Janine Gutierrez Jericho Rosales Lotlot de Leon

Lotlot sa pakikipag-date ni Janine kay Echo — kung happy siya eh masaya naman ako

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAGTITIWALA si Lotlot de Leon sa anak niyang si Janine Gutierrez. Wala si Balot sa mediacon na pinagbibidahan ng anak na si Janine na inamin ng leading man niyang si Jericho Rosales na dating sila.

Alam mo naman ako, hindi nagtatanong sa anak ko. Basta enjoy niya lang ang nangyayari sa kanya at kung happy siya eh masaya naman ako,” sabi ni Lotlot nang makausap ng Marites University channel sa You Tube at Facebook.

Eh kahit wala na sila ni Monching Gutierrez, maayos ang co-parenting nila sa mga anak kahit may sari-sarili na silang partner.

Basta ang payo ni Lot sa mga anak na nasaa showbiz, “Mahalin nila ang kanilang trabaho at masusuklian din ang ginagawa nila.”