Tulak ng shabu sa Cabrera St., Pasay City namamayagpag

121814 drugs pasayTUKOY NA TUKOY ng mga kapitbahay dโ€™yan sa Cabrera St., sa Pasay City kung sino ang numero unong tulak sa kanilang lugar.

Pero wala silang magawa, dahil tila malakas ang kapit nitong isang alyas RANDY BATO sa mga awtoridad.

Bistado na umano ng mga awtoridad ang modus operandi ni alyas Randy Bato pero nagtataka sila kung bakit hindi natitiklo?!

Sandamakmak na umano ang adik dโ€™yan sa Cabrera St., na sinabing pinamumugaran ng mga snatcher at holdaper na sagad-sagaran din kung tumira ng shabu.

Pasay chief of police (COP) Sr. Supt. Melchor Reyes, pwede bang pasadahan ninyo โ€˜yang Cabrera St., at โ€˜yung lungga ni alyas Randy Bato?!

Galaw-galaw Sir, habang wala pa ang suspension laban sa inyo!