Saturday , September 7 2024

DAR binuksan ni Sec. Paeng Mariano sa publiko

PAGKATAPOS nang halos dalawang dekada, binuksan na ni Secretary Rafael “Paeng” Mariano ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa publiko.

Literal na binuksan ni Ka Paeng ang gate ng DAR sa publiko pero ito ay simbolikong pagsisimula ng nasabing tanggapan sa ilalim ng kanyang termino.

Ayon kay Kalihim Paeng, siya ay mula sa pamilya ng magsasaka, halos 30 taon na pinamunuan ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at siyam (9) taon naging kinatawan ng Anakpawis party-list sa Kongreso.

Aniya, ang tanggapan ng DAR ay para sa mga mamamayan at magsasakang pinaglilingkuran ng nasabing tanggapan. Ang lahat ng gustong pumunta sa DAR ay welcome, ayon kay Ka Paeng, maging ang mga magpoprotesta. Ikinuwento pa nga ni Ka Paeng na isang linggo bago ang Mendiola massacre noong 22 Enero 1987 ay doon sila namalagi.

Simbolikal din ang pagbubukas sa gate ng DAR dahil ginamitan ng apoy at maso bago tuluyag nabuksan.

Hopefully, maging simula na nga ito ng pagreresolba ng masalimuot na isyung historikal sa pagitan ng mga magsasaka at mga panginoong may lupa.

Nawa’y mas maging siyentipiko ang pagreresolba sa problemang ito at hindi makaluma. Hindi ‘yung tipong bibigyan ng lupa ang isang magsasaka pero walang kakayahang paunlarin ang kanyang saka. Kaya sa huli ibebenta o isasanla rin nila ang lupa.

Maraming pamamaraan para umunlad ang ating agrikultura na hindi kailangan maging alipin ang isang magsasaka habang ang mga landlord naman ay unti-unti nang ginagawang subdibisyon ang kanilang mga lupain dahil hindi na raw produktibo ang pagsasaka.

Sabi naman no’ng iba, wala na raw magsasaka dahil naging manggagawa na raw. ‘Yung ibang magsasaka nagbenta ng lupa para maging overseas Filipino worker (OFW).

‘Yung iba naman nagsanla pero minalas sa ibang bansa kaya hindi na natubos ang lupa. ‘Yung mga OFW sa Europa nagpagawa ng malalaking bahay sa Filipinas pero walang nakatira hanggang unti-unting nabulok ang kanilang bahay at napabayaan ang lupa.

Samot sari na ang problemang kinakaharap sa agrikultura kaya mahalagang makapagbuo ng formula kung paano muling uunlad ang batayang pinagkukuhaan ng kabuhayan sa atin bansa.

Kung wala nang magsasaka, paano na kakain ang sambayanan?! Aasa na lang tayo sa mga imported na bigas, gulay, isda, karne at baka pati itlog imported na rin.

Sa ibang bansa ang mga magsasaka ang mayayaman sa kanila ‘e bakit dito sa atin ay baligtad yata?

Ka Paeng, sa bukid kayo nabubuhay kaya higit sa lahat, kayo ang nakaaalam kung ano ang kahalagahan ng tunay na repormang agraryo para sa pag-unlad ng bawat mamamayan at ng buong bansa sa kabuuan.

Suportado ka namin diyan, Ka Paeng!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *