Vendor sa Maynila kinikikilan ng P3 Milyon!?
Tatlong milyon piso (3M) ang tinangkang makikil umano ng isang empleyado sa Manila city hall mula sa 100 organized vendors na naghahanapbuhay sa Sta. Cruz, Maynila.
Hinaing ni ASGHAR S. DATUMANONG pangulo ng samahan ng CHAIRMAN MUSLIM COORDINATING COUNCIL FOR PEACE & DEVELOPMENT ASSOCIATION INC. (MMCCPDA INC ) ay ginigipit silang 100 vendors na may 122 stall sa kahabaan ng Rizal Avenue hanggang sa Carriedo to Ronquillo streets sa Sta Cruz ng isang nagpapakilalang empeyado na alias JO WEE, taga-Civil Registry Office daw.
Nagtataka sila kung bakit sila ginigipit gayong aprubado naman ng Alkalde ang kanilang organized vending stall sa nasabing lugar noon.
Pero mula nang hindi nila maibigay ang kinikikil na tatlong milyon piso ay biglang pina-phase out nitong alias JO WEE ang 122 stalls at hindi na sila pinayagan makapaghanapbuhay sa nasabing lugar.
At kung maibibigay ang nasabing halaga na kinikikil ng empleyado ng Manila city hall, saka lang daw maibabalik ang kanilang 122 stalls sa nasabing lugar.
Sonabagan!!!
Nabatid pa ni Datumanong, may tatlong Manila city hall officials ang nakipagsabwatan umano kay alias Jowee para pahirapan ang mga vendor.
Mga Leche talaga!!!
Ang gandang pagbabago pala nito para sa pobreng vendors sa Maynila?!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
