Friday , November 22 2024

Bulabugin

Caloocan Sports Complex bibigyang katuparan na ni Mayor Oca Malapitan

MARAMI tayong tropa na mga batang-Kankaloo ang tuwang-tuwang nagbalita sa atin kamakailan na isasakatuparan na ni Mayor Oca Malapitan  matagal nang pinapangarap na Caloocan City Sports  Complex. Ayon pa sa ating mga tropa, itatayo ang P300-M sports complex sa Bagumbong (Barangay 171). Sa pamamagitan umano ng 2014 Supplemental Budget No. 14 na inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod Ordinance No. 0541, nailaan …

Read More »

Bulok na serbisyo sa Jose Reyes Memorial Medical Center (Attention:  DOH Sec. Janette Garin)

SANDAMAKMAK na reklamo pa rin ang ating natatanggap hinggil sa napakasamang serbisyo ng JRMMC. Isang kaso na rito ang CT SCAN na talaga namang para kang dumaraan sa butas ng karayom. Sa paghihintay lang ng proseso at sa dami ng rekisitos baka mauna pang matodas ang kamaganak ng pasyente! Naiintindihan naman ng mga pobreng pamilya na sa isang government hospital …

Read More »

BI employees naiingit sa BOC at BUCOR

Maraming taga-Bureau of Immigration (BI) ang inggit na inggit raw ngayon sa nangyari sa Bureau of Customs dahil mabuti pa raw sa kanila, nag-resign at napalitan na ang kanilang commissioner. Dito raw sa BI kahit sandamakmak na negative issues ang pinupukol sa kanilang commissioner ay nananatili pa rin na kapit-tuko sa puwesto!? Sa tinagal-tagal na rin daw ng pagkakaupo, wala …

Read More »

Nilulumot na ang Boracay

NAGBABANTANG masalaula nang tuluyan ang ‘paraisong’ dinarayo at itinuturing na isa sa mga No. 1 destination ng mga turista — ang isla ng Boracay. Huwag na kayong magtaka kung  isang araw ay magising na lang ang mga taga-Boracay na masangsang ang amoy ng karagatan at biglang maglutangan ang mga basurang ibinaon sa buhanginan. ‘Yan ay dahil walang maayos na sewerage  …

Read More »

Happy Mother’s Day

BINABATI po natin ang lahat ng isang happy mother’s day! Sa lahat po ng mga nanay ‘yang pagbati na ‘yan. Ganoon din sa single parents, babae o lalaki man dahil sila ay mayroog dalawang papel sa buhay — ang maging tatay at nanay sa kanilang mga anak. Ito po ang espesyal na araw ninyo! Sa mga anak, aba, kahit isang …

Read More »

Petisyon ni Sen. Trillanes na ipatigil ang K-12 program dapat natin suportahan

ISA tayo sa mga naniniwala na dapat suportahan ang panawagan ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na ipatigil ang K-12 program o Republic Act 10533 na magdaragdag ng dalawang taon sa high school ang Department of Education (DepEd). Una, gaya ng sinasabi ni Senator Trillanes, hindi makitaan ng kahandaan ang DepEd gayon din ang Commission on Higher Education (CHEd) sa …

Read More »

Nobody can stop Mison

Sa kabila ng sandamakmak na reklamo, protesta, pakiusap at paglabag sa CSC rules and regulations ay talagang itinuloy pa rin pala nitong si Immigration Comm. Fred ‘valerie’ Mison ang kanyang proyektong nationwide rotation. Kung kailan patapos na ang PNoy administration ay saka pa napahirapan ang BI employees. Parang naghahanap ng mga magagalit sa administrasyon ni PNoy ‘di ba!? Kahit marami …

Read More »

Taklesang Thai national kailangan pa bang iposas?

MUKHANG nag-overacting naman ang Bureau of Immigration (BI) sa paglalagay ng posas sa taklesang Thai national na si Prasertsri Kosin alyas Koko Narak sa social media. Si Kosin ay empleyado ng isang call center company sa bansa. Pinagpiyestahan siya sa social media nang mag-post ng mga panlalait sa mga Filipino. Tawagin ba namang “pignoys,” “stupid creatures,” “low-class slum slaves” at …

Read More »

Tao ni SILG Mar Roxas tila ‘nagpakawala’ ng mga ‘asong gutom’ sa mga ilegalista sa AoR ng SPD

MUKHANG nagkakagulo ngayon sa area of responsibility (AOR) ni SPD Director Chief Supt. Henry Ranola. ‘Yan ay dahil nagpakawala ng mga tila ‘asong gutom’ na mga kolek-TONG ang isang alias Kernel T., nagpapakilalang enkargado ni SILG Mar Roxas, para maging taga-ikot niya sa pasugalan, beerhouse at putahan pati sa bagsakan ng droga. Kabilang daw sa mga taga-ikot ni Kernel T., …

Read More »

Injury mukhang magiging perjury laban kay pinoy boxing champ Pacman

ITO ngayon ang masaklap na kinakaharap ng ating Boxing Champ na si Manny “Pacman” Pacquiao sa Nevada Athletic Commission. ‘Yan ay matapos daw umanong itago ni Pacman ang kanyang injury sa kanyang rotator cuff. Wala kasing idineklarang ‘injury’ si Pacman base sa kanyang nilagdaang up-to-date information sa Nevada Athletic Commission bago ang laban nila ni Floyd Mayweather Jr. Kaya marami …

Read More »

Anyare na sa Philippine National Railways!?

MASYADO  tayong nalungkot nang pagdating natin sa bansa ay nabungaran natin sa pahayagan na under inspection daw ang perokaril ng Philippine National Railways (PNR) mula Manila hanggang Bicol. ‘Yan ay dahil sa nangyaring pagkakadiskaril ng PNR at halos 80 pasahero ang tinatayang nasaktan. Nadiskaril dahil nagkaroon ng gatla (espasyo) ang riles kaya biglang tumagilid ang tren ng PNR. ‘Yun bang …

Read More »

‘Bidding-bidingan’ sa airport CCTV nilinaw ng GM’s office

NASA post-qualification stage na pala ang bidding process ng CCTV cameras sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ito po ang paglilinaw na ginawa ni Manila International Airport Authority (MIAA) public relations officer David Faustino de Castro. Nilinaw din ni Mr. De Castro, na nabigo nga ang unang bidding pero ang ikalawang bidding ay ongoing. Kung mabibigo pang muli ang bidding …

Read More »

Jakarta ititigil na ang pagpapadala ng domestic workers sa Middle East (Dahil sa ibinitay na 2 Indonesian women)

HINDI na umano magpapadala ng domestic workers ang Indonesia sa mga bansa sa Middle East. ‘Yan ay matapos, bitayin ang dalawa nilang mamamayan na nagtatrabaho bilang domestic helper sa Saudi Arabia dahil umano sa kasong murder. Inihayag ito ng Indonesia, ilang araw matapos, bitayin ang walong drug-convict mula sa iba’t ibang bansa habang ipinagpaliban ang pagbitay sa Pinay na si …

Read More »

Welcome new harassment!

TULOY-TULOY lang at tila ayaw tumigil ng harassment na ipinupukol sa inyong lingkod ng mga taong patuloy na nagbabalat-sibuyas sa ginagawa nating pagpuna sa mga iregularidad na kanilang kinasasangkutan. Hindi ko ngayon ma-imagine kung nakatutulog o natutulog pa ba ang mga taong nasa likod nang walang tigil na pangha-harass sa inyong lingkod. Hoy matulog naman kayo! Baka dahil hindi na …

Read More »

May ‘palakasan’ ba sa BI-MCIA!?

MARAMING Immigration Officers sa BI Mactan Cebu International Airport na apektado ng nationwide ‘rigodon’ (as in rotation) ang sumisigaw ng “VERY UNFAIR” dahil exempted at hindi isinama ang isang IO Gigi Angeles na mailipat sa BI NAIA. Mantakin ninyo from MCIA to NAIA?! Pero itong ilang taon nang namamayagpag na si Vavalina ‘este mali Angeles diyan sa BI-MCIA at everybody …

Read More »

Talo sa laban pero wagi pa rin si Pacman

DAHIL sa kababaang-loob at sa ipinakitang pagsisikap na ipanalo ang laban kontra Floyd Mayweather, Jr., marami talaga ang nadesmaya nang matalo by unanimous decision si Manny “Pacman” Pacquaio sa naganap na Battle For Greatness kahapon sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada. Sa umpisa pa lamang ay mas marami ang umasa na si Pacman ang tutuldok sa kayabangan ni …

Read More »

Welcome back Customs Commissioner Bert Lina!

NITONG nakaraang Abril 24, araw ng Biyernes, opisyal nang umupo bilang Commissioner ng Bureau of Customs (BoC) si Mr. Albert Lina. Ito ang ikalawang pagkakataon na magiging Commissioner ng BoC si Mr. Lina na naunang umupo noong 2005, panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Ngayon, mayroong natitirang 12 buwan o isang taon si Commissioner Lina para ‘baliktarin’ ang reputasyon …

Read More »

Maitumba kaya ni Manny Pacquiao si Floyd Mayweather Jr?  

BUKAS matutunghayan na ang pinakahihintay ng buong mundo na labanan sa ibabaw ng ring. ‘Yan ang “Battle for Greatness” nina undefeated American pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr., at Pinoy boxing champ, Manny “Pacman” Pacquiao sa MGM Las Vegas, Nevada. Gaya nang dapat asahan, kabilang sa magiging audience ng laban ni Pacman ang ilan nating mga mambabatas lalo na ang mga …

Read More »

May bidding-bidingan sa airport CCTV?

MUKHANG marami ang naalarma sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa balitang tapos at plantsado na ang bidding sa daang milyon CCTV camera project. Hindi ba’t may hindi magandang tsismis noon na may nag-resign pa na dalawang retired GENERAL dahil d’yan sa CCTV bidding na ‘yan?! Ito ngayon ang siste, ayon sa ating sources, dalawang beses daw naging failed …

Read More »

Showbiz senate na naman ba sa 17th Congress?!

WALA naman tayong masamang tinapay sa mga artists sa entertainment industry na gustong maging mambabatas. Pero sana klaro rin sa kanila ang kanilang layunin at magiging tungkulin at obligasyon sa hinaharap kapag naluklok na sila sa puwesto. Masyado na kasing nakadadala ang karamihan sa kanila. Sa mga karanasan kasi natin sa mga nakaraang Kongreso na halos nagkasabay-sabay ang showbiz personalities …

Read More »

Agrabyado at desmayado pa rin ang mga obrero

UNA, gusto po nating batiin ang mga manggagawa at iba pang sektor na ginugunita ang kahalagan ng Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa sa araw na ito. Isang makabuluhang pagbati po! Alam nating hindi kayo masaya sa nangyayari ngayon dahil wala tayong nakikitang hakbang mula sa pamahalaan para pagaanin man lang kahit konti ang pasanin ng mga pangkaraniwang manggagawa sa ating …

Read More »

Magkano ‘este’ paano pinakawalan si Gerry Sy!?

NITONG mga nakaraang Linggo ay madalas na namamataan ang Chinese national na si Gerry Sy na nakatambay at nagsusugal diyan sa Resorts World Manila, Solaire at City of Dreams Casino. Kung inyong matatandaan, si Gerry Sy, ang naiulat na nasangkot sa isang eskandalo riyan sa Resorts World Manila, matapos mahulihan ng napakaraming high powered firearms and explosives na lulan sa …

Read More »

Tupada sa gitna ng basketball court (Attn: Gen. Rolly Nana)

MARAMING mga magulang at kabataan ang naghihinagpis sa pagtatayo ng  tupadahan sa mismong gitna ng basketball court sa Tondo, Maynila. Ayon sa ilang residente at mga kabataan , imbes umanong paglalaro ng basketball, dahil bakasyon, tupada ang itinayo ni Chairman Rizaldy (Andeng ) Bernabe ng Brgy. 155 Zone 14 sa Dagupan Extension sa Tondo. Ipinagmamalaki umano ng nasabing punong Barangay …

Read More »

Maraming salamat sa P13-B classrooms project ng PAGCOR (Mabuhay ka Chairman Bong Naguiat!)

UMABOT na nga sa P13 bilyones ang nailaang pondo ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) sa kampanya ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III para sa pagpapagawa ng classrooms sa mga public school lalo na roon sa malalayong lugar o probinsiya sa buong bansa. Ang nasabing proyekto ay kongkretong tugon sa programa ng Department of Education (DepEd) at Department …

Read More »