Sunday , December 29 2024

Bulabugin

Tulak ng shabu sa Cabrera St., Pasay City namamayagpag

TUKOY NA TUKOY ng mga kapitbahay d’yan sa Cabrera St., sa Pasay City kung sino ang numero unong tulak sa kanilang lugar. Pero wala silang magawa, dahil tila malakas ang kapit nitong isang alyas RANDY BATO sa mga awtoridad. Bistado na umano ng mga awtoridad ang modus operandi ni alyas Randy Bato pero nagtataka sila kung bakit hindi natitiklo?! Sandamakmak …

Read More »

I-drug test ang mga tauhan ng RWM Towing

Dapat sa mga tauhan ng mga towing at Crew kasama ang kanilang mga Team Leader ay dapat sumailalim sa Drug Test dahil marami sa mga ito ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamut. ito ang binulgar ng ilang tauhan ng nasabing mga towing dahil sa sila ay natanggal na dahil sa laki ng kinikita nla bawat huli ay nagagawa pa nitong …

Read More »

Kapit-tuko pa rin ang walang kahihiyang si D/G Bucayo?!

PINATIGAS na rin ba talaga ang kahihiyan sa katawan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Franklin Bucayo!? Aba ‘e bukayong-bukayo na siya sa kapabayaan niya sa kanyang tungkulin at trabaho sa sambayanan ‘e nagagawa pa niyang ‘umikot’ sa iba’t ibang estasyon ng telebisyon at radio kahapon ng umaga para linisin ang kanyang pangalan at bolahin ang taong bayan matapos …

Read More »

‘Disability Test’ sa APD inilalarga ni Ret. Gen. Jesus Gordon Descanzo

WALA na naman tigil ang inbox ng inyong lingkod sa mga natatanggap nating hinaing kaugnay ng DISABILITY TEST na biglang iniutos umano ni Airport Police Department (APD) chief, ret. Gen. Jesus Gordon Descanzo. Isang Col. William Dokot ‘este’ Dolot umano ang ‘urot’ na nagpa-bright bright nitong ‘disability test.’ Hindi natin alam kung ano ang layunin ng disability test ni Col. …

Read More »

Media hindi raw ma-penetrate ng kampo ni VP Jojo Binay?

MUKHANG si Vice President Jejomar Binay mismo ang bumubungkal ng kanyang sariling hukay. Sa kanyang pagdalo sa isang kasalan sa Fontana Leisure Park, sinabi ni VP Binay na mayroon daw ‘ongoing well-funded smear campaign’ laban sa kanya. ‘Yan daw ang dahilan kung bakit ‘binibili’ ng media ang mga kasinungalingang ikinukulapol sa kanya ng kanyang mga kaaway. Inilarawan pa niyang kung …

Read More »

BI-Davao natakasan ng isang US fugitive!

ISINO ang dapat managot sa pagtakas ng isang US fugitive sa kanyang detention cell sa Davao immigration? Si Douglas Brent Jackson na isang pugante at nakahanda na sanang i-deport pabalik sa Estados Unidos ay nabalitang nakatakas matapos lagariin ang rehas ng kanyang selda. Dali-daling iniutos ni Commissioner Fred Mison na hanapin ang nasabing pugante para maibalik sa pagkakakulong. Mantakin n’yo …

Read More »

Vices sa Lipa City (Attn: Mayor Meynard Sabili)

BALEWALA ba sa lungsod ng Lipa City sa Batangas ang ‘One Strike Policy’ ni SILG Sec. Mar Roxas? Sa Purok 7, na sakop ng Barangay Latag sa Lipa City ay lantaran ang pasugal na color games, beto-beto, dice, baklay, kalaskas at pula’t puti sa peryahan na ang kapitalista ay isang alias GLENDA. Si Glenda ang isa raw sa itinuturing na …

Read More »

Jollibee walang proteksiyon sa kanilang longtime partner and franchisee!

HINDI natin kayang bilangin ang alaala para sa ating mga kababayang overseas Filipino workers (OFWs) at sa kanilang pamilya ng kauna-unahang Jollibee sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 doon sa ramp area. Ang nasabing Jollibee ay bahagi ng pagdating at pag-alis ng isang pangkaraniwang OFW sa kanyang pamilya. Dito sila nagsasalo-salo, bago tuluyang mangibang-bayan ang OFW o kaya …

Read More »

Nasaan na ang tatlong Spokesperson ni VP Binay?

SAAN kaya napunta ‘yung tatlong matatapang na spokesperson ni VP Binay na sina Rep. Toby Tiangco, Atty. JV Bautista at Gov. Jonvic Remulla?! Bakit parang biglang natameme ‘yung tatlo lalo na si Tiongce ‘este Tiangco sa bumabagsak na ratings sa mga survey kay VP Jejemon ‘ehek mali Jejomar Binay? Aba, ngayon kayo kailangan ng bossing ninyo. Malaki ang idinausdos ng …

Read More »

Dapat imbestigahan sina Joya at Hotchkiss sa CAAP!

KAMI po ay mga nagkakaisang empleyado ng CAAP nais po namin iparating s inyo ang mga maling pamamalakad sa loob ng aming ahensya. Una, “Nepotism.” Paki-imbestigahan naman ang mga anak nila JOYA at HOTCHKISS na sina Atty. Rania Joya at Steven Hotchkiss. Pangalawa, “corruption” sa mga procurement ng CCTV, fire eqpmnt systems, navigational system at mga “overpricing” renovation sa Airport. …

Read More »

Konstabulate ‘este Constable dapat ‘suhetohin’ ni MMDA Chair Francis Tolentino

MAS madalas ‘yung kakapiranggot na kapangyarihan ‘yan pa ang nagpapalaki ng ulo ng ilang government employees, volunteers or civilian agents. Sa totoo lang, may pitak sa puso natin ang mga kababayan natin na nasa ganitong antas pero lubos na nagseserbisyo sa sambayanan. Mahirap po talaga ang trabaho nila, lalo na nga ‘yang mga konstabulate este constable ng Metropolitan Manila Development …

Read More »

‘Bente-bente’ sa pilahan ng non-Accre taxi sa NAIA T3 tuloy!

TULOY-TULOY pa rin ang ‘bente-bente scheme’ sa tinaguriang pilahan ng mga non-accredited taxi sa Departure Curbside ng NAIA Terminal 3 na umano’y sinasamantala ng ilang guwardiya na nakatalaga rito na pinaniniwalaang may ‘basbas’ umano ng ilang tiwaling Airport Police Department personnel. Ilang taxi driver ng mga ‘puti’ at ‘outside colors’ na taxi cabs ang umamin na ‘tinatarahan’ sila ng P20.00 …

Read More »

Pinabilib tayo ni SILG Mar Roxas

PINAGTAWANAN ng ilang grupo ng netizens si Department of the Interior and Local Government Secretary Mar Roxas nang sumemplang sa sinasakyang motor habang nag-iikot para i-monitor ang kalagayan ng ating mga kababayan na sinasalanta ng bagyo nitong nakaraang weekend. At para mai-justify ang kawalan nila ng habag sa kapwa o sabihin na nating pambu-bully sa isang opisyal ng gobyerno na …

Read More »

Ang nilipad na taklob ng Tacloban Airport at bunk houses

UMUSOK daw ang bumbunan ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) director general William Hotchkiss III dahil sa pagkawasak ng bubungan ng Tacloban Airport. Kaya agad nag-utos na paiimbestigahan umano ng CAAP kung bakit ganyan ang kalidad ng ipina-repair na taklob ng Tacloban Airport. Aba ‘e gumastos umano ng P150 milyones at katatapos lang i-repair ng Tacloban Airport. Kumbaga …

Read More »

Welcome New Immigration Asscom. Atty. Gilbert U. Repizo!

HINDI nga nagkabisala ang ating sapantaha … And the winner for the Immigration new Associate Commissioner is from Mindoro Oriental — Atty. Gilbert U. Repizo. Welcome AssCom. Repizo! Mukhang natalo ng UP Vanguards ang blue eagles? He he he… Sinabi ko naman sa inyo, mas matindi ang patron nito di ba? Si Gov. Boy Umali at Cong. Rey Umali lang …

Read More »

Ops/rescue data ng NDRRMC at PRC bakit laging hindi nagta-tally?

SA WAKAS marami ang natuwa sa PAGASA, dahil sa lahat ng ahensiyang nag-ulat tungkol sa bagyong si Ruby, may international name na hagupit, ang sa atin ang pinaka-accurate. Saktong-sakto ang ulat ng PAGASA. Pero marami pa rin kababayan natin ang nalito, dahil naman sa magkaibang datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Philippine Red Cross (PRC). …

Read More »

Mag-ingat sa warfreak na jaguar (Panawagan sa business establishments)

HINDI natin alam kung ano ag kuwalipikasyon ng Jarton Security Agency Inc., sa pagkuha ng guwardiya. Aba ‘e nakatatakot ang ipinakitang ‘pag-awat’ ng dalawang sekyu. Nauna pa silang magwala sa nagaganap na kaguluhan. Mantakin ninyong magdala ng M-16 at baseball bat para umano awatin ang kaguluhan sa Market Market sa The Fort. Nabigyan ba talaga ng training ng Jarton ‘yang …

Read More »