BI employees naiingit sa BOC at BUCOR

immigrationMaraming taga-Bureau of Immigration (BI) ang inggit na inggit raw ngayon sa nangyari sa Bureau of Customs dahil mabuti pa raw sa kanila, nag-resign at napalitan na ang kanilang commissioner.

Dito raw sa BI kahit sandamakmak na negative issues ang pinupukol sa kanilang commissioner ay nananatili pa rin na kapit-tuko sa puwesto!?

Sa tinagal-tagal na rin daw ng pagkakaupo, wala rin namang tunay na pagbabago at ni hindi naman napagaan ang kanilang estado sa Bureau.

Ang nagbago lang daw ay nagkaroon ng bagong lovelife si bossing!?

Saan ka rin naman nakakita ng ahensiya ng gobyerno na hindi maganda ang working relationship ng Commissioner at ng kanyang dalawang Associate Commissioners!?

Idagdag pa ang demoralisasyon ng nga empleyado sa latest hiring & promotion ng Immigration.

Magbibitiw na rin daw sa puwesto si Bucor Director Franklin Bucayu dahil ilang beses nang nabubukayo sa mga shabu laboratory sa NBP. Akala ng lahat kapit tuko rin si Bucayu pero hindi rin pala.

Talagang iba nga naman daw kapag may “delicadeza” ang isang tao basta nagkaroon ng issue madaling tablan ng HIYA!

Oras na siguro para makialam na si Pnoy sa mga nangyayari ngayon sa Immigration.

Take note SOJ Leila de Lima!

 [divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com