ‘di ba nakakakaba talaga iyon,” at natawa si Charlene. Tinanong naman namin si Charlene ukol sa pagiging magulang ng …
Read More »Gary ayaw makatrabaho ang ka-pamilya; Kahit si Kiko o asawang si Bernadette
RATED Rni Rommel Gonzales MAY rebelasyon sa amin si Gary Estrada. “Alam niyo ba sa tagal kong artista ayokong katrabaho ang kahit sino sa pamilya ko? “Kasi… ang hirap eh,” bulalas pa ni Gary. “Too close for comfort para sa akin.” In fact, kahit minsan ay hindi pa nagkasama sa trabaho sina Gary at anak niyang aktor na si Kiko Estrada. ”Iyan nga …
Read More »PWDW Filmfest People’s Legacy Awards 2024 matagumpay
MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang inaugural PWDW Film Fest People’s Legacy Awards 2024 na ginanap sa QCX Business Center, Quezon City Memorial Circle Park noong July 19 na hatid ng The Lovelife Project, YEAHA Channel, at Philippines’s BEST Magazine. Ayon kay Direk Cris Pablo, Founder ng The Lovelife Project, “We are incredibly thrilled to see the overwhelming support and participation from the community. “This event …
Read More »Gary Valenciano pinakaba ang netizens sa black & white poster
MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang matawa ni Gary Valenciano sa naging reaksiyon ng netizens sa black and white poster ng kanyang Inspired concert sa Amerika. Inakala ng mga nakakita sa poster na yumao na ang mahusay at award winning singer. Post ni Gary sa kanyang Facebook account, “HAHAHHAHA ok everyone…chill. I know you all got scared…but I’m very much alive and very much excited for these two …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com