Thursday , June 4 2026

Pacman, tinanggihan daw ang alok nina Arnold at Sylvester na makasama sa The Expendables’

120114 mannyni Alex Brosas

CARRY palang tumanggi ni Manny Pacquiao, ha. Imagine, parang inaayawan pa niya ang alok nina Arnold Schwarzenegger at Sylvester Stallone na makasama siya sa fourth installment ng The Expendables. Nakakaloka siya, ‘di ba? Ayaw ba niyang makasama sina Jet Li, Wesley Snipes, Bruce Willis, Antonio Banderas, Jean Claude Van Damme, Jason Statham, at Harrison Ford?

Say ni Manny, it all depends on his schedule pa raw. Kung kakayanin pa ng kanyang schedule ay at saka niya gagawin ang movie.

O, ‘di ba ang taray ni Manny?

Hindi ba naisip ni Manny na ang offer na ganito ay hindi na dapat pinag-iisipan. Tataas ang market value niya kapag nasali siya sa Hollywood movie lalo pa’t box office ang naturang film.

120114 expendables

Isa pa, he will be in the league of Hollywood biggies and legends, isang pagkakataon na hindi na mangyayari sa buong buhay niya.

Kung kami siya, gagawa kami ng paraan para makasama sa movie nina Sylvester at Arnold. Siya lang ang binigyan ng ganitong pagkakataon, tapos mag-iinarte pa siya? (Oo nga, minsan lang dumating ang ganitong opportunity kaya go na!!!—ED)

Naku, pag-isipan mong mabuti ang offer, Manny, at baka magsisi ka sa bandang huli. Do the movie, pronto!

Ay, inutusan daw namin ang Pambansang Kamao!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …