Wednesday , February 4 2026

Entertainment

Ellen, naging ‘mabenta’ simula nang maging Kapamilya star

ni Ambet Nabus KASWAL na kaswal lang kay Ellen Adarna ang magpahayag na mas gusto muna niyang magkaroon ng mga anak bago siya magpakasal. Sa gaya raw kasi niyang liberal mag-isip at manindigan sa mga bagay-bagay, malaking dahilan daw ng pagsasama ng dalawang nagmamahalan ang kasal. “What’s the use of the marriage kung ‘yung product ng love ninyo ay hindi …

Read More »

Sexy male star, bagong BF ni komedyante

ni Ed de Leon NATAWA na lang kami roon sa kuwento sa amin ng isang TV reporter. Iyon palang sinasabi nilang papasikat na ”sexy male star” na kamakailan lang ay pinagkaguluhan ng mga beki sa isang fashion show ay siya palang boyfriend ngayon ng isang comedian. Iyon daw “sexy male star” ang siyang “officially”, ipinalit ng komedyante sa kanyang dating …

Read More »

Lilia Cantapay, ime-make-over ni Mother Ricky

ANG mga katolikong bansa tulad ng Pilipinas ay nagdaraos ng “Araw Ng Mga Patay” tuwing ika-1 ng Nobyembre. Ito ang araw ng paggunita natin sa mga mahal sa buhay na dinadalaw natin sa kanilang himlayan. Naniniwala si Mader Ricky  Reyes na isa rin itong pagkakataon para ang mga kababaiha’y magsikap na magkaroon ng pagbabago sa larangan ng kagandahan.  “Dahil parang …

Read More »

Kathryn-Daniel loveteam, sinisira

ni Vir Gonzales BUHAT noong sumulpot ang tambalang James Reid at Nadine Lustre, tipong nabagabag ang tambalang ryn Bernardo at Daniel Padilla. Sari-saring haka-haka ang kumalat. Sabi nila si Khalil Ramos daw ang tunay na mahal ni Kathryn at si Daniel naman ay in love kay Jasmine Curtis. Pero ang totoo, may movie kasi sina Daniel at Jasmine kaya malimit …

Read More »

Iza, pinayuhang ‘wag munang mag-asawa

ni Vir Gonzales NAGKITA minsan sina Iza Calzado at Korina Sanchez. Nakita ni Korina na pogi ang non-showbiz boyfriend nito na ipinakilala ng dalaga. Thirty plus na si Iza at parang gusto ng mag-asawa. Sabi ni Korina, dapat s’yang mag-asawa sa edad na 35. Napatulala raw si Iza at parang biglang nag-isip. Kasi nga naman, kapag 35 na ang isang …

Read More »

Vice, okey na

ni Vir Gonzales MAGALING na nga si Vice Ganda, kasi nagbibiro na.Sabi n’ya parang flower shop ang kuwarto niya dahil maraming bulaklak at para ring may lamay dahil sa rami ng dumadalaw sa kanya. Ang problema, hindi pa lang malaman, kung lalaki ba o girl ang magiging baby niya.    

Read More »

Marco at Tippy, nag-break dahil kay Miles?

ANG galing magtago nina Marco Gumabao at ang singer na si Tippy dos Santos na naka-dueto ni Sam Concepcion na dating nanalo sa nakaraang PhilPop 2013 dahil hindi nalaman ng publiko na naging mag-syota sila at nagkahiwalay na. Nabanggit lang ng binatang aktor nang ibuking siya ni Manay Ethel Ramos na nakita silang dalawa ni Tippy sa isang mall. Napangiti …

Read More »

Sofia, dating support, ngayon bida na!

SPEAKING of Sofia Andres, siya ang na nag-iisang leading lady nina Inigo Pascual at Julian Estrada sa pelikulang Relax, It’s Just Pag-Ibig na idinirehe ni Antoinette Jadaone na mapapanood na sa Nobyembre mula sa Spring Films at Star Cinema. Support lang siya sa Forevermore na serye nina Liza Soberano at Enrique Gil at gagampanan niya bilang love interest ni Marco …

Read More »

Pagtatapos ng Ikaw Lamang, makapigil-hininga

  PIGIL ang hininga ng mga nakapanood sa pagtatapos ng Ikaw Lamang Full Circle episode noong Biyernes dahil inaabangan kung paano magagapi ni Gabriel (Coco Martin) ang taong sumira ng buhay ng pamilya niya na si Franco (Christopher de Leon). Bilib kami sa propesyonalismo ni Boyet dahil pumayag siyang isabit sa bakal na ikinamatay niya dahil tumusok ito sa katawan …

Read More »

Yeng, maghihintay pa ng 2 taon bago mag-anak; kasal sa Feb., handang-handa na!

  TULOY NA TULOY na ang kasalang Yeng Constantino at Victor Yan Asuncion sa February 2015. Pero matagal-tagal pala ang ipaghihintay ng dalawa bago sila mag-anak. Kailangan muna kasing hintayin ni Yeng ang kanyang ika-10 annibersaryo sa showbiz ito’y bilang respeto na rin sa manager niyang si Erik Raymundo ng Cornerstone. “Ready na ako (magka-baby). Gusto ko na rin naman …

Read More »

JM, work muna ang focus at saka na raw ang love

ni Roldan Castro NAKAKUWENTUHAN namin si JM De Guzman sa taping ng Hawak-Kamay ng ABS-CBN 2. Kinuha namin ang reaksiyon niya sa kuwento ni Joross Gamboa na maraming naghihintay sa kanya na maging kapalit ni Jessy Mendiola. May isang actress nga na nagtapat na super crush niya si JM. “Sino ‘yun?,” bungad niyang reaksyon. “Ang guwapo-guwapo ko naman,” tumatawa niyang …

Read More »

Matteo, kimi sa isyung hinihigpitan sila ng ina ni Sarah

ni Roldan Castro AYAW pa ni Matteo Guidicelli na makasama sa rom-con movie ang girlfriend niyang siSarah Geronimo. Hindi raw nila napag-uusapan at wala pa sa plano nila. “As of now, hindi pa. Ayaw kong madala ‘yung trabaho namin sa personal life namin,” deklara ni Mat nang makatsikahan namin sa presscon ng Moron 5.2 The Transformation na showing sa Nov. …

Read More »

Manolo Pedrosa, gustong sundan ang yapak ni Piolo Pascual

NAGKAROON ng post birthday celebration ang ex-PBB Housemate na si Manolo Pedrosa na dinaluhan ng kanyang fans, mga kaibigan, at pamilya. Sa naturang selebrayon ng bagets na tinaguriang Tsinito, sinabi niya ang kanyang birthday wish at nagpasalamat siya sa kanyang fans sa walang sawang pagtangkilik sa kanya. “My wish po, that I will continue po to have a good life …

Read More »

John Lloyd, imposibleng may anak sa pagkabinata

ni Ed de Leon HINDI kami naniniwala sa mga kumakalat na tsismis na pinagbibintangan si John Lloyd Cruz na may anak na raw at itinatago lamang niya. Nagsimula lang iyan sa post ng isang estudyante sa isang social networking site na nagsabing ang kanyang ama ay isang male star mula sa Kapamilya Network. Marami pa siyang sinabing clues na nagtuturo …

Read More »

Pakikipaghiwalay ni Kylie kay Aljur, nakabuti

ni Ed de Leon INAAMIN ni Kylie Padilla na masama ang kanyang loob sa rati niyang boyfriend na siAljur Abrenica dahil sa nangyaring paghihiwalay nila, na wala naman siyang kasalanan, at ni hindi siya nagawang ipagtanggol ng dati niyang boyfriend. Nang may mangyari kasing controversy ay wala naman siya rito at nasa abroad siya. Pero kung iisipin, dahil sa mga …

Read More »

Daniel, Pinay ang gustong mapangasawa

ni Roldan Castro NABIBIGYAN ng malisya ang friendship nina Kris Aquino at Daniel Matsunaga. Madalas nga ay isinasama ni Kris si Daniel sa mga out of town coverage ng KrisTV. “Yes, of course, of course! Kris is a blessing, you know. It’s a blessing for me, for my entire family. My mom loves her, my sister loves her. You know, …

Read More »

Allen, tinawag na ‘festival discovery’ ng isang French blogger

ni Roldan Castro KAPAPANALO lamang ni Allen Dizon ng kauna-unahang International Best Actor para sa pelikulang Magkakabaung/The Coffin Maker na idinirehe ni Jason Paul Laxamana sa 9th Harlem International Film Festival na ginanap sa New York. Pinuri siya at tinawag na “festival discovery” sa rebyu ng French blogger/ film reviewer pagkatapos sabay na mapanood ang Kamkam at Magkakabaung sa 38th …

Read More »

Sylvia, posibleng masapak si Arjo sakaling may anak

TAWA kami ng tawa sa mga sagot ni Sylvia Sanchez nang tanungin namin kung isang araw ay may kumatok sa bahay nila at magpakilalang anak siya ni Arjo Atayde. Ito kasi ang trending topic ngayon, ang pagkakaroon daw ng anak ni John Lloyd Cruz sa pagkabinata na kaagad namang pinabulaanan ng aktor dahil imposible raw mangyari. Ayon sa nanay ni …

Read More »