Friday , November 22 2024

Bulabugin

56-anyos age requirement para senior citizen

Helping Hand senior citizen

Marami ang natutuwa sa panukalang ito na ibaba sa edad na 56-anyos ang edad ng mga senior citizen. Padron ito sa Amerika. Pero napakapraktikal ng panukalang ito. E kung hihintayin pa nga naman ang 60-anyos bago ideklarang senior citizen e masyadong late na at hindi na mai-enjoy ng beneficiary. Sabi nga, ang discount ng senior citizen ay napakikinabangan lang sa …

Read More »

Sa SONA ni Digong: Walang magulong rally dispersal

NGAYON lang yata tayo nakarinig ng SONA na walang naganap na karahasan at kaguluhan sa mga raliyista at pulisya. Puwede naman pala… Talagang lahat ay nakukuha sa mabuting usapan. Simpleng-simple lang ang ginawa ni PNP chief, DG Ronald “Bato” Dela Rosa, pinayagan niyang makapagmartsa ang mga raliyista hanggang sa Batasan. Ganoon lang at mapayapang naghiwa-hiwalay ang mga raliyista. Hindi ba’t …

Read More »

GM Ed Monreal umaksiyon agad para sa seguridad ng mga pasahero

NATUWA tayo sa mabilis na aksiyon ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal pabor sa mga pasahero. Ito ay kaugnay ng pagtanggap sa mga white taxi sa loob ng NAIA terminals. Sinabi ni GM Monreal na mahigpit nilang oobserbahan ang decorum ng mga taxi driver, sa pananamit, pag-uugali at kalinisan sa loob at labas ng sasakyan. Sa …

Read More »

PAL communications chief makupad ba!?

Nagtataka naman tayo rito kay Ms. Cielo Villaluna spokesperson ng Philippine Airlines (PAL), kapag mayroon silang mga praise ‘este’ press releases ang bilis magpa-press release. Pero nang magkaaberya (bumalik dahil nasusunog ang landing gear) ang kanilang PAL flight PR 720 nitong Biyernes ng hapon ‘e hindi mahagilap at hindi man lang nagsalita para magpaliwanag. Dedma lang?! Aba, hindi puwedeng balewalain …

Read More »

FOI so easy kay Digong (Natengga nang 12 taon…)

HINDI na tayo nagtataka kung bakit sa buong mundo ay kilalang-kilala ang ating bagong pangulo na si dating Davao mayor Rodrigo “Digong” Duterte. Ultimo mga Portuguese sa Macau, bilib kay Digong. Mantakin ninyong ‘yung Freedom of Information bill na tenengga-tengga ng mga mambabatas at nitong huli ay mismong Malacañang pa, sa loob ng 12 taon, sa kanyang unang buwan ay …

Read More »

Utol ng talunang VP nagwala sa airport

Mabuti na lang talaga at hindi namin ibinoto ang isang kandidatomg vice president nitong nakaraang eleksiyon. Aba ‘e, mantakin ninyong talunan na nga, nakuha pang magwala ng kanyang utol sa Airport. E paano pa kung nanalong VP ang utol niya?! Baka pinatanggal pa sa trabaho ‘yung mga pobreng Customs officials and employee. To make the long story short… Dumaan ang …

Read More »

Alias ‘Wong Fei Hong’ ng MPD financier ng tongpats

Isang pulis na nasa bakuran ng Manila Police District ang sika na sikat na financier ng tongpats sa lungsod ng Maynila. Siya raw ang may hawak ng prangkisa ng kotong sa MPD HQ. Kaya gusto natin ipakilala kay Chief PNP DG Ronald ‘Bato’ Dela Rosa si alias SPO-TRES WONG-BO na nagyayabang na P50M kada buwan ang kaya niyang ipakolektong mula …

Read More »

Bagong Manila Civil Registrar Chief binabayo na ng intriga

IBA talaga kapag ang isang puno ay hitik sa bunga. ‘Yan ang nararanasan ngayon ng isang Manila city hall official na pilit ibinabagsak ng ilang mga intrigero at intrigera. Unang ikinapit sa pangalan ng opisyal na ito ang kontrobersiyal na singilan at kikilan sa mga vendor. Nitong June pa lang nagsisimula si Sir Joey bilang hepe ng civil registrar ‘e …

Read More »

Sen. Win Gatchalian, ex-Cong. Pichay isinailalim na sa HDO

Ito naman ‘yung kasabihan na kapag wala ka sa ‘power’ tiyak na ikaw ay masisingil. Ganyan naman ngayon ang kinasasadlakan ni dating Cong. Pichay at ng pamilya Gatchalian. Kamakailan ay naglabas na ng hold departure order (HDO) ang korte para hindi makapuslit ng bansa sino man sa mga akusado sa ilegal na pagbili ng isang naluluging thrift bank gamit ang …

Read More »

White taxi sa NAIA dapat piliin ni GM Ed Monreal

NAIINTINDIHAN natin ang pagnanasa ni Manila International Airport Authority (MIAA) GM Ed Monreal na maging maginhawa ang paglalakbay ng mga pasahero na dumarating sa NAIA. Kaya nga gusto niyang i-decongest ang airport terminals sa pamamagitan ng pagpapapasok ng maraming taxi, including ‘yung white taxi. Pero parang babalik na naman sa security problem ng mga pasahero. Kumbaga mawawalan ng kontrol ang …

Read More »

DAR binuksan ni Sec. Paeng Mariano sa publiko

PAGKATAPOS nang halos dalawang dekada, binuksan na ni Secretary Rafael “Paeng” Mariano ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa publiko. Literal na binuksan ni Ka Paeng ang gate ng DAR sa publiko pero ito ay simbolikong pagsisimula ng nasabing tanggapan sa ilalim ng kanyang termino. Ayon kay Kalihim Paeng, siya ay mula sa pamilya ng magsasaka, halos 30 taon na …

Read More »

P6,000 basic wage ng barangay health workers (BHWS) isinusulong ni Sen. Hontiveros

Kumbaga, puwede na ‘yan kaysa wala. Pero dapat noong nasa Philhealth pa si Senator Risa Hontiveros ‘e ginawa na niya ‘yan. E ibubulong lang niya kay PNoy at kay Roland Llamas ‘yan, tiyak aprub agad. Kung tutuusin, Madam Senator, maliit pa rin ‘yan. Hindi ganyan ang gusto ni Secretary Judy Taguiwalo. Sabi nga ng Pangulong Digong, maraming puwedeng pagkuhaan ng …

Read More »

Intelligence work kontra ilegal na droga dapat tuloy-tuloy

ARAW-ARAW maraming sumusukong adik at tulak. Sabi nga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, kailangan niyang maghanap ng malaking budget para maiproseso ang rehabilitasyon ng mga sumusukong adik. Nagkakaisa po tayo sa pananaw na ‘yan. Ang mga adik ay kailangang isailalim sa rehabilitasyon. Ang tanong po ng mga kababayan natin ngayon, ano naman po ang gagawin ng administrasyong Duterte sa mga …

Read More »

Numero unong drug lord sa Pateros

Ibang klase pala riyan sa Pateros. Nabubuhay sa sindak ang mga mamamayan sa Pateros dahil ang numero unong drug lord sa kanilang lugar ay malayang nakagagala kung saan-saan. Ipinagmamalaki umano ng isang alyas LEN BAKAL na hindi siya kayang galawin dahil utol siya ng isang malaking politiko sa kanilang lugar. Kasabwat umano nitong salot na si alyas Bakal ang isang …

Read More »

Ninja in tandem nasa QCPD pa rin

PNP QCPD

Hindi pa raw pala naipadadala sa Mindanao ang pulis na Ninja-in-tandem sa Quezon City Police District. Mukhang may kailangan pa silang panagutan kaya hindi pa puwedeng sipain patungong Mindanao. Aba, ‘yung isa sa mga biktima nila ‘e hindi malimutan kung paano nila tinangkang kikilan ng 3M as in tatlong mansanas. Mayabang pa ‘yun isang pulis-Ninja na sinabihan ang kaanak ng …

Read More »

Same old faces on Morente’s reshuffle

Nitong nakaraang linggo ay sunod-sunod na Personnel Orders ang ipinalabas ng Bureau of Immigration at kasama rito ang sandamakmak na appointments, transfer, reassignments and other personnel actions. Maraming namangha dahil parang minadali at hindi pinag-aralan ng mga kasalukuyang nakaupo diyan sa Office of the Commissioner ang mga nabanggit na movement. We are not against the policy of the present BI …

Read More »

Makupad na hustisya kay GMA

ANG bentaha sa pagkakakulong ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ang kanyang asawa ay kabilang sa maimpluwensiyang buena familia. Kaya kahit politikal ang dahilan ng hospital arrest niya sa loob ng anim na taon, masasabi nating hindi siya nakaranas ng pang-aabuso, pambabastos o paninikil mula sa mga pulis na nakatalaga para siya ay bantayan. Baka nga nakapag-established pa siya ng …

Read More »

Tulak ng celebrities at showbiz personalities dapat nang tugisin! (Paging PNP Chief DG Ronald “Bato” Dela Rosa)

ronald bato dela rosa pnp

Isa sa mga dapat pagtuunan ng pansin ni Philippine National Police (PNP) chief, DG Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga bigtime drug pusher na ang target market ay mga celebrity at showbiz personalities. Paki-check n’yo lang po ang isang reliable info na ipinadala sa atin na isang alias GIN PAS-KUAL na itinuturong supplier ng kahit anong illegal na droga sa …

Read More »

Vendor sa Maynila kinikikilan ng P3 Milyon!?

Tatlong milyon piso (3M) ang tinangkang makikil umano ng isang empleyado sa Manila city hall mula sa  100 organized vendors na naghahanapbuhay sa Sta. Cruz, Maynila. Hinaing ni ASGHAR S. DATUMANONG pangulo ng samahan ng CHAIRMAN MUSLIM COORDINATING COUNCIL FOR PEACE & DEVELOPMENT ASSOCIATION INC. (MMCCPDA INC ) ay ginigipit silang 100 vendors na may 122 stall sa kahabaan ng …

Read More »

Bumilib kay Sec. Tugade at GM Monreal

Mr. Yap, bilib kami dto kay Sec. Tugade at GM Monreal, sa halip na sisihin ang PNoy administration sa runway problem sa airport ay humingi pa sila ng paumanhin sa mga manlalakabay/pasahero na naapektohan. +639188228  – – – – Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng …

Read More »

Si Presidente Digong Duterte lang ang nakaintindi ng ibig sabihin ng “executive”

NGAYON makikita ng sambayanang Filipino kung ano ang ibig sabihin ng “executive.” Tanging si Presidente Rodrigo “Digong” Duterte lang ang mayroong sapat na tapang, lakas, karunungan at pang-unawa para maliwanagan ng mga mamamayan kung ano ang ibig sabihin ng “executive.” Siya ang presidente na hindi order nang order lang kundi kasunod ay aksiyon. Hindi siya nagsasabi na gagawa siya ng …

Read More »

SONAng simple’t walang garbo, sana wala rin car show

Tiyak na walang kikitain ngayon ang mga couturier sa unang State of the National Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Mahigpit ang utos ni Digong, walang magsu-suot ng magagarang gowns sa kanyang SONA. Kaya namomroblema ngayon ‘yung mga walang simpleng gown at damit kasi hindi nila alam kung ano ang kanilang isusuot. Mukhang wala silang ‘vision’ kung ano ang itsura …

Read More »

ERRATUM (Paging Parañaque City police chief S/Supt. Jose Carumba)

Correction lang po, Parañaque City Police chief, S/Supt. Jose Carumba, hindi po pala  Mobile Car 3134 kundi police mobile car 313-A ‘yung nagdelihensiya at namilit mangikil ng P100 doon sa driver ng sasakyan na hinahatak ng towing truck na nangyari nitong nakaraang Biyernes (Hulyo 15, 2016). Attention lang po, Kernel Carumba, baka isang araw kayo pa ang maputukan ng mga …

Read More »

Mabilis magtrabaho o magaling mag-recycle ng ‘praise’ release si Atty. Tonette Mangrobang?

Hindi natin alam kung mabilis talagang magtrabaho si BI spokesperson Atty. Tonette Mangrobang o gusto lang magpa-impress at magpasiklab kay bagong Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente. Wala pang isang buwan na nakauupo si Morente bilang Commissioner ‘e mantakin ninyong nakahuli na raw agad ng 514 pedophiles o foreign sex offenders? Talagang parang “choir in unison” na napa-ha ang mga …

Read More »